Chapter 20

1.1K 21 2
                                    

"I guess so. I'm not doing this for my own good, Kreisha. It's yours. I'm just trying to help you as a friend. Bumabawi lang ako sa mga nagawa ko sa'yo noon na pambabalewala. Now, if you don't want to take it seriously, it's up to you. Hindi ako ang mawawalan."

Ouch! Friend! May kirot sa bahaging iyon ng puso niya na kaibigan lang talaga ang turing nito sa kaniya. At tulad nang mga sinabi niya noon ay hindi dapat siya umaasa rito dahil sa umpisa pa lang ay wala naman talagang salitang sila. Napayuko na lang siya saka itinuon ang sarili sa pagkain. Ni hindi na niya tinugon ang binata dahil baka kung ano pa ang maitanong niya rito at lalo lang siyang masasaktan.

"Kumain ka nang mabuti at ilang oras lang ay nasa Port Victioria na tayo. What do you want to do in Victoria?"

Magbigti! Hindi pa rin siya sumasagot.

"Nakikinig ka ba?" Halatang inis na ang boses nito sa kaniya.

"Yes, Attorney. Nasa itinerary po natin ang pwedeng gawin sa lugar."

"Raven ang pangalan ko."

"I have been in Seychelles a year ago. Naikot ko na rin ang buong lugar kaya dito na muna ako sa barko at⸻"

"Matutulog? Ganoon? No! We will go there at search the place. You know, I really don't understand you. Nagpunta ka lang pala rito para matulog at nagsayang ng milyones!"

"I want to see animals in Africa. Bakit ba? Iyon ang kaligayahan ko."

"Bakit? Hindi ka pa ba nakakita ng hayop?"

"I want to see rare species." Tumayo na siya.

"Gusto mo lang pala makakita ng hayop. Madaming hayop sa Pilipinas." Napapailing ito.

Dire-diretso na lang siya sa loob ng banyo. Nakita ko na ang mga hayop doon. Mas maigi naman siguro iyong kakaiba. Bakit ba at gusto kong makakita ng kangaroo sa South Africa? Nais sana niyang tugunin ang binata ngunit minabuti na lamang niyang tumahimik.

Victoria is the capital and largest city of Seychelles, situated on the northeastern side of Mahé Island, the archipelago's main island. The city was first established as the seat of the British colonial government. The capital of Seychelles, Victoria, is known for its exportation of fragrant vanilla and coconut oil. Tourists like them will enjoy street shopping, explore the Seychelles National Botanical Gardens, and try some local Ladob, a dish that can be served either sweet or savory. Relax on the beach or take a swim in the beautiful blue water.

Nagawa naman nilang ikutin ang buong lugar tulad nang iba na mapayapa at maayos. Bago mag alas-sais ng gabi ay kailangan na rin nilang mag-on board upang aalis na ito patungo sa susunod nilang destinasyon.

"Napakaganda ng lugar. Hindi talaga ako magsasawang hangaan ang isa sa mga ipinagmamalaki ng british colonial government," wika niya.

"Akala ko ay ayaw mong tumungo rito. May balak ka pang matulog."

Mahangin sa paligid at hindi maiwasang lumilipad ang laylayan ng suot niyang puting bestida na lagpas tuhod. Napuna iyon ng binata kaya hinubad nito sa lee gang scarf na kulay asul saka itinali sa baywang niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Gusto mo atang e-balandra iyang mga pata mo! Nakikitaan ka na nga, wala ka pa rin pakialam! Pambihira ka!"

"What?! I wear small thin shorts! Bakit ba? Hayaan mo sila! Iyong iba nga ay walang pakialam!"

Masama ang tingin nito sa kaniya. "Don't talk to me like that, woman. Kaya dumadami ang mga rapist dahil nagpapakita kayo ng mga motibo."

"Ah, excuse me..."

"What?!" Korong tugon nila sa lalaking naroon.

"Uhm sorry. I-I am just a photographer and I am asking if you want to take a picture both as a souvenir."

Nagkatinginan silang dalawa saka bumaling sa lalaking Briton na nais silang kuhanan ng picture.

"Picture daw. Gusto mo ba?" tanong sa kaniya ng binata.

Pinagsalikop niya ang kaniyang mga braso saka bumaling sa ibang direksiyon. Naiinis na naman siya dahil nakikialam na naman ito sa buhay niya.

"Okay. How much your talent fee?" tanong ni Raven sa lalaki.

"One pair per picture for only twenty dollars, Sir."

"Okay. Can you take a picture for three shots?"

"Yeah, sure!"

Bumaling siya sa binata. "Hoy! Anong pinagsasabi mo sa hilaw na iyon?"

"You heard us. Huwag ka ng umangal dahil ako naman ang magbabayad."

"Can you compress each other and make your own style?"

"Compress daw. Lumapit ka nga rito," wika nito.

"Ikaw iyong lumapit at ikaw naman ang may⸻ay!"

Hinatak siya ng binata patungo sa gawi nito at halos napasubsob siya sa katawan nito. Mahigpit siya nitong hinawakan sa baywang niya upang hindi siya makawala.

"Okay." Nagsimula na itong tumingin sa lens ng hawak na dlsr. "Would you like to take a smile for better shots?"

"Ngumiti ka raw."

"Pahamak ka talaga, Raven." Umayos na lang siya kahit napilitan. "Mamaya ka lang sa akin." Sabay malawak ang pagkakangiti niya.

"Okay. One..two..three! One more!"

"Isa pa raw."

Hindi na siya umangal dahil unang-una hindi rin naman siya ang nag-insist na magpapicture rito kung 'di si Raven. Iniisip na lang niya na isa lang iyong parte sa pagiging magkaibigan nilang dalawa kahit na nagsabi na itong hindi muna siya nito aasarin. Gusto na rin niyang isipin na isa itong honeymoon ng dalawang taong pinagtagpo sa isang cruise trip. And she remembered the song Cruisin Together.

Matapos ang ilang minute ay bumalik si Raven sa gawi niya at iniabot ang mga larawang kuha ng photographer.

"Here's your copy."

Iniabot naman niya ito at tiningnan. Infairness, ang galing kumuha ng hilaw na dayuhan na iyon, ah.

'Tamang-tama ito kapag pinakulam mo ako ay may pambawi ako."

She looked at him with undesirable. "What do you think of me, a witch?"

"Hindi ka na mabiro."

Muling natuon ang paningin niya sa mga larawan. Ang gwapo ng herodes na ito! Kaya mayabang siyang magpapicture. Totohanin ko kayang lumapit sa mangkukulam.

"Don't stare at my picture. Nangangagat iyan."

"Ibang kagat ang alam mo."

"And you really like it," asar nito sa kaniya.

"Heh!"

Hinawakan nito ang kamay niya. "Let's go back to the ship and I'll bite you."

"Raven!"

Malakas ang tawa nito habang naglalakad na sila pabalik sa port. Minsan ay hindi niya maiwasang maasar dito ngunit hindi rin niya maiwasang muling maramdaman may pagmamahal ito sa kaniya. Umaasa ka na naman, Kreisha!

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon