Chapter 24

1K 21 1
                                    

"Raven! Raven!"

"I'm here!"

Malalaki ang mga hakbang ni Zack habang papalapit ito sa kaniya. Nasa gilid siya ng swimming pool habang nakaupo at pinalitan ng band aid ang kaniyang labing dumudugo pa rin hanggang ngayon.

"Who did that to you? Is it Kameron?!" galit na tanong ni Zack sa kaniya.

"Napasugod ka? May giyera?" kalmado niyang tanong dito.

"Damn! Nagawa mo pang makipagbiruan sa lagay na iyan? He's a damn shit!"

"I'm okay. Malayo naman ito sa bituka."

"We need to take an action. Hindi pwede ang ginagawa niya!"

"Hey, easy ka lang! Buhay pa naman ako."

"Buhay? E kung tinuluyan ka niya? I told him if there's something that will happen to you, I'll bury him alive. He has no right to do that to you."

"Zack, I'm okay. Alam kong naging overprotective lang siya sa kapatid niya at naiintindihan ko ang bagay na iyon."

"So, tanggap mo na sinuntok ka na lang niya nang basta-basta?"

"I'm thinking of Kreisha. Baka mas lalo lang niya itong saktan kung lalaban pa ako."

"Teka nga..." Napatitig si Zack sa kaniya saka ito naupo. "I smell something fishy here. So, what's your stand with her?"

"Nothing," mabilis niyang tugon.

"Nothing? Oh, c'mon! I know you, Raven. Ikaw ang lalaking hindi nagpapatalo sa kung ano man at idinadaan mo agad sa legal process. Sounds weird. Umamin ka nga. Did something happen between you and Chubby?"

"Kreisha ang pangalan niya."

"And that's another weird thing!"

"Zack, there's nothing to worry about."

"Pero hindi magkakaganoon si Kameron kung wala siyang alam tungkol sa inyo."

"I swear. Kung ano man ang namagitan sa amin ni Kreisha, sa aming dalawa na lang iyon. Ayokong pati ikaw ay madamay pa sa hidwaan naming dalawa."

"So, there's something between you and her?"

Hindi na siya sumagot.

"Silent means yes. Nagkatotoo rin ang hula ko."

"Manghuhula ka na pala ngayon, Zack."

"Yes. I changed my profession, as I said before."

Napapailing na lamang siya sa kaibigan niyang ito na naman ang madalas naroon sa kaniyang bahay mula noong nakalakad na ito. Subalit mas inisip niya ang kalagayan ni Kreisha kaysa sa kaniyang sugat na natamo mula sa kapatid nito.

Ilang oras nang makaalis si Zack sa harapan niya ngunit hindi pa rin nawaglit sa isipan niya ang kalagayan ng dalaga. Ilang araw lang silang hindi nagkita ay na-mimiss na niya ito. Damn! He wouldn't understand himself about what's his real feelings to her. Naguguluhan pa rin ang damdamin niya sa ngayon ngunit hindi na niya matiis ang sariling hindi ito makita. Kaya isang desisyon ang kaniyang nabuo sa sarili kahit alam niyang nasa panganib ang kaniyang buhay.

NATAGPUAN ni Raven ang sarili niya habang lulan ng kaniyang kotse at nakahinto malapit sa bahay nina Kreisha. Humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga bago siya bumaba ng kotse. Naninibago siya sa kaniyang sarili at ni minsan ay hindi siya gagawa ng hakbang na alam niyang ikakapahamak niya. But this time, he's wrong. He never thoughts that it would be a risky decision while he has a misunderstanding with Kreisha's brother.

Naglakad siya sa patungo sa gate hanggang sa nag-door bell siya. Isa sa mga katiwala nina Kreisha ang nagpapasok sa kaniya sa loob ng malawak na bahay ng mga Severino. Pinagtibayan na lamang niya ang kaniyang loob dahil alam niyang nag-aalala sa kaniya ang dalaga. And he's really worried about her too.

"What are you doing here?! Saan ka kumukuha ng lakas ng loob na magpakita rito?" Galit nga sumalubong agad sa kaniya si Kameron.

"Hey. I am not here to make an argument. I am here to see her," in his calm voice.

"Durog na durog na ang puso ng kapatid ko, Ranzel. Huwag mo na itong dagdagan pa. Get out of my house."

"No. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko siya nakikita," matatag niyang wika.

"Ah, gusto mo ng isa pang⸻"

"Kameron!"

Napalingon silang dalawa nang magsalita ang may edad na lalaking kawangis ang mukha kay Kameron. Marahan itong lumapit sa kanilang direksiyon at mabuti na lang ay naroon ito kung hindi ay magkakagulo na naman doon. Hindi na rin siya papayag na makakaisa ulit sa kaniya ang kapatid ni Kreisha.

"You're Ranzel, right?" tanong ng may edad na lalaki sa kaniya.

"Yes, Sir."

"Hi! I'm Kreisha's father." Sabay inilahad nito ang palad sa kaniya.

Tinaggap naman niya agad iyon. "Nice to meet you, Sir."

"No. Just call me Tito Tino."

"At talagang gusto niyong makilala ang lalaking nanakit kay Kreisha noon, Dad?" reklamo ni Kameron.

"Kameron, stop this. We are here to settle things for Kreisha."

"Bahala kayo, Dad." Sabay tumalikod ito.

"Hayaan mo na siya. Masungit iyang anak ko pero mabait iyon. Maupo ka, Hijo."

"Thanks." Naupo siya sa malambot na sofa.

"Narinig kong nais mong makita si Kreisha. Ikinalulungkot ko pero hindi muna namin pinahihintulutan ang kahit sino na makita siya. Ayaw niya na may bisita sa kaniyang kwarto at kabilin-bilinan niya iyon."

"Kahit ba ako, Mr. Severino?"

"Wala siyang nabanggit. Bakit mo siya gustong makita?"

Hindi agad siya nakasagot, Bakit nga ba? Iyan din ang tanong ko sa sarili ko na hindi ko mahanapan ng solusyon kung bakit. Unless kung makikita ko siya ngayon.

"Okay. Sapat na ang sagot mong pananahimik. Umakyat ka na sa taas."

"Ho?" Bahagya siyang nagulat sa narinig niya mula sa ama ng dalaga. Hindi niya inaasahang ganoon lamang ito madaling kausap kahit wala pa naman siyang sinasabi rito na sagot.

"I trust you, Ranzel. Go upstairs. Nasa kaliwang bahagi ang kwarto niya sa may dulo," sambit nito.

"Thank you very much, Mr. Severino." Tumayo agad siya.

"Just one more thing, Hijo."

Napatigil siya.

"Just make her happy."

Tumango lamang siya bilang pagtugon. Ayaw muna niyang magbigay ng komento tungkol sa bagay na iyon dahil nais muna niyang makasiguro sa damdamin niya. Nagpatuloy na lamang siya sa pag-akyat sa taas upang makita ito.

Natumbok naman niya ang kwarto ng dalaga saka siya pumasok sa loob. Madilim ang kwarto nito ngunit nahanap niya agad ang switch malapit sa pinto. Hinanap niya agad ito sa saang parte ng kwarto nito ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito makita. Kinakabahan na siya nang mga sandaling iyon at napuna na lamang ang isang papel na malapit sa side table ng kama nito. Kabado siyang kinuha ito at binasa.

Dad and Kuya Kameron,

Sa mga sandaling ito, baka nasa malayong lugar na ako. I want to have peace of mind and find my real identity. Don't worry about me and I will take care of myself.

Love,

Kreisha

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon