Hindi na napigilan ni Kreisha ang mapaluha habang nagliligpit ng kaniyang mga gamit. Sapat na ang narinig niya mula kay Raven at iyon na ang pinakamasakit para sa kaniya. Tiniis niya ang lahat, nagbigay ng malaking pag-unawa at minahal pa rin ang lalaking sa kabila ng lahat. Napakalaking katanungan niya sa sarili kung saan siya nagkulang dahil halos ibinuhos na niya ang lahat dito.
"Kreisha..."
Marahan siyang napatigil sa paglalagay ng mga damit sa luggage niya nang maulinigan ang boses ng kaniyang asawa subalit hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.
"Kreisha..." Muli nitong tawag lumapit sa gawi niya. "What are you doing? Aalis ka?"
Nagpahid muna siya ng kaniyang luha saka napasinghot bago ito hinarap. Marahan siya sumulyap dito habang pinipigilan ang panibagong luhang dadaloy na naman sa kaniyang pisngi. "This is the right thing to do, Raven. It's not good for you that I am here at your side since you still felt that pain in your head. Mas makabubuting umalis muna ako rito para sa kapakanan mo. I understand." Habang sinasabi niya iyon ay pinipiga na naman ang kaniyang puso sa sakit.
"No. I mean...I don't want you to leave. It's just that⸻"
"Raven, we have to do this. Kahit masakit sa parte ko ang gagawin kong ito, kakayanin ko para sa iyo. Nandito ka nga sa pamamahay na ito pero ang layo ng mga iniisip mo. Sa tuwing gusto mo akong isipin ay sumasakit iyang ulo mo. I want to help you but if I am the one who makes your life at risk, I'll go away. Siguro nga ay panahon na para sarili ko naman ang isipin ko." Noon na tumulo ang kaniyang mga luha sa mga mata habang kaharap ito.
Hinawakan nito ang kamay niya. "Kreisha... Just give me more time to think and understand my situation. It would be best if you didn't leave me here, but I felt troublesome and formidable whenever I looked at you. I promise that if ever my memories return, I'll find you, and we will live together again."
"Don't promise that to me, Raven. I'm tired of all the promises that you said to me. Gawin mo na lang at sana kung makaalala ka na ay huwag lang sobrang tagal. Tao lang ako at napapagod din."
"Hindi ka nakakalimutan ng puso ko, Kreisha. I still felt the love inside my heart but I don't remember you. I know this is strange feelings but I mean it." Marahan itong lumuhod. "I'm begging for your patience, understanding, and love. It's been really hard for me to let you go but...this is the thing I know. Babawi ako, Kreisha. Hayaan mo lang akong makaalala na wala ka sa paningin ko."
Naramdaman niya ang mga luha ni Raven habang nakahalik ito sa kamay niya, nakayuko at nagsusumamo. Awang-awa na naman siya para dito dahil alam niyang hindi lang ito ang pinagdaanan ng kaniyang asawa. They need to parted their ways for the meantime or for a long time. Walang nakakaalam kung kailan babalik ang kaniyang alaala subalit wala na rin silang magiging choice. Raven slowly stand up, stared at her gaze and embraced her tightly. Isang yakap na kailanman ay hindi niya alam kung para saan o yakap ng isang pamamaalam. Her tears burst and her emotion is out of control. She embraced him back while crying at his arms.
After a while, Kreisha went outside to Raven's house with her things after she talked to Aling Trining. Her brother Kameron is waiting for her outside when she called it earlier. Wala man siyang sinabi na paliwanag pa dito ngunit nanatili lang itong tahimik. Ito ang unang pagkakataon na hindi man lang ito nakigulo sa relasyon nila ng asawa niya.
"Are you ready to go home?" Kameron asked her.
Tumango siya saka niya muling sinulyapan ang tahanang minsan na rin niyang kanlungan sa lahat ng mga paghihirap niya.
"Let's go inside the car." Kumilos ito upang pagbuksan siya.
"Thanks, bro."
Lumihis na ito matapos siyang makapasok sa loob ng kotse saka nito minaniobra papalayo. Muli na naman tumulo ang mga luha niya habang lumalayo sa bahay ng kaniyang asawa. Ipinilig niya ang ulo sa kotse habang napapasinghot at hinayaan lamang siya ng kaniyang kapatid.
Masakit! Napakasakit! Iyon lang naman ang mga emosyon niya na nararamdaman niya. Halos binagsakan na siya ng langit nang napakaraming pagsubok sa kanila bilang mag-asawa. She didn't expect that they would come to the point that they put their last card into a hard decision in their life when it is needed too.
Pagdating naman sa bahay nila ay lalong bumuhos ang luha niya nang makita niya ang kaniyang daddy na sobrang nalungkot sa pagsalubong sa kaniya. Tila alam na rin nito ang nangyari at niyakap na lang ang isa't isa.
"Everything will be alright, hija. Just be strong and be a fighter."
"Daddy..." Ibinuhos na naman niya ang kaniyang mga luha habang yakap ang nag-aalalang ama niya.
"You have to return to Portugal, Kreisha."
Nagpahid siya ng mga luha niya saka kumalas sa pagkakayakap sa daddy niya saka niya hinarap ang kapatid na noon lang nagsalita. Hindi pa nag-sync sa isipan niya ang sinabi nito.
"I don't want you to suffer all of these just because of your husband's situation. The place is great to help you to ease that pain of yours. Hindi kakayanin ni Daddy na makita kang malungkot sa bahay na ito."
"What?" Sabay napasulyap siya sa kaniyang ama.
"You have to do this, Kreisha. It's for your own good. Ayokong nakikita ka na malungkot at alam kong hindi ka pababayaan ni Juan Carlos. I already talked to him and he is waiting for you there."
"Daddy..." Napasandal siya rito. Hindi na siya tututol kung ito naman ay para sa kabutihan niya. Napagod na rin siya sa sitwasyon niya at kailangan na niyang huminga.
"I'll prepare everything that you need tomorrow morning. And if it's okay with Trina, I'll ask her to be with you."
"It's okay with me!"
Napasulyap sila sa babaeng kakapasok lang. It was her bestfriend Trina slowly walking through their direction. Hindi niya talaga alam na sa tuwing may pag-uusapan ang kanilang pamilya ay lagi na lang itong sumusulpot subalit gusto naman niya ito dahil ito rin naman ang takbuhan niya sa tuwing may problema siya.
"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot?" kunot-noong tanong ni Kameron dito.
"Narinig ko ang pangalan ko mula sa iyo." Malawak ang pagkakangiti nito. "By the way, okay lang sa akin na sumama kay Kreisha basta sagot mo ang airfare, food at accommodation ko sa Portugal."
"Is it okay, Trina? Paano si Tristan? How about your car business?"
"He can handle it. Madali naman kausap ang kapatid ko at sigurado akong matutuwa iyon kapag nalaman niyang pupunta ako sa Portugal."
"What do you mean?" she asked.
"You will know later." Lumapit ito sa kaniya. "Don't worry, Kreisha. Magiging okay ang lahat at iyang asawa mong kolokoy na iyan, makakaalala rin iyan. Trust me."
"So, okay na pala. I'll go upstairs." Kumilos na ito upang umakyat.
"Kameron!" tawag ni Trina.
Lumingon ito. "Yes?"
"Let's talk."
Nahihiwagaan siya sa dalawang ito ngunit hindi na lamang niya pinansin. Kailangan na niyang maghanda upang tumungo ng Vhino Verde. Subalit handa na nga rin ba ang puso niyang lumayo sa asawa niya? Raven!
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...