Special Chapter
"Raven..."
"Uhm..."
"Si Baby Reis umiiyak," sambit niya sa asawang mahimbing pa ang tulog nito habang nakadapa. "Love, puntahan mo muna at may conference call ako sa investors ng kapatid ko. Please..." Sumaglit lamang siya upang gisingin ang asawa niya.
Kumilos lang si Raven ngunit hindi naman ito nagising agad. Nahihiya nga siyang gisingin ito dahil pagod din ito mula sa trabaho nito. Nagkataon pa na naka-day off ang kanilang taga-bantay ng kanilang anak. Pinayagan na lamang niyang umuwi ito sa probinsya at samakalawa pa ang balik. Nasilip niya ang wall clock nila at pasado alas-onse na ng gabi. Hindi rin niya maiwan ang kaniyang client dahil sa gabi lang siya madalas nakikipag-deal sa mga ito since foreigner ang kaniyang mga kausap.
Napailing siya at muling bumalik sa kwarto ng kanilang baby. Hindi rin naman niya kayang paiyakin lang ang bata nang buong magdamag at istorbohin ang kaniyang asawa. Sa isang bahagi ng kaniyang isipan, ibang-iba talaga kapag may pamilya na ngunit masaya naman siya. Binuksan niya ang pinto sa connecting door kung saan naroon lang ang baby nila. Doon na lang din siya nagtatrabaho habang nagbabantay kay Reish.
"Uhm, ang baby namin. Why are you crying, baby? Are you hungry?" Kinuha niya ito sa crib at kinarga. Hindi na gaanong umiyak ang halos mag-iisang taong gulang nilang anak ni Raven. Tinungo niya ang lagayan ng gatas nito upang ipa-dede sa bata. "Heto na, baby. Nagugutom na pala ang prinsipe namin. I'm sorry but mommy has a meeting this crazy night."
"Ako na ang magkakarga."
"Huh?!" Nagulat siya nang may nagsalita sa likuran niya at sinulyapan ito. Si Raven ito na halatang kakagising lang at magulo pa ang buhok. "Love..."
"Akin na si Reis."
"S-Sige. Pero ayos lang ba talaga?"
"It's okay," seryosong tugon nito. "We need another nanny for Reis, I guess. Mahihirapan tayo ikaw lang ang nagbabantay sa anak natin sa gabi." Tuluyan na nitong kinuha ang bata sa kaniya at ito na ang humawak sa bote upang ipa-dede ito.
"Oo nga. Naisip ko na rin iyan. I'm sorry, Love. Sa susunod ay kukuha na rin ako ng manager para lang may kakausap sa mga client ko."
"It's okay." Humanap ito ng puwesto upang umupo ito at humantong ito sa isang couch malapit naman sa kaniya. Pagkaupo nito ay humikab agad ito.
Siya naman ay muling bumalik sa puwesto niya upang ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa. "Saglit na lang ito, Love. I will send this email and I will help you there."
"Na.. Take your time, Love. Basta ba susundan pa natin si Baby Reis."
"Ha?" Napalingon siya rito. Nabigla naman siya sa sinasabi ng kaniyang asawang napangiti sa kaniya. Kahit magulo ang buhok nito, gwapo pa rin sa paningin niya si Raven. "Hindi na nga tayo magkaundagaga sa isa, gusto mo pa ng isa. Manahimik ka nga riyan, Love."
"Gusto ko naman ay babae para naman may kalaro si Reis o kaya ay lalaki na rin. Bakit ka ba nagrereklamo kung kaya ko namang magpalit ng diaper ng baby at magtimpla ng gatas."
"Kaya nga pero minsan bali-baliktad. Hay, naku, Love. Forget about it." Napapangiti siya.
"Then, after the baby's milk, daddy will do the rest."
Napakunot ang noo niya saka napatingin dito na tila naasiwa sa sinabi. Alam niya ang tinutukoy nito kaya napapailing na lang siya. "Sira ka talaga, Ranzel Venecio. Kahit kailangan puro ka kalokohan." Tumayo na siya. "Oh, siya. I am done."
"Ang bilis naman. Nagmamadali ka yata, misis? Daddy's turn na ba?"
"Ewan ko sa iyo."
"Come here and will make another one," he said in his sexy and naughty voice.
Pigil na lang ang ngiti niya sa kaniyang asawang hindi pa rin nagbago. Hindi naman din kasi nagbago ang figure ni Raven kahit pa man noon at maalaga ito. And of course, papahuli ba siya na hindi halatang may isang cute, gwapo at masayahing anak. And the rest of the evening, isang nag-aalab na damdamin at daing ng mga pusong nagmamahalan.
Author's Note:
Thank you for reading my unggoy series stories! Nagpapasalamat ako sa walang sawa niyong suporta at nawa'y e-follow niyo ako rito. May upcoming pyhsical book ako publish under Sanctum. Grab your copy soon!
Book Series: Montecillo University Series: The Law-Abiding Son
Kasama sa series na ito ang mga sumusunod:
THE FEARLESS LEADER/THE CARELESS CUTIE/THE SNOB MUSIC PRODIGY - Out na po ito at mahahanap ang mga books sa Sanctum/The Author's Den Page
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fbit.ly%2FTADBookOrderForm%3Ffbclid%3DIwAR0xqzgrK3gNofTINueXsVx_8JhfzBoLexDOToMhYV9-WDRge7wXqZEFwvk_aem_AUnNi3KfLedNT2kDfgILVjGMih_FBcLIX2m7zG7Ix4m9zgIRZcDfZr3PjeLqeObH8irDegtC5c7t14ZZvzCOwyjx&h=AT1h8JUwGvVcHmf6GbLSxXMjoFyZ_y1o_Myg-xFhA8e8GzsKsAOZo4UDm_BtvO2NEDEuzlX_825Lp_tqny_oaP34KsuFDraw-rZ48EX0yRXVtp_P1kTB66aVMJtjJGVafaX4uV0pEAhZ8aHcVRks&__tn__=-UK-R&c[0]=AT1Susz_Oq9zxNFrYRD0xylrzkfMeaddF89cz4ZpA4Q81ywXa_c1Vyq2S9MouK905qPiwVBJ8Pssh4ynflSHDXm2EPlpmQHR2V2pZ8aFWjYvDwEruxTp9goJ5J2UtezxdyPyatybV3nXFY3xF9GBSvMF21bIkQ-J2CLxw8Us4HyYDG4Axy1xhFJSKNP0dyVL8CxGg7UPhNyZ
Shopee Link:
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fshopee.ph%2Fproduct%2F229225708%2F22777071273%2F%3Ffbclid%3DIwAR03Z5jkf1BnvX1vBlBsc4Fkt1k2KZEkAvePL-JvJ5OOParv7yiqhbsR3dA_aem_AUntm_oHoPyh2fdwlc0pxsbeVHZPqZZyMZ9d5LvDj2LX2NKLxKAt5fmQxFNxt30kzAVFkIFSl1N9uMld8JaWY0eC&h=AT3u5lZaeGSS8kzgnVEkJY2Px3RStyW6BkcQgIUTkCItF3FfHC0MosB5mr3abAwbnBP0oGBKlrmKf6bguWvLjYDYsmxIg0cW7ksEQFI5rXz2EZ3avLtbPOLEt3ekgC2iO9z82oyt5YZB3vgLPI7M&__tn__=-UK-R&c[0]=AT1Susz_Oq9zxNFrYRD0xylrzkfMeaddF89cz4ZpA4Q81ywXa_c1Vyq2S9MouK905qPiwVBJ8Pssh4ynflSHDXm2EPlpmQHR2V2pZ8aFWjYvDwEruxTp9goJ5J2UtezxdyPyatybV3nXFY3xF9GBSvMF21bIkQ-J2CLxw8Us4HyYDG4Axy1xhFJSKNP0dyVL8CxGg7UPhNyZ
Thank you!!
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...