Chapter 19

1.1K 19 0
                                    

"Kreisha, wake up!"

"Hmm..."

"Hey..."

Marahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata dahil sa panggigising sa kaniya ni Raven. Bumaling siya sa kabilang side table ng kama upang tingnan ang oras sa kaniyang cell phone. "It's early in the morning, Raven." Bumaling siya rito.

"Yeah. But you need to wake up."

"Huh? Why?" Kumilos siya upang umupo at sumandal sa headboard ng kama.

"Magjo-jogging tayo."

"Huh?!" Pinasadahan niya ito nang tingin. Naka-white t-shirt ito na tenernuhan ng kulay abuhing jogger pants. "Sa ganito kaaga?"

"Anong oras mo ba gustong mag-jogging? Tanghali? C'mon!" Hinila pa siya nito.

"Teka..sandali! Why we do have to take that exercise? Ang sarap matulog," reklamo niya.

"You have to do this right? Kailangan mong magbawas ng timbang kung gusto mong maging successful⸻"

"Oo na!" inis niyang tugon. Tuluyan na siyang kumilos at tumayo.

"Good! I'll wait for you outside."

Kumilos na lang siya kahit napipilitan at isa rin ito sa pinakaayaw niyang gawin ngunit tila kailangan na niya. Pagkabihis niya ay lumabas na rin siya.

MALAMIG ang simoy ng hangin sa paligid na nanunuot sa kaniyang kalamnan. They are in the upper deck of the ship with Raven. At dahil sa lamig na dulot ng paligid ay halos napayakap siya sa sarili.

"Umpisahan mo na."

"Huh? Ako lang mag-isa?"

"Sino ba ang mas kailangan nito? It's you, right? Alangan naman ako."

Masama ang tingin niya rito.

"Ikutin mo ang buong ship mula rito hanggang doon sa kabila tapos pabalik. Kailangan mong umikot ng sampung beses!"

"What? Are you crazy? Do you want to kill me, Raven?"

"What's your doctor said to you, Kreisha? You have to weight loss, right? Magjo-jogging ka o itatapon kita sa dagat?" banta nito.

Sumimangot siya. "Heto na at gagawin ko na." Mabibigat ang mga hakbang niyang naglakad patungo sa sinasabi nito.

"Jogging at hindi lakad!" sigaw nito.

"I know!" Hindi niya ito nilingon. Pahamak ka talaga, Raven! Ang sarap ng tulog ko at gagawin ko sa akin ito? Very wrong!

May nakikita siyang mangilan-ngilang nag-exercise na nadadaanan niya habang mahina lamang ang kaniyang takbo. Buong buhay niya ay hindi niya inaasahan na ang isang Ranzel pa ang mag-uutos sa kaniyang gawin ang bagay na iyon sa kaniya. Ang kapatid ko nga hindi niya ako mautusan na mag-ehersisyo. But, on the other side, she feels something strange. Nagkusa na ang binatang tulungan siyang magbawas ng timbang para lang hindi siya mahirapan. Parang siya pa ang desididong...ayokong isipin. Ayokong umasa. Kapag umasa ako ay masasaktan na naman ako! Nagpatuloy lamang siya sa pagjo-jogging at wala pa sa kalahati ng ship ang naikot niya ay hingal na hingal na siyang huminto.

"A-Ayoko na! S-Suko na ako! I c-can't do it a-anymore!" Napahawak siya sa railings ng barko habang pawisan na rin ang kaniyang likod. "Teka..." Palinga­-linga siya sa paligid. "Bakit ako tatakbo kung pwede namang maglakad. Wala naman siya." Para-paraan!

Ginawa ni Kreisha ang gusto niya at nang malapit na siya sa ay kunwari na siyang nag-jogging papalapit sa binata. Pangiti-ngiti pa ito habang siya naman ay nahihirapan.

"How's your walking and sightseeing, huh? Nag-enjoy ka ba?"

"Hindi ako naglakad, 'no! Nakita mo naman!" pagmamalaki niya.

"Liar. Kung 'di kita sinundan."

Nagulat siya. "What? S-Sinundan mo ako?"

"Isa pa."

"Isa pa? Raven...ang haba ng barko at⸻"

"Gagawin mo o ipapakin kita sa mga pating?" muli nitong banta.

Hindi na maiguhit ang kaniyang mukha saka niya iniwan ito at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Ramdam niyang tila pinaparusahan siya nito at nais na niyang umiyak sa inis.

Ang pag-ehersisyo ay isang pamamaraan upang tulungan ang ating katawan na palakasin ang ating stamina at upang makaiwas na rin sa mga sakit. Malaki rin ang naitutulong nito sa pagdaloy ng ating sistema sa katawan ngunit malaki rin ang epekto oras napapabayaan natin ang ating mga sarili. Disiplina at tamang pag-aalaga lang sa sarili ang kailangan.

PASADO alas-siyete ng umaga nang mag-breakfast na silang dalawa sa kanilang cabin. Halos hindi na naman siya makapaniwala nang makita niyang kakarampot lang ang naroon sa kanilang mesa. Hindi siya sanay na walang kanin sa umaga at tila tinutuhanan na ni Raven ang pagbabawas niya.

"Is this really serious?" Hindi niya maiwasang magreklamo na naman. I can even pay my food but wha'ts this, Raven? Nais niyang itanong iyon sa binata ngunit sinarili na lamang niya.

"No rice for breakfast, no rice for lunch and no rice for dinner. Mag-break na kayo ng kanin mo. We have to set up your keto diet starting today. Mabuti na lang at kumpleto ang barkong ito at hindi na ako nahirapang maghanap." Umupo na ito kaharap niya. "Let's eat."

"I hate you, Raven. Pinaparusahan mo ako," mangiyak-ngiyak niyang sambit.

"Kung sa inyo ay masasarap ang kinakain mo, dito hindi. I'm just trying to help you out of your comfort zone and it's unhealthy anymore. Hindi ko alam kung bakit pinapabayaan ka ni Kameron sa kusina. You hate me now, thank me later."

"Still I hate you." Nagtiyaga na lang siyang kainin ang inihanda nito.

"By the way, my best friend Zack called me via video call app. You brother Kameron visited him in their house. Nagbanta pa ito sa akin. Bakit ba ang laki ng galit ng kapatid mo sa akin?"

Napatigil siya sa pagsubo. "Si Kuya Kameron?" Kaya siya galit ay sinaktan mo ang puso ko. Sinaksak mo ng kutsilyo. Binuhusan mo ng asido. Pinukpok mo ng martilyo! Wait.. Why is it that it sounds like a song?

"I'm not afraid of him, Kreisha. Kahit magkaubusan pa kami ng yaman ay wala akong pakialam. Our cruise ship trip isn't by plan but for by chance."

"Nagalit lang naman siya noong nasa Stanford pa tayo at hanggang ngayon ay hindi nawala iyon. Hindi ko rin naman masisisi ang kapatid ko dahil siya na ang tumayong pangalawan magulang ko."

"But that's not enough reason. It's been a long time and he couldn't accept the fact. Malaki ka na at kaya mong magdesisyon sa buhay. Kaya mo na rin tumayo sa sarili mong mga paa. See? Kaya mo nga magplano ang tumungo rito na hindi niya alam ang plano mo. Palpak nga lang dahil pinili mo pa iyong hilaw na dayuhan na iyon. Women are sometimes just being desperate when it comes to their desires."

"And do you think that this is right, Ranzel?"

Napatitig ito sa kaniya saka nito inilapag ang kubyertos, sumandal sa upuan at pinag-aralan ang kaniyang sinabi. Nakipagtagisan na rin siya ng tingin dito upang malaman niya kung bakit nga nito ginagawa ang lahat para sa kaniya. She already knows that this man is hated her so much.  

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon