Chapter 54

1.1K 12 1
                                    

Ten months later...

"HAPPY CHRISTENING!"

Tuwang-tuwa ang mga tao sa paligid nila habang idinaraos nila ang binyag na nag-iisang anak nila ni Raven. Ginanap ito sa malawak na garden ng bahay ng kaniyang asawa at imbitado ang mga iilan nilang mga kaibigan at kamag-anak. Hindi rin nakaligtas na pagkaguluhan ang baby nila habang karga-karga ito ni Trina.

"You're so cute, baby! Sana hindi ka magmana sa tatay mong maluko, huh!" sambit ni Trina habang nasa mga bisig nito ang sanggol.

"Magmana lang sana sa kabaitan ng tatay at hindi sa kalokohan," sabat naman ni Zairah habang karga din nito ang isang kambal nila ni Zack.

"So cute, baby Reis Kurt. Parang gusto ko na rin magkababy!" gigil na wika ni Jhen. Ito ang kaibigang matalik ni Zairah.

Bumulong si Trina kay Jhen. "You can choose among the single bachelors here. Mamili ka na huwag lang ang Kameron ko," ngiting tugon nito.

Napangiti si Jhen. "I wanted to. Kaya lang ay allergic ako sa mayaman. Gusto ko iyong nagbabanat ng buto sa umaga at ako naman babanatan sa gabi!"

"Gaga!" Sabay hagalpak ng tawa ni Trina.

Napabungisngis din si Zairah. "Bagay talaga kayong magsamang dalawa."

"I like you, gurl! Mukhang magkakasundo tayong dalawa. I have a circle of friends at irereto kita."

"Trina! Baka kung sino-sino na naman ang irereto mo kay Jhen," sabat niya nang marinig niya ang usapan ng mga ito at may kasama siya.

"Nope. They are kind and gentle but rock...on the bed!"

"Jusko! Tinuturuan mo si Jhen na maging mahalay. By the way girls, meet Doc Riexen. Siya iyong doctor ni Raven noong nasa facility siya." Pagpapakilala niya sa kasama niya.

"Hi," tipid na bati ni Doc Riexen.

"Hi, Doc! Nice to see you again, and welcome to the club! How are you with Captain Rendell Dela Vega?"

Siniko niya si Trina. "Ano ka ba?! Katrina iyang bibig mo!"

"Sorry, Doc. I'm starving na kasi. Kunin mo na itong si baby Reis, Kreisha. Nangangalay na ako."

"Pwede kong kargahin?"

"Sure, Doc." Marahang iniabot ni Trina ang baby kay Doc Riexen.

"Oh, he's so heavy and cute. He looks like you, Kreisha."

"Really, Doc?" Malapad ang pagkakangiti niya. "Hinaan mo lang at baka marinig ni Raven at magwala iyon."

"Excuse me, girls. Puntahan ko lang ang asawa ko at baka nagwala na iyong isang kambal."

"I'll go with you, Zai." Sumuno si Jhen.

"Okay, Zai. See you there!"

"Me too, Kreis. Silipin ko lang at baka may hinaharot ang kuya mo!"

"Tsupi, Trina!" Pagtataboy niya. "Ikadena mo yang kapatid ko at nang hindi makawala."

"Yeah. I will!" Nag-miss Universe wave pa ito bago tumalikod at naglakad patungo sa kumpulan ng mga kalalakihan.

Napailing siya. "Katrina Ferrer talaga." Bumaling siya kay Doc Riexen. "Doc, baka nabibigatan ka na kay baby."

"It's okay. Sanay akong magkarga ng baby since the day I had a son."

"Huh?" Nagulat siya. "May anak ka na, Doc?"

Tumango ito. "Yup. And, uhm, he's in London. I left him for a purpose, but I will return when I am done here."

"Ah. I see. Akala ko naman ay nililigawan ka ni Rendell."

"Nope. We are just friends. Wait.. Paano mo nasabing nililigawan ako ni Rendell?"

"Kasi.." Bahagya siyang sumulyap sa kinaroroonan ng mga ito saka siya bumaling dito. "I heard something when they had a celebration last time. Hindi ko naman sinasadyang marinig iyon dahil dito sila mismo nagkakatuwaan ang mga iyan. That Rendell was still in love with his first love and wanted to win her back sooner. And I heard your name from Wigo."

"Chismoso rin pala ang mga iyan."

"Naisip ko ngayon kung may anak at asawa ka na ay hindi na kayo pwede, tama? May pa win her back pa siyang nalalaman."

Natawa ito. "He was referring to me. Yeah, and you heard it right. Just let it be. Makakahanap din naman siya ng magmamahal sa kaniya."

"Sayang at bagay pa naman kayo." Muli siyang napangiti rito habang nanghihinayang sa pagkakataong magkabalikan ang dalawa.

"Rendell will found his truly one and that's not me. I am just part of his past that would never be his love in the future. Ganoon naman talaga kapag pinagtagpo kayo na hindi naman kayo tinadhana. But in your case with Raven, kayo ang pinagtagpong itinadhana."

"Sounds great, Doc. Magaling pala kayo sa usaping pampuso at hindi lang utak ng tao ang pinag-aaralan mo." Alam niyang malaki rin ang tulong nito sa paggaling ng kaniyang asawa.

Natawa ito sabay umiyak naman si baby Reis. Kinuha na niya ang sanggol mula rito at niyaya na niya ito sa umpukan upang makihalubilo. Masaya siyang nakilala niya ang doctor na nagpagaling kay Raven noon dahil kung hindi ay wala sana silang munting anghel ngayon. Subalit kakaiba pa rin ang pakiramdam niya sa dalawa base na rin sa kilos na pinapakita nila.

They enjoyed the rest of the day while she has nothing to wish for. Nasa kaniya na ang lahat kasama ang kaniyang asawa at ang kanilang supling. Well, parte ng buhay ang mga pagsubok ngunit magkaagapay naman silang haharapin ito. And this is their happily ever after story.

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon