It's eight o'clock in the evening and her husband Raven still didn't come home. Masyado na siyang nag-alala habang naghihintay sa sala dahil hindi na rin niya ito makuntak mula pa kaninang ala-sais. Nakaligtaan din niyang kunin ang number ng Law Firm nito upang kumpirmahin kung naroon pa ito. She's uneasy and felt nervous when Raven had a strange gesture to her earlier. Kakaiba ang mga titig ng kaniyang asawa na binalewala lang niya kanina dahil inakala lang niyang trip lang nitong gawin iyon.
"Ma'am Kreisha, kumain na kayo."
Napalingon siya rito. "Ikaw pala, Aling Trining." Bahagya lamang siyang ngumiti sa katiwala ng asawa niya.
"Ganyan minsan si Sir Raven sa tuwing maraming ginagawa sa opisina niya. Minsan ay madaling araw iyan umuuwi at minsan naman ay inuumaga na."
"Hindi ba siya tumatawag para magsabi sa inyo?"
"Minsan lang din. Kumain ka muna kahit kaunti."
"Mamaya na lang, Aling Trining. Tawagan ko lang ang kapatid ko."
"Oh, siya. Nasa quarters room lang ako."
"Salamat, Aling Trining."
Tumalikod na ito at iniwan na lang siyang mag-isa sa sala. What happened to you, Raven? Maya-maya lang ay bumalik si Aling Trining sa kinaroroonan niya.
"Ma'am Kreisha, may maghahanap sa inyo sa labas. Kapatid niyo raw."
"Huh?" Agad siyang tumayo. "Papasukin mo, Aling Trining."
"Sige."
Hinintay niyang pumasok ang kaniyang kapatid subalit malaki ang pagtataka niya kung bakit ito napasugod doon. Ilang saglit lang ay bumukas ang main door at iniluwa ang kapatid niya kasama sina Trina at Tristan. Mas lalong napakunot ang noo niya kung bakit pati ang kaibigan niya ay naroon kasama ang kapatid nito. Bakas din sa mga mukha nito ang hindi magandang emosyon na lalong nagpapakaba sa kaniya.
"Kuya, napasugod kayo?" tanong niya.
Nagkatinginan ang tatlo.
"We have an urgent matter to tell you, Kreisha." Lumapit si Kameron. "And it's...all about your husband." Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at diretsong sinabi sa kaniya ang sadya ang mga ito.
"Huh? W-Why? A-Anong nangyari sa asawa ko?" Halos nabibingi na siya sa bawat pintig ng kaniyang puso sa narinig. Ayaw man niyang isipin na may hindi magandang nangyari sa asawa niya ngunit may ibig ipahiwatig ang kaniyang kapatid.
"Huwag ka sanang mabibigla," wika ni Trina sa kaniya.
Naguluhan siya. "Wait, hindi ko kayo maintindihan. May masama bang nangyari sa asawa ko?" Gusto na niyang maghesterikal at palipat-lipat ang tingin niya sa mga ito.
"Hey! Just calm down, Kreisha." Hinawakan na siya ni Kameron sa magkabilaang balikat.
Lalo lagn siyang naguluhan. "Paano ako kakalma kung ganitong hindi maganda ang bungad niyo sa akin? I am really frustrated than earlier when my husband doesn't call me if what happened to him or if he is fine!" Hindi niya naiwasang magtaas ng boses sa kapatid niya.
Bumuntong-hininga si Kameron. "Raven was in a car accident earlier."
"What?! No!!" Noon lang bumuhos ang emosyon na kanina pa niya pinipigilan. "H-Hindi ito maaari! Just tell me it's not true! Nagbibiro ka lang, hindi ba?" Balisa at hindi na siya mapakali.
"It's true, Kreisha." Napaiyak na rin si Trina. "T-Tumawag si Rendell kay Tristan kanina upang ipaalam ang nangyari. Nagkasalpukan ang isang eighteen wheeler truck at ang kotse niya kaya...kaya dahilan ng nakakagimbal na aksidente."
"That's not true! Where is he? We need to go there! K-Kailangan natin siyang puntahan! Kailangan kong makita ang asawa ko!" Naghesterikal na siya.
"Kreisha, h-hindi na natin makikita si Raven." Pigil ni Kameron sa kaniya. "Sumabog ang sasakyan niya dahil ilang beses itong gumulong sa daan!"
"No!!" Nanginginig ang buong katawan niya habang umiiyak. Halos binagsakan siya ng langit ng isang matinding dagok sa buhay nang malaman niya ang tungkol sa nangyari asawa niya.
Niyakap siya ni Kameron. "Just calm down, Kreisha! We are just waiting for the final result of the investigation."
Napayakap din siya nang mahigpit sa kapatid niya habang todo ang iyak niya rito. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng mga ito subalit iyon ang katotohanang gumimbal sa kaniya. She's in deep pain, shocked and still crying for begging Raven's life to come back. Gusto niya itong puntahan subalit wala na rin siyang madadatnan. Samu't saring gumugulo at pumapasok sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.
"Kreisha, uminom ka muna."
Napatitig siya sa isang basong tubig na iniabot ni Trina sa kaniya habang nakaupo na sila sa sala ilang sandali ang lumipas. Tulala na lang siya at panay napapaluha tungkol sa nangyari. Ang kapatid naman niya at si Tristan ay nasa labas habang kausap ang ilang mga pulis na nag-imbestiga sa nangyari.
"Tahan na, Kreisha. Naniniwala akong buhay pa si Raven. Uminom ka muna, please."
Napasinghot siya habang pinupunasan ng tissue ang kaniyang pisngi saka niya inabot ang tubig at uminom. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang inubos ang laman ng baso. Sobrang sakit ang nararamdaman niya sa ngayon at gusto na niyang magpakalunod sa kaniyang emosyon. It's hard to believe for her that her husband is no longer alive and hoping that it's part of her nightmare. Subalit gising siya sa katotohanan at nangyari nga ang trahedyang ito sa asawa niya.
Muling pumasok sina Kameron at Tristan sa loob kung saan naroon sila ng kaibigan niya. Batid na naman niyang isang mabigat na katotohanan na naman ang dala nito tungkol sa totoong nangyari kay Raven. Ngayon pa lang, hindi na niya ito matanggap.
"Kreisha..." Tumabi sa kaniya ang kapatid niya. "Nakausap na namin ang mga nag-iimbestiga. They found out that Raven's body isn't in the car accident. Walang bakas ng katawan niya ang naroon at may posibilidad na buhay pa siya. That was the initial investigation about him and still waiting for the other details. Bumalik ka na muna sa bahay pansamantala."
Umiiling siya habang nag-uumpisa na naman siyang umiiyak. "No. I'm staying here," namamaos niyang sambit.
"Sasamahan ko na lang siya rito," suhestiyon ni Trina.
"All right. I'm going back here tomorrow morning." Dinampian siya nito ng halik sa noo. "Be strong."
Nanatili lang siya sa kaniyang emosyon habang hinihimas ni Trina ang likuran niya. Hindi niya matanggap ang nangyari at kahit anong pilit niya sa sariling kumalma upang makapag-isip, hindi niya magawa.
"We have to go." Tumayo na si Kameron.
"Just relax, Kreisha. Hahanapin namin si Raven," dagdag naman ni Tristan na na noon lang din nagsalita.
Bahagya lang siyang tumango at hindi na tumugon sa mga ito.
Ilang sandali lang ay umalis na ang dalawa at naiwan na sila ni Trina roon. Raven, I thought you wouldn't leave me? Nangako ka sa akin! Nangako ka na hindi mo ako iiwan! Muli na naman siyang umiyak nang umiyak habang niyakap siya ni Trina upang kumalma.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...