Chapter 30

1.1K 13 0
                                    

"What are you doing here, Raven?" Bungad niya agad dito nang maghiwalay sila sa pagkakayakap sa isa't isa. "Tapos may I miss you ka pang nalalaman. Ano na naman ang trip mo?"

"Trip lang ba talaga ito para sa'yo?" seryoso nitong tanong sa kaniya.

"Ang kilala kong Raven ay siraulo, mapang-asar, malakas ang trip sa buhay at⸻"

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang sakupin ni Raven ang mga labi niya ngunit panadalian lamang iyon. Kahit sandaling naglapat ang kanilang mga labi ay ramdam niya ang sparks sa buong kalmnan niya. Sinakop din ng dalawang palad nito ang pisngi niya habang siya naman ay namilog ang mga mata. Samu't saring damdamin niya ang bumalot sa kaniyang pagkatao habang nag-iwan na naman ng marka ang binata sa walang muwang niyang puso.

"Siraulo pa rin ba ako?" Inipit nito lalo ang pisngi niya.

"P-Pwede b-bang t-tanggalin m-mo i-iyang k-kamay mo a-at h-hindi a-ako m-makapagsalita n-nang m-maayos!" ngumusong bigkas niya.

"Ang kyot mong siopao!"

Binitawan nito ang pisngi niya sabay hinampas na naman niya ito nang malakas sa braso.

"Aw!" impit nitong sabi sabay napahawak ito sa braso.

Tumayo siya. "Umuwi ka na nga ng Pilipinas! Hanggang dito ba naman ay buntot ka ng buntot!" inis niyang wika.

"Kreisha!" Hinabol siya nito saka nito pinigilan ang braso niya.

"What?! You know, Raven. I'm tired. Marami na akong problemang kinakaharap sa ngayon. Can I ask a favor? Pwedeng tigilan mo muna ako? You missed me? Miss mo akong asarin? Pwede bang sa ibang araw na lang? Lahat na lang kasi puro biro sa'yo tapos...ang lakas pa ng...trip mo! It is easy to you to play with your witty words in me?" Hindi na niya napigilan ang mga nagsilaglagan niyang mga luha na kanina pa sana gustong kumawala. "Kasi...ako..hindi ko kayang makipagbiruan sa'yo." Nagpahid siya ng luha. "Sinaktan mo na ako ilang beses na. Tama na, please! Ang sakit na e. Ang sakit na, Ranzel!" Tuluyan na siyang umiyak sa harapan nito. Wala na siyang pakialam kung ano ang isipin nito sa kaniya.

"Kreisha..." Lumapit ito sa kaniya. "Don't cry. Nanghihina ako kapag may babaeng umiiyak sa harapan ko. What should I do when I said I miss you? Hindi naman ako nagbibiro, hindi rin ako nangti-trip at lalong hindi ako nang-aasar. I really don't know how to express my feelings when I'm damn in love with a woman in front of me right now. I'm afraid, Kreisha. Natatakot akong hindi mo ako paniniwalaan kaya..kaya idinadaan ko ang lahat sa biro. But..it's true. I have so many things I had done to you and all of them are heartaches. But, I'm sorry. I mean it. I don't know how to start, how to prove it, and how to show you that...that I really love you. I promised to myself that I won't hurt you again."

Natigilan siya. Napatitig din siya sa mga malamlam nitong mata. "A-Anong sabi mo?" Nabibingi na siya sa mga rebelasyon niyang narinig mula rito. She wanted to believe her thoughtful words but she wants to make sure that it wasn't a part of his game. "K-Kung biro pa rin ito...ililibing kita nang buhay!" banta niya.

"Kaso hindi ako nagbibiro. And I don't want to confess my feelings because you wouldn't believe me either."

"Malay ko ba kung nagsasabi ka o hindi. Mukha ka pa namang prankster!"

Marahan nitong ginagap ang kamay niya. "Kreisha...what do I need to do to believe me that I am saying the truth, huh? Gusto mo bang lumuhod ako? Kumain ako ng buhay at buong manok? Susungkutin ko ang mga bituin kasama ang buwan at ang nine planets?"

Pinipigilan niyang matawa. Hayop talagang lalaking ito! Wala ng ibang ginawa kung 'di ang mang-asar!

"Ngingiti na iyan. Mahal na ako niyan..." muli na naman asar nito sa kaniya.

"Ranzel...matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap. Pagod na ako." Pilit siyang kumawala rito saka niya ito tinalikuran upang buksan ang pinto.

"Kreisha...won't you believe me?"

"Bukas na tayo mag-usap⸻ay!" Nagulat siya nang pagbukas ng pinto ay sumubsob ang Kuya Kameron niya, sina Trina, Tristan, Kaiser at Wigo. "Anong ginagawa niyo sa pinto?!"

"Uggh!" impit na hiyaw ni Wigo na siyang nasa ilalim.

"Ito kasing si Kameron...aray!" sambit ni Tristan.

Kaniya-kaniyang nagsitayuan ang mga ito habang hawak ang mga natamaan sa mabilis na pagbukas ng pinto.

"Trina...pati ikaw?" Nagulat din siya dahil naroon ang kaibigan at nakiusyuso.

"Aray ko! Dumaan lang naman ako! Ito kasing apat na ito eh!"

Lumapit si Raven sa mga ito. "I'll sue you all! Hindi ko akalain na ang tsismoso niyo!'

"Okay. Let's take this to due process, and I'll sue you too," tugon ni Kameron.

"Anong kasalanan ko?" tanong ni Raven.

"You hurt my sister's feelings," Kameron said.

"Bro, mali ka! Si Raven na ngayon ang mukhang nasaktan!" singit ni Wigo.

Nagtawanan ang mga ito.

Hindi na siya nakatiis at baka kung saan naman mapunta ang usapan. "Bahala nga kayo!"

"Kreisha..." Sumunod si Trina sa kaniya.

"What did you do, Raven? Bakit mukhang galit si Kreisha?" tanong ni Kaiser.

Naiwan ang mga ito sa pintuan at nagtataka.

"Dude, mali kasi ang diskarte mo!" singit ni Wigo.

"Did you confess your feelings to her?" tanong ni Tristan.

"I did." Hindi na nagdalawang-isip na sumagot si Raven.

"In that case, my sister wouldn't believe you, right? Puro kasi biro ang alam mo," pagsusungit pa rin ni Kameron.

"Let's drink for that! We will not return to the Philippines if Raven and Kreisha don't find their way home back to their hearts!" sambit ni Tristan.

"Wow! And who's talking? Zero balance din ang love life mo, bro!" asar ni Wigo.

Nagtawanan na naman ang mga ito.

Nagpatuloy na lang silang nag-uusap tungkol sa magiging diskarte ni Raven habang si Kreisha naman ay nagtungo na sa kanilang kwarto ni Trina. She sighed when she seated on the couch while Trina after her.

"Kreisha, are you okay?"

Umiling siya.

"Sige at magpahinga ka na. Bukas na lang tayo mag-usap tungkol sa kaniya."

"I wanted to believe that he really loves me, Trina. Pero kapag naalala ko na hate na hate niya ako noon, parang hindi ako naniniwala."

"Kreis...baka naman talaga totoo. Raven wouldn't come here to spend his time with you if he didn't mean it. Alam mo, sa lahat ng circle of friends nila, isa si Raven sa mga ma-effort pagdating sa babae. You knew him since then, Kreisha. Isa pa, may nangyari na sa inyo, right? Willing pa siyang bigyan ka ng anak. My twin brother Tristan told me something. Raven planned everything and your brother agreed. It means..nagkasundo na sila nang dahil sa'yo. Pero kung hindi ka pa rin naniniwala, magpaligaw ka. Dumaan kayo sa process ng ligawan o kaya ay kilalanin niyo ang isa't isa. I know, naguguluhan ka pa sa ngayon pero take it or leave it. Puso niyong dalawa ang nakasalalay dito."

"I'll try."

"You don't have to, Kreisha. Let your hearts will be in between here. Dahil kung nagawa mong mahalin ang isang Ranzel Venecio nang halos dalawang dekada, magagawa rin niyang mahalin ang isang Kreisha Severino nang higit pa roon."

May punto na naman ang kaibigan niya. She needs to be wise at this time at ayaw na niyang masaktan pa. Never again!

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon