"Dad! T-Tell me!" Hindi na niya napigilan ang kaniyang luha at bumuhos na ito. "Aren't you, my real father? A-Am I, not your legitimate daughter?"
"Of course, you're my child!" Hinaplos-haplos nito ang kaniyang buhok. "Let's talk this matter in private, huh! Stop crying, baby!"
"Iyan ang hirap sa inyo, Dad! I am always protecting you, mom, that woman, and this damn family! Kung wala lang akong pinanghahawakan na pangako ng mommy na alagaan ko ang...ang anak niya sa labas, I am not here to protect all of you!" sigaw na naman ni Kameron.
"Stop it, Kameron!" sigaw din ng daddy niya.
"Daddy! S-Sabihin niyo na sa akin ang totoo! Is it true na anak ako ng mommy sa labas?!" Mas lalo lang siyang umiyak nang umiyak.
"Kreisha...you're still my...daughter. Kahit hindi ka...kahit hindi ako ang...daddy mo."
Napaupo siya nang marahan sa sofa habang dinama niya ang lahat ng sakit na idinulot ng tagpong iyon pati na rin ang nangyari kay Raven sa South Africa. Halos binagsakan siya ng matinding galit ng langit kung bakit nangyayari sa kaniya iyon. Tumabi rin ang kaniyang ama sa kaniya at inaalalayan siya.
"Kung hindi niyo kayang sabihin sa kaniya, ako ang magsasabi." Hindi pa rin nagbago ang eskpresyon sa mukha ni Kameron. "She needs to know everything we have been through since the day when mommy met the man who ruined this family. Gusto kong malaman niyo rin ang saloobin ko kahit maliit pa lang ako noon at hanggang ngayon, mas matindi ang pagmamahal niyo sa half-sister ko kaysa sa akin. I am the one who builds your wealth, build your empire, and everything! But Dad, you still care about her and not me! Kahit na niloko na kayo ng mommy, dinala pa niya rito sa pamamahay natin ang half-sister ko, at tinanggap niyo ng buo! I am protecting her because of my promises and because of you, Dad! Dahil sa tuwing nakikita niyo si Kreisha, nakikita niyo ang mommy ko!" Nagpupuyos na rin ang damdamin nito.
"I-I'm sorry, Son. I didn't know your feelings." Napapaluhang sambit nito. "I thought you were brave enough while facing this kind of challenge in our family, so I always focused on your sister. I am sorry; I am not a perfect father!"
"Daddy..." Niyakap niya ang kaniyang ama.
"You're always a perfect father to me, Dad. Hanga ako sa kabaitan niyo at sakripisyo pagdating kay mommy," sambit ni Kameron. Bahagyang bumaba na rin ang tono ng boses nito nang makitang naluluha na ang kanilang ama.
Hindi na siya nagsalita. Sapat na ang narinig niyang may masalimuot din pa lang karanasan ang kaniyang pamilya at isa na siya sa puno't dulo niyon. Ang inakala niya na bukod sa kanilang yaman ay maituturing ng perpekto ang pamilyang kinalakhan niya subalit hindi. Isa siyang bunga ng pagtataksil ng kaniyang ina at sobrang dinamdam niya iyon. Idagdag pa ang samu't saring nararamdaman niya mula kay Raven na hindi na niya nabalitaan kung ano na ang nangyari dito. She was drowned into deep, rough and sorrow emotions. After ng mga sandaling kasama niya ito sa isang cruise ship, ito ang magiging kapalit. Muli naman niyang ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya sa apat na sulok ng kaniyang kwarto matapos silang mag-usap.
TATLONG KATOK sa pinto ang naulinigan niya saka niya ito binuksan, isang umaga. Sa totoo lang ay ayaw na muna niyang magpapasok sa kaniyang kwarto dahil sa nangyari. Subalit nang makita niya sa may awang ng pinto ang kaniyang kapatid, pinagbuksan niya rin ito.
"Can we talk?" kalmado nitong wika.
Hindi siya sumagot bagkus ay hinayaan lang niya itong pumasok sa madilim niyang kwarto.
"Why is it dark here? Why don't you open your⸻"
"You're here to talk to me, right? Ito ang gusto ko."
"Okay."
Umupo siya sa gilid ng kaniyang kama at gumaya rin naman sa kaniya ang kapatid niya.
"Hindi ka pa raw kumakain simula kahapon. Gusto mo ba na magkasakit ka?"
"I'm okay." Iniwas niya ang tingin dito dahil ayaw niyang malaman nitong namumugto na ang mga mata niya sa kakaiyak.
"You're not okay. I know, I am a ruthless brother to you but I am always being overprotective because I want you to be safe and in good hands, Kreisha. As I said, I promised to mom that I will protect you no matter what. Ginawa namin ang lahat na hindi ka lang makuha ng tunay mong ama dahil ikakasama iyong ng kalusugan ni Dad. Alam mo naman may sakit si Daddy sa puso kaya iniingatan kong hindi magalit. But I can't control my temper yesterday. Sumabog na ako lalo na at nakita ko ang hayop na Ranzel na iyon na kayakap ka. That damn man again!"
"K-Kung hindi ka pa nagalit, hindi ko pa malalaman na hindi ako isang tunay na Severino." Muli na naman nagsilaglagan ang mga pasaway niyang mga luha.
"You're still my sister, Kreisha."
"Now, I really understand why you are like this. I'm sorry. Kung iniisip mo na inagaw ko ang lahat ng atensiyon at nakihati pa ako sa kayamanan na hindi naman pala sa akin. I will give it back to you, the real rights and everything I had. Hindi ko dapat tinatamasa ang kayamaan na hindi naman pala para sa akin." Muli na naman siyang humagulgol.
"No! I mean⸻it's not all about our wealth, Kreisha." Sabay himas nito sa likod niya. "I am not against the last will stated by our parents. Masyado lang siguro akong mahigpit sa'yo."
"You know my real father?" tanong niya.
Tumango ito. "Yeah. Nagmamay-ari siya ng mga winery sa Portugal. Isang Half-Filipino, Half-Portuguese ang iyong ama. Si Juan Carlos Muchelli."
"T-The owner of Carlos Chelli Winery? K-kaya ba tinatanggihan mo ang offer ng company niya para sa food and beverages natin sa lahat ng restaurant na mayroon tayo dahil sa...dahil sa may koneksiyon ako sa kaniya?" Panibagong rebelasyon na naman iyon ng kapatid niya at hindi na naman siya makahinga.
"Yes. Siya ang dahilan kung bakit muntik nang mag-suicide si Daddy noon. Hindi mo iyon alam dahil nasa Stanford ka na."
"Daddy..." Piniga na naman ang puso niya nang maalala ang sinapit ng daddy niya. Napakabuti nito sa kaniya kahit alam nitong bunga lang siya ng pagkakamali ng kaniyang mommy.
"I can't blame our dad, Kreisha. Martir siya sa pagmamahal niya kay mommy. At ayokong maging martir sa kung ano man ang nararamdaman mo lalong-lalo na kay Ranzel Vicencio."
"I..still love him, Kuya. Anong gagawin ko? Kahit anong gawin kong pagtatago sa nararamdaman ko ay siya pa rin ang mahal ko! K-Kung pwede lang sana...makipagpalit ako ng puso sa iba, ginawa ko na!"
"Come here..."
Bahagya siyang lumapit sa kapatid at mahigpit siyang niyakap nito habang siya ay nagpatuloy lamang sa kaniyang pag-iyak.
"Kaya ayaw ko sa mga babaeng naghahabol sa mga lalaki. They are annoying but...I can't help but see their innocent face. Hindi pa kita maiintindihan sa ngayon, Kreisha. I never have been in love since then. Someday, I am trying to be kind of women around me who are trying to catch my attention."
Nanatili lang siyang nakayakap sa kapatid niya habang pinapakalma siya nito.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...