Chapter 10

1.5K 26 0
                                    

MATAPOS i-akyat ni Raven ang mga bulaklak ay nagmamadali siyang nagtungo sa lugar kung saan niya iniwanan ang dalaga ngunit dismayado siyang malaman na wala ito roon. Shit! Where did she go? I told her to stay here. Ang tigas ng ulo ng babaeng iyon. Naging babysitter pa tuloy ako. Napabuga siya ng hangin sa inis sa dalaga. Muli siyang naglakad at sinuyod ang paligid hanggang sa disco area na halos nakabibingi na ang ingay ngunit wala ito roon. Bahala siya. I am here to enjoy myself.

"Hi! Are you alone?" wika ng isang mestisahing babae sa harapan niya.

He stares at her deeply while took a glimpse in every curve of her sexy and daring red cocktail dress. She has blonde hair with steel-blue eyes and red lipstick. May hawak itong ladies drink habang sumisipsip dito at tila inaakit siya. Not this time, Raven.

"Would you mind if I join you?" Lumapit ito sa kaniya at idinuldol pa nito ang malulusog nitong dibdib na halos lumuwa na.

"I am looking for someone else but I can't find her."

"Oh! Girlfriend?" Umangkla ito sa braso niya.

"No."

"Single? I am single and ready to mingle." She sexy laughed at him.

"I'm sorry, Miss. I have a-" Natigilan siya nang mahagip ng mga mata niya sa isang bahagi si Chubby kasama ng isang lalaking dayuhan. "Excuse me!" Tinanggal niya ang pagkakaangkla ng braso ng babae at iniwan ito.

"Hey!" tawag nito.

Hindi niya pinansin at dali-daling tumakbo siya patungo kay Chubby. Shit! What are you doing, Chubby? Who's that damn guy with you? Ayaw sana niyang makialam dahil buhay ito ng dalaga ngunit hindi kaya ng kunsensiya niyang hayaan na lamang itong mapahamak sa kamay ng iba at nagpupuyos ang damdamin niyang makitang may kasama itong iba.

Napakapasok na ang mga ito sa loob at tinungo ang elevator. Sadyang hindi na niya naabutan ang dalawa kaya humanap na naman siya ng daan upang makahabol. Malaki ang cruise ship kaya may elevator ito para sa mga guest at maraming hagdanan na rin patungo sa upper and lower decks. Since nasa upper deck ang puwesto ng luxury cabin nila iniisip niya doon papunta ang dalawa.

Malalaki ang mga hakbang niya upang makahabol lang. Hindi na siya nag-iisip na maaari siyang mapahamak sa mga dayuhan. Why I am doing this to her? Nang makarating siya sa upper deck ay nakita niya ang dalawa na papasok na sa cabin kaya tumakbo siya upang abutan ang mga ito.

"Hey!"

Natigilan ang dalawa nang makita siya.

"Where will you take her?" galit niyang wika.

"Raven?!" sambit ni Chubby.

Napatingin siya sa dalagang hindi niya mawari kung ito ba ay lasing o nahihilo saka niya hinawakan ang braso nito. "Chubby, who is this man?"

"Hey! Who are you?" sita ng lalaki sa kaniya.

"Are you asking me who I am? I am the one to ask you that first! Why are you taking her to your room?" Bumaling siya kay Chubby. "Let's go, Chubby!"

"Raven!"

Hinablot niya si Chubby mula sa lalaki na siya namang ikinagulat nito.

"What are you doing, man? Of course, I will take her because she's my girlfriend!" galit na sambit din ng lalaki.

"Girlfriend?!" kunot-noong tanong niya saka siya napasulyap kay Chubby. Napasubsob na ito sa kaniya na tila wala sa sarili.

"Raven... take me... take me..." bulong nito.

Noon niya naisip na may hindi magandang nangyari sa dalaga saka siya bumaling sa lalaki. "Girlfriend? Are you kidding me? She has no boyfriend since birth! Ako pa ang lulukuhin mo!" sigaw niya.

"Hindi kita niloloko! Gago ka pala e!" tugon nito.

"Ah, nagtatagalog ka pala!"

"Oo! Jerk!"

Kumilos ito upang suntukin siya ngunit bago pa man siya tamaan ay umatras siya kasama niya ang dalaga. Kamuntik pa silang mabuwal at napahiyaw ito.

"Damn you!" Binitawan niya si Chubby upang sugurin ang lalaki.

"Raven!!" sigaw ng dalaga ngunit iniinda pa rin nito ang pagkahilo.

Isang suntok sa panga ang pinakalawan niya para sa lalaki at daplis lang na tinamaan ito habang bumawi naman ito ng pagkakasuntok niya subalit kamuntik na rin siyang tamaan. Nagkakagulo na sa pasilyo at saktong may nagroronda naman roon na mga crew na inaawat silang dalawa at inihiwalay.

"Damn you, Jerk! I'll sue you!" galit na wika ng lalaki sa kaniya.

"Then sue me! You put something on her drink that's why she feels dizzy! Is that how you treat your girlfriend? Nilalason mo?!" Hindi siya magpapatalo rito.

Natigilan ang lalaki at hindi makapagsalita. Nagpumiglas ito sa mga humahawak dito at hinayaan naman ito ng mga crew.

"Magkikita pa tayo," mariin nitong wika.

Kumawala rin siya sa pagkakahawak ng mga crew doon saka nagsabi nang, "I'm not afraid." Nakipagtagisan siya nang tingin sa lalaki.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nawala na rin ang tensiyon sa pasilyo habang inalalayan niya si Chubby sa kanilang kwarto ngunit hindi pa rin nawala ang galit niya sa nangyari. Hindi siya makapaniwalang nagka-trouble siya nang dahil sa dalaga.

"Explain this to me, Kreisha." Napatingin siya sa dalagang umiiyak na habang nakaupo sa gilid ng kanilang kama.

"Raven... H-Hindi ka dapat nakialam pa!"

"What?! Did you hear yourself, Kreisha? May binabalak na ngang masama iyong lalaking hilaw na iyon, then you told me not to interfere?"

Tumayo ito sabay sinugod siya at pinagsusuntok. "You ruined my night! You ruined everything I had! Damn you, Raven! Damn you!"

Pinigilan niya ang dalawang kamay nito. "Stop it, Kreisha! Stop it!"

Mas lalo lang itong umiyak hanggang sa napasubsob sa dibdib niya. "You don't know everything, Raven! Kahit kailan talaga ay lagi mo akong ipinapahamak!"

"Then tell me everything! Hindi ko malalaman ang sekretong tinatago mo at ng lalaking iyon kung hindi mo sasabihin. Hindi lang bakasyon ko ang sinira mo! I want you out of my life ever since the day we had met because you're always put me in trouble!" Hindi na niya napigilan sabihin iyon sa dalaga habang nanatili sila sa ganoong ayos.

Muli na naman itong humagulgol at sa pagkakataong iyon ay nahabag na siya. Hindi siya sanay na magpaiyak ng babae at lalong hindi ang katulad ni Chubby ang gusto niyang paiyakin. Marahan niyang niluwangan ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito.





Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon