Chapter 27

1.1K 20 0
                                    

"I already asked some of the resthouse personnel earlier that Juan Carlos lived that Mansion." Sabay turo ni Trina sa malaking mansion sa unahang bahagi ng resthouse na tinutuluyan nila.

"Nandiyan kaya siya?" tanong niya.

"Let's take a look."

Naglakad sila sa unahan upang alamin kung naroon nga ba ang sadya nila. Habang napapalapit sila sa mansion ay lalong nagreregodon ang kabang nararamdaman niya. She doesn't know what would be the best thing to do when they meet each other.

Malawak ang mansion nito na napapalibutan ng mga bushes, trees, at ibang mga bulaklak. Tipikal na magandang kapaligiran dahil sa nasa ibang bansa sila at idagdag pa ang instagrammable place. Naabutan nila ang kumpulan ng mga tao sa gilid ng mansion ni Juan Carlos. Karamihan sa mga taga-roon ay mga Pilipino ang nag-uusap. Halos lahat ng mga katiwala sa malawak na lupain ay mga Pilipino at bihira lang ang ibang lahi. Nagtago sila ni Trina sa halamanan habang nakikinig sa kumpulan at pag-uusap ng mga ito.

"Chona, nasaan na iyong Chef na sinundo niyo? Kailangan na nating ipakilala siya kay Senior Juan Carlos para sa gaganapin nitong kaarawan sa linggo," wika ng isang babae.

"Mrs. Grim, e iyon na nga ang problema kaya kami nandito nina Trixie. Hindi raw makakarating dahil may sakit ito."

"Paano iyan at kailangan na siyang makilala ni Senior? Binida ko pa naman na manggaling ang Chef na iyon gumawa ng mga pastries!" nag-aalalang sambit ni Mrs. Grim.

"Malayo pa ang susunod na bayan kung kukuha pa tayo roon, Mrs. Grim. Kailangan na nating ipaalam kay Senior Carlos ito," sabat ni Trixie.

Maya-maya ay lumabas ang lalaking mestisuhin, may matikas na tindig at halatang may edad na rin ngunit mababakas ang kagwapuhang taglay noong kabataan nito.

"What's this all about?" tanong nito sa mga tauhan.

Natahimik ang lahat habang sa direksiyon naman nina Kreisha ay halos hindi siya makapagsalita. She already saw the man in magazine, featured in TV and some particular news event. Subalit iba pa rin ang naramdaman niya nang makita niya ito nang malapitan. Sumikdo ang puso niya na tila naramdaman niya ang lukso ng dugo rito.

"Kreisha...you have a resemblance. God!" Nasapo nito ang bibig. "He needs to know about you, Kreisha1," Kumilos into.

"T-Teka! Trina..."

Lumabas si Trina sa pinagkublihan nila habang siya ay naiwan doon. Trina!

"Hello, everyone! Are you looking for something? No worries! I have special something for you! Solve na ang problema niyo sa Pastry Chef! Kasama ko na ang best Pastry Chef in the universe!" Kumakaway-kaway pa ito sabay napahawak sa baywang na tila Miss Universe nga.

Napasapo siya sa noo habang sinasabi iyon ng kaibigan niya. Trina! Pahamak ka talaga! Wala sa usapan natin ito!

"What do you mean? And who are you?" Juan Carlos asked.

"Ah.. e m-may problema, Senior. H-Hindi makakarating ang pastry chef dahil may sakit daw ito. At.. ah.." Napatingin si Mrs. Grim kay Trina. "K-Kasama mo ang pastry chef ba kamo?

"Yes, na, yes!"

"Nasaan na siya?" tanong ni Mrs. Grim.

Lumingon si Trina sa kinaroronan niya. "Lumabas ka na riyan, Kreisha! Hoy!"

Marahan siyang lumabas sa kanilang pinagkublihan kanina habang todo iwas na tumingin kay Juan Carlos. "H-Hi!"

"Are you the pastry chef?" tanong ni Juan Carlos.

"Ah..y-yes, Sir."

"Pamilyar ka sa akin. Have we met before?"

"Yes, Sir!" tugon ni Trina.

"No, Sir!" bawi niya. Siniko rin niya si Trina sa kaniyang tabi.

"Okay. Do you know how to cook? I have a lot of visitors this coming Sunday. Sigurado ka ba na marunong kang magluto?"

"Yes, Sir!" muling tugon ni Trina.

"I am asking her," turong sambit ni Juan Carlos.

Tumango-tango lang siya.

"Okay. Problem solved here." Tumingin ito sa pambisig na relo. "I need to go, and I have an appointment. I leave the rest to you, Mrs. Grim. And... shall we talk later, Miss..."

"K-Kreisha, Sir." Nag-alangan pa siyang sabihin dito ang pangalan niya.

"Nice to meet you, Kreisha. And your friend..."

"I'm Katrina, Sir."

Nakipag-shake hands pa sila rito subalit mas lalong naging kakaiba ang pakiramdam niya na magkadaop ang kanilang palad. Kinakabahan din siya dahil iba ang mga titig sa kaniya ni Juan Carlos o marahil ay magka-resemblance sila ng kaniyang ina. Sana hindi niya mahalata. Pahamak kasi itong si Trina!

Matapos silang magkakilala ay umalis na ito saka naman sila inasikaso ni Mrs. Grim papasok sa loob ng mansiyon. Marami itong tinanong tungkol sa kaniyang expertise sa pagluluto ngunit hindi na nag-snyc sa kaniya ang lahat. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagtagpo kayo ng taong nagbigay buhay sa'yo. God! I want to know more about him. Bakit hindi man lang ako nakadama ng galit sa kaniya?

Ilang oras din na nanatili sila sa mansion at marami din siyang nalaman tungkol kay Juan Carlos. Ayon sa kwento ni Mrs. Grim ay hindi na nakapag-asawa ito ngunit may dati itong nobya. Marahil ay iniisip niya na ang kaniyang ina na iyon. Alam din ni Mrs. Grim na may anak ito sa dating nobya kaya iniisip nila ni Trina na siya na iyon. Iniwan niya ang kaibigan sa kusina habang siya naman ay namasyal sa malawak nitong sala subalit mas may nakapukaw sa kaniyang atensiyon nang makita niya ang malaking larawan ng babaeng pamilyar sa kaniya. Ang kaniyang ina. It was an oil painting in a large frame. She wears her beautiful smile, her beautiful modern filipiana dress and everything of her.

Muli na naman siyang napapaluha nang dahil sa nakita niya. Masaya ang mga mata ng kaniyang ina sa larawang iyon na hindi man lang naramdaman ang anumang sakit nito noon. Tila isang larawang busog sa pagmamahal ng taong kasama rin nito sa larawan. Ang taong dahilan kung bakit siya naroon.

"It was a nice painting, right?"

Pasimple siyang nagpahid ng luha nang marinig niya ang boses ng lalaki. Si Juan Carlos.

"Y-Yeah."

"Do you know her?"

Umiling siya. "I don't know her." Nagsinungaling siya.

Napatingin ito sa painting. "She's my soon-to-be wife, but..there's something we didn't expect."

"What was that, Sir?" Curious siya at gusto niyang malaman iyon. Gusto niyang malaman ang puno't dulot ng lahat kung bakit nagtaksil ang kaniyang ina sa kaniyang butihing ama. And this is the chance she just waiting for. 

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon