Chapter 42

759 16 0
                                    

Patakbong sinalubong ni Kreisha ang kapatid niyang si Kameron habang bumababa siya ng hagdanan nang malaman niyang naroon na ito. Araw-araw siyang naghihintay ng balita tungkol sa asawa niya dahil umaasa pa siyang makikita pa niya itong muli.

"Kuya! M-May balita ka na ba sa asawa ko? Nakita na ba siya?" sunod-sunod niyang tanong.

Pinasadahan siya nang tingin nito mula ulo hanggang paa. "Ang sabi ni Trina ay hindi ka raw kumakain. What are you trying to do? Do you want to die? Look at yourself!" Hindi nito tinugon ang tanong niya at halos hindi ito makapaniwala sa nakita tungkol sa kalagayan niya.

Mula noong mga araw na hindi na niya nakita ang asawa niya at naaksidente ito, halos hindi na niya inaalala ang sarili. Hindi na rin niya natingnan ang sarili sa salamin dahil sa sobrang stress at sakit na idinulot ng pangyayaring iyon sa kaniya. Subalit araw-araw siyang umaasa na magkaroon ng development ang kaso ni Raven mula sa kapatid.

"Let's have a sit. Mag-usap tayo nang masinsinan," anito.

Sumunod naman siya rito at naupo sila sa mahabang sofa. Mula noong hindi pa siya ikinasal kay Raven, nag-aalala na lagi ang kapatid niya sa kaniya. Noon pa man din ay ayaw na nito kay Raven subalit wala rin itong nagawa dahil mahal na mahal niya ang lalaking matagal na rin niyang pinangarap.

"Kuya...may balita na ba sa asawa ko?" muli niyang tanong dito.

Humugot ito nang malalim na buntong-hininga. "It's been a month since the incident had happened to Raven. I have good news and also a piece of bad news. Kreisha..." Hinawakan nito ang kamay niya. "Magpakatatag ka sa sasabihin ko sa'yo."

Muli na namang nangilid ang mga luha niya. "Just tell me and I'm ready to listen."

"Okay." He sighed again. "Raven is still alive but he is still fighting for his life until right now. Nasa isang facility siya ng isang sekretong organisasyon na kinabibilangan ni Rendell at ang nangyari sa kaniya ay hindi isang aksidente. Your husband has a lot of death threats and it's not new for him as a private attorney. Isa iyan sa dahilan kung bakit ayokong mahalin mo ang taong iyon pero wala akong magagawa dahil mahal mo siya."

Nagpahid siya ng kaniyang mga luha mula sa narinig sa kapatid. May isang bahagi ng puso niya ang nabunutan ng tinik dahil sa buhay ang asawa niya at lumalaban. Naisip na rin niyang hindi maganda ang kalagayan nito at nais na niya itong makita.

"I know you want to see him but it's not the right time. Hindi pa nagigising si Raven at may posibilidad na magkaroon siya ng memory loss. The doctors said that Raven can moves his fingers even he's still unconscious. Kreisha, gusto kong magpakatatag ka oras na magkaroon ng problema sa susunod na mga araw. Maaaring hindi niya tayo maalala paggising niya kaya gusto kong maging handa ka. Don't worry, I am here to support both of you for his fast recovery."

"Kuya, my husband needs me. I need to see him." Bumalot na naman ang pighati sa puso niya tungkol sa asawa. Awang-awa na siya para dito subalit hindi niya ito maaaring makita.

"I know. But it's not the right time, Kreisha. Si Rendell na nagsabi sa amin na magagaling ang mga doctor na tumingin kay Raven. Let's pray for that. Isa pa, mapanganib sa ngayon dahil hindi maaaring malaman ng mga Kriminal kung nasaan siya. Ang mas mainam mong gawin sa ngayon ay magpalakas ka, kumain ka, ayusin mo ang sarili mo at paghandaan mo ang pagbabalik ng asawa mo."

"Paano kung...paano kung hindi pa siya magigising? Kuya, I need to see him!" Nagpupumilit siya.

"Kreisha..." Hinimas-himas nito ang likuran niya. "One of these days, Raven will wake up. That's why I'm telling you to prepare yourself and have wide patience. Okay?"

Tumango-tango lang siya saka siya pinasandal ng kapatid niya sa balikat nito.

"Raven is a brave person and he will find his way back to you. Huwag ka ng umiyak at magiging maayos din ang lahat. I am always here for you no matter what."

She's being thankful that her brother Kameron wouldn't let her alone in facing her hard times. Kung wala ito ay baka nalugmok na siya sa kumunoy na walang tanging inaasahan. Ngayon, may dahilan na siyang ipagpatuloy ang kaniyang buhay ngunit marami pang kailangang pagdaanan. If Raven is fighting for his life, she needs to fight for the changes that they have been through.

PAGLABAS ni Kameron sa gate ng bahay ni Raven ay nakasalubong ng binata si Trina. Kakababa lang ng dalaga sa kotse nito habang may hawak na paper bag.

"Kameron, ikaw pala."

Bahagya lang itong ngumiti. "Hi."

"Hello. Uuwi ka na?" tanong ng dalaga.

"I'm going to my office. Dumaan lang ako upang kumustahin ang kapatid ko at may sinabi lang akong mahalagang balita sa kaniya."

"Oh, I see. Is it about Raven? Uhm, sinabi na sa akin ni Tristan ang totoo. Nakakalungkot nga dahil hindi pa nagigising si Raven pero thankful na rin tayo dahil buhay siya."

"I agree."

"Uhm, sige. Papasok na ako."

"Trina..." Pigil ni Kameron sa dalaga.

"Yes?"

"Thank you for taking care of my sister. I owe you one. How could I repay you?"

"Kiss!" Hindi ito nagdalawang-isip sabay natawa. "Biro lang! Baka sabihin mo ay⸻"

Hindi na naituloy ang sasabihin ni Trina nang hinapit ni Kameron ang baywang ng dalaga papalapit saka ito siniil ng halik. Halos nabigla din si Trina sa tinuran ni Kameron sa kaniya at hindi nito inaasahan na totohanin ng binata ang sinabi. Segundo lamang ang halik na iyon subalit nagdulot na iyon ng isang matinding karanasan na hindi malilimutan.

"Why did you kiss me?" Trina asked Kameron when their lips parted.

"Because you said it, how could I repay you."

"I'm just kidding, and I am not asking how you would repay me!"

"I hate jesting words and it's one word enough for me to grant your wish, young lady." Marahan niyang binitawan ang dalaga sa pagkakahapit sa baywang nito.

Bahagyang napayuko si Trina na tila nahihiya rito. "First kiss ko iyon."

"That's my first kiss, too," he said.

Nag-angat nang tingin si Trina kay Kameron. "Nagbibiro lang naman talaga ako. Hindi ka na nasanay sa akin."

"Hindi ako mahilig makipagbiruan, as I said. Pumasok ka na sa loob at aalis na ako." Tumalikod na ito at lumihis upang tumungo sa sasakyan nitong nakaparada sa unahan.

Nasundan na lang ito nang tingin ni Trina saka pumasok na rin ito sa loob. Habang si Kameron naman ay nabigla lang din sa sarili nito kung bakit tinugon ang kahilingan ng dalaga subalit napangiti naman saka minaniobra na rin nito ang sasakyan papalayo.   

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon