PASADO alas-otso ng gabi nang muli silang pumunta sa bahay ni Juan Carlos dahil nais siyang kausapin nito. Nabanggit na rin sa kaniya ng kapatid niya na pag-uusapan nito ang tungkol sa kaniya at alam niyang mauungkat na naman ang nakaraan. She's not ready for that but for the sake of everyone's peace of mind, she will face him.
"Nanlalamig ka. You're nervous too."
Napasulyap siya sa kanang bahagi niya dahil kasabay niya si Raven pagpasok. "I can't help it but to feel that way."
"You felt nervous not because of facing him but because he's beside you."
Muli siyang napasulyap sa kabilang bahagi niya dahil kasabay din nila ang kapatid niya saka bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay niyang hawak din pala nito. "Bakit ka ba nakahawak sa kamay ko, Kuya?"
"Why? I don't have the right to do this?" Kameron in his sarcastic tone of voice.
"You're just her brother, and I'm her boyfriend," Raven said on the other side.
Bahagyang humarap si Kameron kay Raven. "Don't give me that shit words of yours, Raven. Oras na malaman kong pinaiyak mo na naman itong kapatid ko, I'll bury you alive."
Raven smiled at Kameron. "I won't do that anymore, my dear brother-in-law. This time, I will never make your sister cry again."
"Just make it sure." Bumaling ito sa kaniya. "Kung bakit pa kasi sa lahat ng pwede mong mahalin, itong si Raven pa ang napili mo."
"Kuya!" saway niya.
"Kung bakit pa kasi sa lahat ng naging kapatid mo ay si Kameron pa," tugon naman ni Raven.
"Hinahamon mo ba ako?"
Humarap si Raven dito nang taas noo. "Hindi kita hinahamon. Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? Why don't you make yourself happy for both of us?"
Nagpalit-lipat siya nang tingin sa dalawang lalaking nagtatagisan ng matatalim na tingin sa isa't isa. Kailangang may gawin siya bago pa man mauwi sa kung saan ang hirit ng mga ito. "Will you stop this? Para kayong mga bata! Magbati nga kayong dalawa. Ayan!" Tinanggal niya ang pagkakahawak ng dalawa sa kaniya saka niya pinagsalikop ang mga kamay ng mga ito. "Siguro naman ay magbabati na kayo!"
Nagkatinginan sina Raven at Kameron sa kanilang mga kamay sabay bumitaw sila sa isa't isa.
"Until she marries you," Kameron said.
"I will marry your sister tomorrow."
"Tomorrow?" Nagulat din siya sa sinabi nito.
Raven took his glimpse at her. "Yeah. I want to surprise you but then again your brother seems that has no trust in me as your boyfriend until I'll marry you. Kinausap ko na rin ang kapatid mo tungkol sa bagay na iyan pati na rin ang iba para paghandaan ito."
"Really?" Bumaling siya sa kapatid niya. "Kuya, is it true?"
"Yeah," tipid na tugon nito.
"So, what's the matter? Bakit hindi mo pa rin tanggap si Raven?" Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon pa rin ang trato nito sa magiging asawa niya.
"That's because—of you, Kreisha."
"Huh? What do you mean?" Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka.
"Malulungkot ang kapatid mo at ang daddy mo kapag umalis ka na sa poder nila. Well, of course, I will take you as my queen to live with me as your king. And that will suppose to happen as a real couple."
"Just shut your mouth, Raven," singit ni Kameron. "You don't need to share what we have talked about. Masyado kang madaldal!"
"At least your sister knows." He gasped. "We are here for Kreisha, Kuya. She needs our support."
"Don't call me that way." Nagsusungit pa rin ito.
"Don't worry, Kuya. I will take care of your sister as I promised."
"Do it. At huwag mo nga akong tawaging kuya! You're not my brother!"
"Sungit!" Natatawa na lamang si Raven.
"Hay! Ewan ko sa inyong dalawa!" Napahalukipkip na lang siya.
"Iyang unggoy mong boyfriend ang nag-umpisa."
"Ako lang ang poging unggoy na nakita mo, Kuya. Huwag kang mag-aalala, hahanapan kita ng babaeng magpapalamig sa ulo mo," buwelta nito.
"Whatever."
Maya-maya pa ay naroon na si Juan Carlos sa kanilang harapan habang nakangiti ito lalo na sa kaniya. Noon lang din tumahimik ang dalawang lalaki sa tabi niya na hindi rin niya maintindihan kung magkasundo ba o nag-aasaran lang. She let the two man of her life be like that since the two have already talked to each other about their wedding. And it's like a kind of big surprise for her. Hindi niya maitago ang kasiyahang iyon subalit kailangan niyang mag-focus sa muli nilang pagkikita ng taong nagbigay ng buhay sa kaniya.
"Hi!" Sabay lahad ng kamay ni Juan Carlos. Nakipagkamay ito sa kapatid niya pati na rin si Raven saka ito bumaling at ngumiti sa kaniya.
"Mag-usap muna kayo," wika ni Kameron sa kaniya.
"Sa labas na lang kami maghihintay," sabat ni Raven.
Sabay na tumalikod ang dalawa upang sa labas na lang maghintay.
"Kuya! Raven!" tawag niya sa dalawa.
Sabay namang napalingon ang mga ito.
"Pwede bang mag-usap kayong dalawa nang maayos?"
Nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa saka muling sumulyap sa kaniya.
"Depende sa kapatid mo," tugon ni Raven.
"Depende sa takbo ng utak nitong boyfriend mo," tugon din ni Kameron.
Napabuntong-hininga siya. "Bahala nga kayo." Muli na lang niyang hinarap si Juan Carlos. Kailangan kong masanay sa kanilang dalawa. Ngayon pa lang ay sumasakit na ang sentido ko. My god!
"Is there something wrong?" Juan Carlos asked her.
She nodded. "Nothing."
"Are they both on good terms?"
"Yeah. Of course!"
"I see. Can we talk privately?"
"Sure."
"C'mon. I'll show you something."
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...