Chapter 43

747 13 0
                                    

Three months later...

MAAGANG nag-ayos sa sarili si Kreisha nang mabalitaan mula sa kapatid niya na nagising na ang kaniyang asawa. Excited din siya dahil makikita na niya ito kahit alam niyang kinakabahan pa rin siya. Susunduin siya ng kapatid niya at tutungo sila sa facility kung saan nagpapagaling si Raven.

"Okay lang ba ang suot ko? Am I look great?" tanong niya kay Trina.

"Hmm." Pinasadahan siya nito nang tingin. "You look stunning, Kreisha. Hindi ako makapaniwalang pumayat ka na!"

"Iniisip ko lang ay baka hindi na ako makilala ng asawa ko." Bahagya siyang nalungkot.

"Hey!" Lumapit ito sa kaniya. "Katawan lang ang nagbago sa iyo ngunit hindi ang puso mo. Let's go downstair at naghihintay na ang kapatid mo. Magtiwala ka lang, Kreisha."

"What if he doesn't recognize me?"

"Kreisha, kung hindi makaalala si Raven ay tutulungan natin siyang maalala ang lahat. Marami na ang kaso sa mundo ang memory loss at seventy percent sa mga ito ay nakakaalala depende sa brain damage ng isang tao. Think positive, okay?"

Ngumiti siya saka tumango. "Thank you, Trina. "Sabay niyakap niya ang kaibigan. "Hindi mo ako iniwan sa panahong kailangan ko ng karamay."

"No problem, Kreisha. Nakalibre naman ako ng first kiss sa kapatid mo!"

"Huh?!" Bigla siyang kumalas dito. "What do you mean?"

"Wala. Halika na!" Sabay hinila na siya nito palabas ng kwarto.

Napangiti na lamang siya sabay napailing. Hindi na niya aalamin kung totoo ba ang sinabi nito ngunit bakas sa mukha ng kaibigan niya ang isang kakaibang kasiyahan. Pagkababa naman nila ay naroon na ang kapatid niya at naghihintay. Kinakabahan man siya sa magiging tagpo nila ng kaniyang asawa subalit inihanda na rin niya ang kaniyang sarili.

LULAN sila ng isang chopper na magdadala sa kanila sa isang tagong facility sa dulong bahagi ng Batangas. It's twenty minutes to travel and they finally arrive the facility. Tulad nang sinabi ng kapatid niya, isang malapad na building ito na may mga iilang bahay sa paligid at napakalawak ng nasasakupan nitong lupain. Sinalubong naman sila ni Rendell pagkababa nila sa chopper at dinala sa isang resthouse kung saan pansamantalang nagpapagaling ang kaniyang asawa.

Pagpasok pa lang nila sa loob ay nakita na niya sina Wigo, Tristan, Zack at Kaiser. Halos nakatitig pa sa kaniya ang mga ito na tila gumuhit ang isang katanungan sa kanilang mukha. She thought that it's all about her transformation. Sino ba naman ang hindi magbabago ang hitsura sa kabila ng mga stress at pait na sinapit niya?

"Kreisha?" kunot-noong sambit ni Wigo.

"Yes?" tugon niya.

"Is that you?"

"Yeah. It's me, Wigo."

"Wow. Totoo pala ang sinabi ng mga ito na baka hindi ka na namin makilala," sambit pa rin ni Wigo.

"Nakilala mo pa rin naman ako," aniya.

"Everyone!" Putol ni Rendell sa pag-uusap nila. "I would like you to meet, Dr. Riexen Clave. She's Raven's Neurosurgeon." Pagpapakilala nito sa kanila.

Isang simpleng babae ngunit malakas ang dating ang nasa harapan nila. May suot itong doctor suit, maigsi ang buhok na tila panlalaki at brusko kung kumilos.

"Uhm, may I ask if who's Raven's wife?" tanong nito habang nakatingin sa kanila ni Trina.

Bahagya siyang nagtaas ng kamay.

"All right. Uhm, hindi lingid sa kaalaman nating lahat ang tungkol sa kalagayan ni Raven. Marami siyang pinagdaanan na hirap sa loob ng laboratory at may mga pagkakataon na nag-aagaw buhay siya. And thank you for your prayers that this time he's awake. Kaya lang ay may malaki tayong problema sa ngayon. Wala siyang maalala. I did my best to bring back his memories but...I can't. Malaki ang naging epekto ng mga bubog na tumama sa kaniyang ulo nang maaksidente siya. And one more thing, he is still confused about a such thing. Minsan ay natulala na lang siya at malalim ang iniisip. One of my studies that the past environment he had may help him to recover his memories and that's your duties. We need to help Raven to remember everything he has before."

"How many percent do we make sure that it will gain his memories back? Hindi ba ito makakaapekto sa isipan niya? Baka malito lang si Raven," wika ni Zack.

"Sa puntong iyan ay ang asawa na ni Raven ang makakagawa." Tumingin sa kaniya ang magandang doctor. "Ikaw ang unti-unting magpapabalik sa kaniyang alaala since ikaw ang kaniyang makakasama. Huwag mo lang siyang pilitin na makaalala sa mga bagay-bagay. Nagtatanong din siya sa mga bagay na hindi niya maintindiha at magandang senyales iyon."

"Well, it's a good sign," sabat ni Tristan.

"I suggest na rin na isa lang muna ang papasok sa loob ng kwarto upang hindi siya maguluhan. And it's your turn." Muli na naman napatitig sa kaniya ang doctor at ngumiti. "Let's go!"

Napasulyap siya sa kaniyang kapatid saka ito bahagyang ngumiti sa kaniya.

"You can do it, Kreisha. Huwag mo lang siyang bibiglain," wika naman ni Trina sa kaniya.

Tumango lamang siya saka siya naglakad kasama ang doctor. Naiwan naman sa sala ang iba habang siya naman ay labis na kinabahan sa muling paghaharap nila ng kaniyang asawa. Iniisip na niya kung ano ang hitsura nito, kung wala na ba itong sugat o kung makikilala pa siya.

"Nervous?" tanong ng doctor sa kaniya.

"Yes." Sabay tumango siya.

"Just calm down. Marami na akong rare cases na tulad sa asawa mo pero nakaalala naman ang halos lahat sa kanila. May ibang pasyente na sumusunod sa payo ng mga doctor kaya mabilis silang nakaka-recover. And your husband is one of them. Actually, nang magising siya ay may kung anong hinahanap siya. It's either a thing or a person but he can't figure it out. I told Rendell that it might help if we could call his family and friends to have seen each other. Sana lang ay kapag nakaharap mo siya ay makikilala ka niya."

"I am hoping for that, Doc. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi niya ako maalala."

"Maalala ka niya basta huwag mo lang siyang pilitin. Hayaan mong ang panahon ang makakagawa niyon."

"Thank you so much, Doc Rixen."

"You're welcome."

Huminto na sila sa tapat ng isang pinto saka itinuro ito ng doctor. Habang nakaharap siya sa pintong iyon ay bumalot na sa kaniya ang samu't saring emosyon. She's dead nervous! She can't even control her emotions when they will meet again. She turned the doorknob to open the door, take a deep sighed and walk to enter the room. Raven, I am here!

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon