Chapter 31

1K 16 0
                                    

Maagang nagising at nag-ayos si Kreisha sa sarili niya upang maibsan man lang ang mga iisipin niya nitong nagdaang gabi. Bukas naman siya sa kung ano ang magiging usapan nila ng binata ngunit hangga't wala itong final na sinasabi sa kaniya, mananatili lamang panaginip ang lahat. Ayaw na niyang sa kaniya pa manggagaling ang lahat at mag-insist sa mga narinig mula sa prankster na binata ika nga niya. Nasulyapan niyang masarap pa ang tulog ni Trina sa kama at hinayaan na lamang niya ang kaibigan. Matagal din itong natulog dahil nakipag-usap pa sa kakambal nitong si Tristan. Ilang araw na lang din at babalik na ang mga ito sa Pilipinas ngunit siya ay mananatili muna roon at pumayag naman ang kaniyang kapatid. Ilang sandali pa ay tumunog ang message tone ng cell phone niya. Dinampot niya ito sa side table ng kama saka tiningnan ang mensahe. She was thinking that it was her brother but it's a big no.

Come here downstairs, and we will have our breakfast.

Iyon ang nakasaad sa text message at alam niya kung kanino nanggaling ang mensaheng iyon. Breakfast? Bakit kami lang dalawa? Is this breakfast for two? Naku, Ranzel! Ano na namang pakulo ito? Hindi niya pinansin ang text message nito at nagpatuloy lang sa pagliligpit ng ilang mga gamit niya na nagkalat. Subalit tawag na mula sa kaniyang cell phone ang umagaw muli sa atensiyon niya. Si Ranzel? He's calling! Kagyat na namang nakadama siya ng kaunting kaba sa sarili. Pinalipas lang niya ang ilang ring bago niya ito sinagot subalit mas nauna pa niyang naulinigan ang caller sa kabilang linya.

"Kreisha..." sambit ni Raven sa kabilang linya.

"What? Natutulog pa ako⸻"

"Liar. Alam kong maaga kang gumigising. Iniiwasan mo ba ako? Let's have our breakfast."

"Why don't you ask your friends or my brother to have their breakfast with you? Tutal kayo naman ang magkakasama."

"It's just the two of us. Bumaba ka na or susunduin kita."

Matagal siya bago nakasagot. Sa tuwing nagsasalita ito o minamanipula ang araw niya, napapasunod siya ng binata na wala sa oras. It was just their magic between his words through her that she can't refuse or resist.

"Alright. I'll go downstairs."

"Okay. I'll wait for you here."

Ibinaba niya agad ang tawag matapos ang kanilang usapan sabay napabuntonghininga siya. Kahit kailan talaga ang lalaking ito, panira ng araw. Ako namang itong uto-uto ay sumusunod din. Hay, Ranzel! Mabibigat ang paa niyang bumaba mula sa second floor hanggang sa bumaba siya malawak na garden view kung saan ang tinutukoy nito.

She noticed the man standing behind the table for two with food prepared for them. But the moment she looked at him, there was something different. He looks fresh, wearing his white polo, navy blue walking shorts, white shoes, and fierce emotions. Ni hindi nga ito ngumingiti sa kaniya na dati naman nitong kinaugalian at naninibago siya sa bagay na iyon.

"What kind of game is this, Ranzel? Ang aga mo naman mang-abala," wika niya habang sinasalubong niya ang tingin nito. Ano mayroon sa taong ito? Sinapian na ba siya?

Hinila nito ang upuan. "Have a sit."

Muli na naman siyang sumunod dito at naupo na lang. Hinila din nito ang upuan na halos katabi na niya ang binata. Noon lang niya napansin ang napakagandang kapaligiran na kitang-kitang ang malawak na lupain ni Juan Carlos. Naaamoy na agad ang sariwang hangin, nakakarelax na ambiance at higit sa lahat ay ang breathtaking view.

"Here..."

She stares at the one stemmed rose flower that handed to her by Raven. Napatitig din siya pagkatapos sa binata ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang pagiging seryoso. Nahihiwagaan na talaga siya sa ikinikilos nito ngunit maayos naman din niyang tinanggap ang bulaklak. Again, the strange feelings are there.

"Thanks." Kinuha niya ang bulaklak na iyon. "Nahihiwagaan ako sa'yo. Anong mayroon?"

"Let's just eat first before I'll answer that. Nakakapaghintay naman siguro iyan."

"No. Just tell me first before anything else, Raven."

He sighed. "Okay." Hindi na ito nagdalawang-isip na tugunin agad siya. "It's simple, Kreisha. I want to eat my breakfast with you as we always did at the cruise ship. I want to spend our precious time together again. Alam kong biro man sa'yo ang lahat na iyon ngunit gagawin kong makabuluhan ito ngayon. You heard my confession last night and I want to take it seriously, Kreisha. Mahirap na at baka hindi ko kayang remedyuhan ang mga kapilyuhan ko at mawala ka. I did these things just to win you back. That's it," paliwanag ng binata sa kaniya.

Bahagya niyang inilayo ang paningin dito at baka hindi naman niya makayanan ang nakakatunaw nitong tingin sa kaniya. Her ears clapping as she feels the romantic excitement feeling again but felt nervous and wanted to escape from his presence. Though the more he's near to her, the more she feels uncertain. Iilan pa lang naman ito sa mga naramdaman niya sa tuwing nariyan ang binata dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. Yes! She still loves him even most. Even the beautiful morning turns out to dusky, unfathomable, and unsatisfied day.

"Just to win me back?" Kunot-noo siya. "How could you say that when we are never been together in a relationship? Isa pa, iyong inamin mo kagabi ay hindi ko pa alam ang isasagot sa bagay na iyon. masyadong mabilis ang pangyayari."

"That's why I will do it slowly. If you mean that we need to get back to the time when knowing each other, it's okay. We will get through the process of courtship. And yeah, I will court you starting from now."

"Seryoso ka ba talaga?"

"Yes. At kung handa na tayo sa mga bagay na dapat nating tahakin. Let's settle down."

"Raven..." Her eyes widened when she heard that from him.

"When I saw you at the airplane cabin, I still saw your burning desires and love for me even if you deny it. When the night that there's something that happened between us, I barely felt that love of yours. Sinabi ko sa sarili ko kung bakit ko ba hinayaan noon ang isang babaeng deserve naman mahalin. Na ang babaeng muling magpapatibok ng puso ko ay nasa tabi ko lang pala. This is the reason why I really hate to say those weird words of mine. Dahil nasasabi ko ang tama na walang halong kalokohan. Kreisha..." Ginagap nito ang kamay niya at hinawakan nang mahigpit. "Just give me a chance. I want to let the world knows that I found the perfect match for me. That I found you to stay beside me forever."

"Raven... I am not a perfect woman for you. Baka darating ang araw mawawala rin iyang pagmamahal mo."

"I never do that." Tinanggal nito ang pagkakahawak sa kamay niya at hinawi ang iilang hibla ng buhok niya. "I am a man with a word, Kreisha. Kumain na tayo at lalamig na ang pagkain. We will enjoy the rest of the day."

"Ikaw ang bahala."

Nagsimula na silang kumain habang ang binata na ang naglagay ng pagkain sa kaniyang plato subalit nasa isip pa rin niya ang sinasabi nito. Masaya siya at alam niyang may isang bahagi ng puso niya ang nabanutan ng tinik nang dahil sa nabigyan na rin ng hustisya ang mga nasabi ni Raven sa kaniya. Dadaan sila sa proseso na alam nila upang makapag-umpisa. Sa ngayon, hahayaan ni Kreisha na yakapin ang lahat ng pagmamahal ng binata para sa kaniya. I let myself to feel the happiness once and for all. 

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon