BUMALIK muna si Raven sa kwarto nila upang ilagay doon ang bulaklak niya at sinabi nitong hintayin na lamang siya disco area kung saan may welcome party ang cruise ship para sa mga guests. Naglalakad-lakad muna siya sa upper deck part ng cruise habang naririnig na niya ang ingay sa paligid at upang bumaba na rin ang kinain niya. Napadami ata ang kain ko. Ang hayop na lalaking iyon, gusto ata akong gawin lalong balyena. Infairness, malakas rin pala siyang kumain pero hindi naman siya tumataba. Makiki-sana all na lang ba ako? Malakas kumain pero hindi tumataba? My goodness!
Mas lumapit pa siya sa crowd habang ang iba naman ay nagsasayaw at nag-eenjoy sa indayog ng musika. Kumuha siya ng drinks sa dumaang waiter patungo sa bahaging walang masyadong nagkukumpulan. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang vibration ng cell phone niya habang hawak niya ito sa kamay. Tiningnan niya ang message na kanina pa talaga niya inaabangan.
Hi, baby! I am here now at the cruise ship. Where are you?
Biglang umusbong ang kaba niya sa dibdib. Si Claude?! God! He is here! Mabilis siyang nag-reply upang ipaalam na naroon na rin siya at tanungin na rin ito. Mas lalong hindi siya makapag-isip kung kikitain ba niya ang binatang nakilala lang niya sa Australia sa isang pastry event.
Claude Taylor, thirty-two years old and a Filipino- Australian National who currently lives in London. At first, it was a friendly date relationship between them when they first met in Australia. Pagkatapos noon ay sunod-sunod na ang pagkikita nila na nagiging normal na sa kanilang dalawa. Claude is a perfect lover and husband material for her. He is rich among the richest person in the world and a billionaire club member in Australia who owns several cruise ships. Kaya lang ay hindi pormal ang kanilang relasyon at wala naman sinasabi ang binata tungkol sa bagay na iyon.
Noon pa man ay nais na talaga niyang maranasan ang maging isang tunay na babae dahil sa natuklasan niya sa isang bagay na nagpabago sa kaniyang buhay isang taon na ang nakalipas. She has PCOS or Polycystic Ovary Syndrome. It is a common condition that affects how a woman's ovaries work. Nalaman niya ang sakit niyang ito nang nasa Australia siya at hindi sinabi sa kaniyang pamilya.
Dumaan naman siya sa mga treatment subalit may possible na hindi pa rin nawala iyon dahil sa hindi niya kayang magbawas ng timbang. Isa pa, mataas ang BMI counts niya nang dahil sa overweight siya at mahihirapan mag-ovulates ang egg cells niya kung sakaling gusto na niyang magkaanak. Kaya desperada siyang makipagkita kay Claude sa cruise ship trip na ito upang patunayan sa sariling may pag-asa pa at nasabi na rin niya sa binata ang problema niya kaya ito na mismo ang nag-insist na gawin nila ang bagay na iyon. Subalit nagdadalawang-isip na siya nang makasama niya sa hindi sinasadyang pagkakataon ang binatang si Raven.
"Hi!" bati niya kay Claude. Naroon sila sa tahimik na lugar sa kabilang bahagi ng barko na kaunti na lamang ang ingay na naririnig.
"Kreisha!" Sabay lumapit ito at hinalikan siya sa pisngi. "How are you? Nice to meet you again."
"Nice to meet you too, Claude."
"God! You look beautiful than ever."
"Thanks, Claude." Buti pa ang isang ito ay na-appreciate ang ganda ko.
"Are you ready?" Bahagyang pinisil nito ang braso niya habang tinutukoy nito ang plano nila.
"Uhm, can I just...drink some alcohol? Kinakabahan ako Claude."
Natawa ito. "Alright. Let's have some drink."
Naupo siya habang ang binata naman ay nagsalin ng inumin sa baso niya at iniabot sa kaniya. Claude seated beside her after.
"This night is so good for us. What do you think?"
"I guess so." Inubos niya ang laman ng kaniyang baso.
Inilagay nito ang kamay sa balikat niya. "After this, what's your plan? Lalo na kung successful ang gagawin natin. You can have my race in an instant."
"Uhm, I will take care of the baby."
"Did your family knows about it?"
Umiling siya.
"Then we will let them know."
"Huh?!" Napasulyap siya sa katabi. "Are you kidding? Wala sa usapan natin iyon, Claude. Akala ko ay gagawin lang natin ito—"
"Nagbago na ang isip ko." Saka ito sumulyap sa kaniya. "If you will give birth to my child, I can't get my last will from my grandfather. Then, we will settle down. Hindi ako papayag na hindi ako makikilala ng anak ko sa'yo."
"Claude, if it is all about the baby, makikilala ka naman niya. Hindi ko naman siya itatago sa'yo." Tila hindi niya maintindihan ang sarili niya na dapat ay magiging masaya siya kung totohanin ng binatang pakakasalan siya nito.
"Hey, why is it sounds like you don't want me in your life. I thought you like me, Kreisha. Is there a problem?"
"N-Nothing." Gusto nga ba kita, Claude? Hinanap niya sa bahagi ng puso niya ang kasagutan.
"Then, let's do it gently and with love."
Love? Napaisip siya.
Unti-unti itong lumapit sa kaniya hinalikan ang balikat niya hanggang sa kaniyang leeg. Halos nanindig ang balahibo niya sa pakiramdam na iyon, umusbong ang kaba sa dibdib niya at ang pangamba. Hindi iyon kahalintulad sa naramdaman niya nang gawin iyon ni Raven kaninang umaga.
Claude finds her lips and seized with a warm kissed, but she doesn't feel any sparks or trembling bones inside her. Noong una, banayad pa ang halik nito hanggang sa naglakbay na ang mga kamay nito sa iba't ibang parte ng katawan subalit wala man lang siyang excitement na nararamdaman. It was her second kissed with the man whom she prefers to give her everything.
Tumigil ito sa ginagawa. "Let's do it in my room."
Inalalayan siya nitong tumayo upang tumungo sila sa cabin room nito subalit nang makatayo siya ay nakaramdam agad siya ng pagkahilo. Ang alam niya ay isang shot pa lang naman ang nainom niyang whisky. May inilagay ba siya sa inumin ko? Pero...nakita ko naman ang pagsalin niya. Wala sa isip niyang napahawak na lamang siya sa binata.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...