Chapter 48

805 14 0
                                    

Vhino Verde, Portugal

It's been a month when Kreisha left her family in the Pilippines. Walang nakakaalam na umalis siya ng bansa kahit ang asawa niyang si Raven. Ni hindi na rin ito nagkaroon ng komunikasyon sa kaniya. As she said to herself, life must go on. Sa ngayon, tumutulong naman siya sa negosyo ng kaniyang ama habang naroon pa rin sa tabi niya ang kaibigang si Trina. Paminsan-minsan ay nagtatrabaho rin ito online kasama ang kapatid nito at naabutan niya ito sa veranda. Napuna rin niyang masama ang panahon sa labas at bumuhos ang malakas ulan.

"Ang sama ng panahon," sambit ni Trina habang nakatanaw ito sa labas.

"Kanina pa ba umuulan?" tanong niya saka niya hinila ang upuan at umupo.

"Oo. Maganda naman ang panahon kaninang umaga."

Napatitig siya sa madilim na kalangitan. "Mukhang magtatagal ang ulan na ito."

"I think so. Your dad is not around, and he told me that if I needed anything, I should just let him know. Nasa Lisbon siya at may mga kausap na mga investors."

Napahilot siya sa ulo niya dahil kaninang umaga pa masama ang kaniyang pakiramdam. Nanlalambot din siya na hindi niya maintindihan.

"Are you okay?"

"Hmm.. Not so. Kanina pa masama ang pakiramdam ko at kung hindi lang ako ginising ni Trixie ay baka nakalimutan ko na ang kumain."

Napatitig ito sa kaniya. "You're pale, Kreisha. I'll call your dad to bring a doctor here." Kinuha nito ang cell phone na nakalapag sa table.

"No, Trina! I mean⸻I'm okay. Kulang lang ako sa tulog dahil alam mo namang tinutulungan ko si Daddy sa mga paper works niya."

"I think you're not, Kreisha. I feel something different from you. Are you pregnant?"

Natigilan siya. Hindi agad siya nakasagot sa tanong ng kaibigan dahil iniisip niya kung posibleng mangyari iyon. She remembers that something had happened between Raven and her about a month ago. Impossible!

"Well, sinabi ko lang naman iyon at baka nagkamali lang ako. Wala naman sigurong nangyari sa inyo ni Raven since nang bumalik siya sa bahay niyo at⸻"

"May nangyari sa amin ng asawa ko twice. At hindi pa ako dinatnan. Pero imposible ang sinasabi mo dahil alam naman natin ang sitwasyon ko."

"Yes. And you're not like before, Kreisha. You can be pregnant because you're healthy. I mean...hindi ka na chubby. Sabi ko sa iyo ay magpatingin ka na sa doctor. Magpapasama tayo sa mga tao rito upang tumungo ng hospital."

"Trina..hindi naman siguro⸻"

"Ay, wala ng pero-pero! Malalagot ako sa kapatid mo kapag pinabayaan kita!" Mabilis itong tumayo.

"Hey, wait! Anong mayroon sa inyo ng kapatid ko? Bakit parang sobra-sobra na ang pagsunod mo sa kaniya? Akala mo hindi ko napapansin na lagi mo siyang kausap. Umamin ka nga sa akin, Trina. May relasyon ba kayo ng kapatid ko?" Na-intriga siya.

"W-Wala." Sabay umiwas ito. "Halika na!"

Tumayo siya. "Hindi! Hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo. What's the real score between you and Kameron?"

Napakamot ito sa ulo. "Kasi..."

"Hindi naman ako magagalit. Mas maigi na ikaw ang mapapangasawa ng kapatid ko kaysa mapunta siya sa iba. Just tell me and I'm ready to listen."

"Okay, fine." Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib. "Binibiro ko lang naman ang kapatid mo noong pumayag ako na samahan ka rito at ang kapalit ay...makikipag-one night stand siya sa akin."

"What?!" Halos nalaglag ang panga niya sa narinig mula sa kaibigan. "Did you say that to my brother? Ano naman ang sinabi niya? Pumayag siya?"

"Bes, biro ko lang talaga iyon dahil alam mo naman ako pagdating sa kuya mo ay dinadaan ko na lang ang lahat sa biro para mapansin lang ako. And he agreed. As in, hindi na siya nagdalawang-isip na umoo nang sabihin ko iyon. Binawi ko naman iyon pero kasi para sa kaniya ay hindi biro ang mga sinasabi ko. Your brother is too gullible when it comes to me. Hindi ko na raw pwedeng bawiin ang sinabi ko."

"Lukaret ka talaga! Malamang hindi talaga tatanggi iyon dahil lalaki ang kapatid ko! Pero.." Napaisip siya. "Humingi ka na rin ng baby sa kaniya para complete package na."

"Tristan would kill him after."

"Much better. Para maranasan ng kapatid ko ang mabugbog tulad nang ginawa niya kay Raven."

"Urong-sulong ako, Kreisha. Hindi biro ang makipag-one night stand dahil parehas kaming walang karanasan. Oh, my god! Maling-mali talaga ang mga banat kong biro sa kapatid mo. He's always taken it seriously. But...I'm excited on the other side of my heart. You knew that I have a long-time crush on your brother."

"But you need to get into marriage life before you will do it, right?"

Napaisip ito. "Oo nga ano."

"Then ask him to marry you. Masunurin ang kapatid ko, right? That's your chance."

"That's impossible, Kreisha. Si Kameron ang tipong wala sa isip ang pag-aasawa."

"Who knows? He said yes to your request. There's no harm in trying, Trina. Oh, siya. Samahan mo na ako sa hospital at baka kung saan na mapunta ang usapan natin. Mas malala ka pa sa akin kapag nagkatotoo iyan."

"Well, at least ako pakakasalan ng kapatid mo kung papayag siya bago namin gawin ang handog ng diyos!"

"Gaga!" Natawa na lamang siya sa mga hirit nito. Nakikita rin naman niya sa mga mata ng kapatid niya sa tuwing naroon sa paligid si Trina. Malalim ang mga tingin nito sa kaibigan niya. Bro, it's your time to shine!

NAGHIHINTAY sila sa sala ng sasakyan na maghahatid sa kanila sa pinakamalapit na hospital. Tinawagan na rin ng kaibigan niyang si Trina ang kaniyang ama upang ipaalam ang sitwasyon niya.

"Mas lalong dumilim sa labas at halos wala ng makita sa daan. Papuntahin na lang natin dito ang family doctor ni Sir Juan," wika ni Trixie. Isa ito sa mga nagtatrabaho sa mansion ni Juan Carlos.

"That's what I thought, Trixie." Bumaling ito sa kaniya. "Kaya mo pa ba ang nararamdaman mo?"

"Kaya naman. Hindi naman ako nilalagnat at matamlay lang naman ako. We can see the doctor by tomorrow or if the weather is fine."

"Are you sure?" Trina asked her.

"Yeah. Kailangan ko lang sigurong kumain."

"Okay. Rest for a while, and then I'll call your dad."

Sumunod naman siya rito at nagtungo na sa kaniyang silid. Magpapahinga na lang muna siya at baka iyon nga naman ang kaniyang kailangan. Hindi niya iniisip na nagdadalawang-tao siya dahil na rin sa sitwasyon niya noon. But..what if I am pregnant? Paano ko sasabihin ito sa asawa ko? Or hindi ko na lang sasabihin sa kaniya. No! Hindi ako dapat maging paranoid at pagod lang ako at wala lang ito.  

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon