Chapter 50

875 15 4
                                    

"Kameron! Kameron!" sigaw niya. Papasok na rin siya sa loob ng bahay ng kaniyang asawa.

"What the hell are you doing?" Bakas sa mukha ni Kameron ang galit nang makita siya.

"Where is my wife? Why did you bring her to Portugal?" Nagpupuyos na rin ang damdamin niya.

Bahagyang natigilan si Kameron at nagtaka. "Who told you?"

"It's not important anymore. I want to see her!"

"Ngayon mo pa gustong makita ang kapatid ko gayong matagal na siyang wala sa poder mo? Anong klaseng asawa ka, Raven? You wanted her out of your sight because of your damn situation and now you're asking me why did I bring her to Portugal? Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"I told her to stay here for a while if the time has come and when I remember everything. Hindi ko ginusto na lumayo at umalis siya. Kreisha knows about my situation, and she understands it!"

"Knows about your situation? Iyong sitwasyon ng kapatid ko? Alam mo ba? Nasasaktan na ang kapatid ko, Raven. She was helpless and hopeless if you could remember her or not! You're a damn shit, you know!"

Nagsigawan na sila ni Kameron ngunit hindi siya maaaring magpatalo rito.

"You know, I felt that you wouldn't like me even before. Malaki na ang hadlang mo sa relasyon na mayroon kami ng kapatid mo and I really understand that because you wanted to protect her. Damn, Kameron! Hanggang sa puntong nakakaalala na ako ngayon ay pipigilan mo pa rin akong makita at maibalik ang asawa ko?"

"What did you say? N-Naalala mo na ang lahat?" Nagulat ito sa sinabi niya.

"Yes! And I'm begging you once again, please, I need to see my wife. Kung gusto mong lumuhod pa ako sa harapan mo para lang makita ko siya, gagawin ko." Desperado na siyang makita si Kreisha at gagawin niya ang lahat.

Kameron took a deep sighed. "You know, Raven. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyong unggoy ka! Natural na papayagan kitang puntahan ang kapatid ko at hindi kita pipigilan dahil ayokong lumaki ang pamangkin ko na walang ama!"

Halos nanindig ang balahibo niya at natulos na siya sa kaniyang kinatatayuan. He doesn't know how to react when he heard about his wife's situation that it was pregnant. Hindi niya inaasahan ang balitang bumungad sa kaniya at matagal na rin niyang pangarap na magkaroon ng anak dito.

"It's that true?" tanong niya rito habang may halong panginginig ang boses niya.

"She's six weeks pregnant." Mababa na ang tono ng boses nito. "Magiging masaya lang ako kapag hindi mo na siya bibigyan ng problema. Mabuti at natanggal na ang kalawang diyan sa utak mo at naalala mo na ang lahat."

"Inalog lang naman namin ang utak niyang si Raven!" wika ni Wigo.

Marahan silang napalingon nang naroon na sina Tristan, Kaiser, Wigo at Zack na nagsidatingan.

"Napasugod kami rito dahil tinawagan ako ni Kaiser tungkol sa iyo. Is it true that you remember everything?" tanong ni Zack sa kaniya.

Marahan siyang tumango.

"Dapat lang makaalala iyang si Raven dahil inabala pa naming itong si Zack na nagtitimpla ng gatas ng kambal," biro ni Tristan.

Nagtawanan ang mga ito.

"Sige at pagtawanan niyo ako. Time will come at hindi lang pagtitimpla ng gatas ang gagawin niyo."

"Bro.." Inakbayan ito ni Wigo. "Ano bang ginagawa ng mga bilyones mo kung nagtitimpla ka lang pala ng gatas ng kambal?"

"It's part of my duty as their father."

"Wow! That's so amazing!" Napapailing si Wigo.

"Hey! We are here for Raven's comeback. What's your plan, Raven?" Tristan asked him.

"As usual. I need to go to Portugal and bring back my wife here," he replied.

"Well, you should go right now. Mahaba-haba ang biyahe mo kung ipagpabukas mo pa ito," suhestiyon ni Zack.

"Hindi ako pwedeng sumama dahil may meeting ako bukas," sambit ni Kaiser.

"Me too. I have my investors meeting by eight in the morning," wika naman ni Wigo.

"I'll go with you, Raven. May pag-uusapan din kaming mahalaga sa merging business namin ni Juan Carlos," wika ni Kameron sa kaniya.

"Okay." Naging panatag na siya nang naroon na ang mga ito at kumalma na si Kameron sa kaniya.

"I'll call the airport to prepare the private airplane," Wigo told him.

"Okay. Thanks for that," he said.

Matapos ang tagpong iyon ay umuwi muna siya sa kanila upang kumuha ng ilang gamit. Alam niyang matatagalan na naman siya bago makabalik sa kanilang tahanan. Hindi pa siya pulidong masaya hangga't hindi niya nakakasama ang kaniyang asawa at ang magiging anak nila. He was happy for that and being a father is the greatest responsibility he needs to face.

***

TINAWAGAN ni Kameron si Trina matapos silang mag-usap ni Raven. Ipinaalam lang niya rito na pupunta sila ngunit huwag na lang itong ipaalam sa kapatid niya. Sinabi rin niyang nakakaalala na si Raven sa biglaang sandali.

"Really?" Halos hindi makapaniwala ang dalaga sa kabilang linya. "M-Mabuti naman kung ganoon. I'm happy for him!"

"Yeah. Do you want anything? I mean⸻" Natigilan siya. Bakit ko ba tinatanong ang babaeng ito tapos hindi naman ako makatanggi?

"Ikaw. Ikaw lang sapat na."

Napasandal siya sa kinauupuan niya. "Don't even try to tease me, woman. Baka hindi ako makapagpigil."

"Oh, I'm not teasing you, Kameron. Kung sasabihin ko sa iyo ang gusto ko, papayag ka?"

"And what was that?"

"Marry me."

Bahagya niyang inilayo ang cell phone sa tenga niya saka niya muling inilapat ito. "Nababaliw ka na ba?"

"Yes. Kung alam mo lang kung gaano ako nababaliw sa iyo."

"Are you out of your mind?"

"Ayokong makipag-one night stand kapag hindi tayo kasal. Tapos bigyan mo na rin ako ng baby para complete package."

Napabuntong-hininga siya sabay sabi nang, "You're crazy!" Saka niya ito binabaan ng tawag. Nababaliw ka na, Katrina Ferrer! Tumayo na rin siya upang puntahan si Raven na nagtext na at naroon na sa labas. Naiinis siya sa mga kilos ng dalaga sa kaniya pero sa kabilang banda ay natutuwa siya sa hindi rin niya alam na dahilan. 

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon