ALA-SAIS ng umaga at hindi pa rin siya nakakatulog sa labis na pag-iisip sa nangyari sa pagitan nila ni Raven. Sinulyapan niya ito sa tabi na mahimbing pa rin ang pagkakatulog habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa baywang niya. Masarap sanang isipin na akin ka lang, Raven. But I know you will not be mine ever since. I have to treasure these moments of us until the rest of my life. I will take care of your race if ever I will have the chance to carry it in my womb.
Alam niyang hindi ang tipo ni Ranzel Vicencio ang magkakagusto sa kaniya kaya ngayon pa lang ay dapat na niyang putulin kung anuman ang damdamin na umuusbong para sa binata. Ginusto ko ito at paninindigan ko. Muli na naman namamalisbis ang mga luha sa mga mata niya at marahang kumilos upang punasan ito. Hindi siya dapat magpakita rito ng kahinaan dahil kahit siya ang dehado sa kanilang dalawa, dapat lang na maging matibay pa rin ang kaniyang kalooban.
Matapos niyang ayusin ang sarili ay humarap siya rito at pinagmasdan ang gwapo nitong mukha habang mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Ngayon lang ulit kita pagmamasdan. Mas lalong gumwapo pala ang tukmol na ito. Pang-ilan na kaya ako sa mga babaeng napaiyak mo? Hay, parang ayaw ko tuloy matapos ang cruise ship na ito.
Marahan itong nagmulat ng mga mata direkta sa kaniya na siyang dahilan kung bakit siya biglang nataranta ngunit huli na! Alam na nitong nakatitig na siya rito. Syete!
"Good morning, Cetacea!" sambit nito sabay bahagyang ngumiti.
"Huh? Cetacea?" pagtataka niya.
"Don't stare at me like that. Baka gusto mo na namang makagat."
Hindi siya nito sinagot kung ano ang ibig sabihin nito bagkus ay pinuna lang ang pagkakatig niya na nahuli nito sa akto.
"I didn't stare at you!" Kumilos siya upang lumihis ng pagkakahiga sa kabilang bahagi. Kahit kailan talaga mapang-asar ang lalaking ito! Nangangagat daw!
Subalit nagulat na lamang siya sa sumunod na ginawa nito dahil umusod ito at niyapos siya sa baywang.
"Umurong ka nga!" reklamo niya. Ngunit nakadama naman siya ng kilig sa gesture nito.
"Hindi ako makakatulog kapag hindi ko kayakap ang cetacia ko. I know, napuyat ka kakatitig sa akin. Huwag mo ng itanggi dahil lumalaki na iyang eyebag mo." Lalo itong sumubsob sa likuran niya.
Hindi talaga siya makakatanggi sa lalaking ito dahil lagi na lang nitong nababasa ang kaniyang kilos.
"Humarap ka rito or else, tatanggalin ko itong comforter."
"Is that a threat? Porkit alam mong⸻"
"We are both naked? Huwag ka ng magsungit, Cetacia. Masarap pa naman ang breakfast in bed."
Kumilos siya at hinarap ito. "Gusto mong mabalian ng buto?"
"You can't do that. Gumawa pa tayo ng isa para twins!"
"Raven!" kunot-noong hiyaw niya. Hindi siya makapaniwalang kakagising lang nito at ang lakas na naman ng tama ng binata.
"I want a quadruplets. Sakto.." Napatingin ito nang malalim sa kaniya. "Mukhang magkakatotoo ang pangarap ko sa'yo!" Nagpakawala ito ng isang ngiting mapang-asar sa kaniya.
"I hate you!"
"The more you hate, the more you love! Pustahan tayo ng isang milyon, mahal mo pa rin ako."
"Neknek mo!"
"I will put that in our contract. If ever you will still love me, I will have full rights to the baby. If ever you hate me, the baby is yours!"
"Raven, hindi tuta o biik ang involve rito. Anak nating dalawa! Don't make these things fools and make your naughty nonsense words. I won't..either loved you anymore. You hated me, right? Patas lang tayo. Isa pa, kaya kong tumbasan ng pera ang pagtulong mo. Name your price, Raven."
"I don't need your money," seryoso nitong tugon. Lumihis ito, bumangon at dinampot ang mga damit na nagkalat sa sahig upang magbihis.
"Fifty million! Just put it to our contract, and you will never bother me anymore." sambit niya.
Humarap ito sa kaniya matapos itong makapagbihis. Nag-iba na rin ang reaksiyon nito sa mukha. "I don't need your money, as I said, Kreisha. Just keep it for the baby."
"Sa totoo lang ay ayokong magkautang ng loob sa'yo, Raven. Take it or leave it."
"Parang sinabi mong isa akong bayarang lalaki. It's my pleasure to help and if ever you don't want an indulgence from me, just throw your millions in another way. At wala kong balak na guluhin ka sa kung ano ang plano mo kung sakali maging successful."
"Mabuti naman. At least, ngayon pa lang nagkakaliwanagan na tayo. You don't want my money; that's better." Kumilos na rin siya at inabot ang mga damit na nagkalat sa sahig upang magbihis.
Ang binata naman ay napapailing na lang na pumasok ng banyo at iniwan siya roon sa kama. Hindi ko na alam kung tama itong pinaggagawa namin! Hindi na tuloy ako makapag-isip nang dahil sa kaniya. Maya-maya pa ay narinig niyang may nag-door bell. Marahan siyang tumayo upang pagbuksan ito habang nasa isipan pa rin niya ang pagtatalo nila ni Raven. Marahan niyang pinihit ang doorknob saka tumambad sa harapan niya ang mukhang ayaw na sana niyang makita.
"Claude?!"
"Surprise?"
"W-What are you doing..here?" Hindi siya makapaniwalang may lakas ng loob pa itong makipagkita sa kaniya matapos ang ginawa nito.
"I want to make sure if you stay in the same room, and I guess I'm right. Hindi mo naman sinabing may kasama ka sa cruise na ito. And I realize I hate being a loser. Hindi ako makakapayag na mapunta ka lang sa mukhang payaso na lalaking iyon!"
"And who do you think you're talking like a buffoon, huh?!"
Napasulyap siya sa likuran niya dahil naroon na si Raven. Hindi na maipinta ang mukha nito nang makitang muli si Claude saka ito lumapit sa kanila.
"Umalis ka na rito bago pa kita ihagis sa dagat at mapakinabangan iyang maputla mong katawan ng mga pating!" sita ni Raven.
"Ah, you're trying to put me in your pocket, huh? Mamili ka sa amin, Kreisha. Itong payaso na ito o ako?"
"No need to choose which is better. Sa hitsura mo pa lang hindi ka na makapagkakatiwalaan," angas ni Raven.
"Ah, ganoon?" Lumapit pa ito na tila nag-aangas din.
Halos maipit na si Chubby sa gitna ng dalawang binatang tila ayaw magpaawat kaya napuno na rin at nainis siya saka siya sumigaw. "Aaahh! Pwede ba?! Tumahimik kayong dalawa?! Wala kong pipiliin sa inyo, okay? Kung gusto niyong magrambulan at magpatayan, bahala kayong dalawa! Bwisit!" Naiinis siyang kumawala sa gitna ng dalawang binata.
Natahimik ang dalawang binata nang umalis siya. Hindi na niya maintindihan ang mga ito at kailangan na niyang tuldukan kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Claude. Walang dapat pag-awayan at pumili dahil sa umpisa pa lang ay wala naman talagang koneksiyon ang lahat. It was just a part of her plan with Claude but Raven was there to intervene.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...