Chapter 8

1.4K 26 5
                                    

It was seven in the evening and she's hungry. Hindi na siya sumama nang yayain siya ni Raven at hindi pa rin bumabalik ang binata sa kanilang kwarto. Hinayaan na lamang niya ito at hindi na iniisip pa dahil siya na itong na-agrabyado.

She went down to a luxury restaurant on a ship to find her real comfort. The food for the soul that she always wanted to do every time she was in trouble or stressed. Madami rin siyang nakakasalamuha roon na mga dayuhan sa iba't ibang bansa at naroon upang mag-unwind.

"Good evening, Ma'am! A table for..."

"One," she said.

"This way, Ma'am."

Dinala naman siya ng waiter sa pandalawahang table sa may sulok na may seaview. Hindi man makikita ang madilim na karagatan ngunit magaganda naman ang ilaw sa paligid nito. Akma na sana siyang uupo nang may magsalita sa likuran niya.

"You should invite me for dinner."

She turns her glimpse to him, and her forehead wrinkled. "What are you doing here?" Ano ba ang problema ng isang ito? Ako na nga iyong umiiwas, siya naman ang sunod nang sunod?

"Of course! I'm looking for my partner!"  Iniurong nito ang silya niya. "Have a seat!" utos nito.

"At sino ka para—"

Lumapit ito sa kaniya at bumulong. "Uupo ka o hahalikan kita sa harapan ng waiter na ito?"

"What?!"

"Ma'am, excuse me. Is there any problem?"

"Nothing," Raven answered quickly.

Wala siyang nagawa kung 'di ang umupo na lang. Bwisit talaga!

"Ah, okay. Here's your table d'hôte book for dinner."

"Thanks." Si Raven na ang kumuha ng menu book, hinila ang upuan at umupo malapit sa kaniya. "What do you want?" Pumipili na ito.

"Bahala ka." Ayaw na niyang makipagdiskusyunan dito dahil ayaw din niyang mapahiya. 

"Okay. Madali akong kausap."

ibinaling niya ang tingin sa labas habang nagngingitngit sa inis. Hanggang dito ba naman ay siya pa rin ang nasususnod? Anong klaseng tao ba itong... Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi na itinuloy ang sasabihi sa isipan. Narinig na lamang niyang may sinasabi ito sa waiter ngunit hindi na niya nagawang sulyapan ito. Bahala kang magbayad niyan. Nakakainis!

"Chubby..." tawag ni Raven.

Masama pa rin ang tinging ipinukol niya sa binata. "What?"

"Oh, heto!" Naglabas ito ng isang bouquet ng bulaklak. 

"Para saan iyan?" takang tanong niya. 

"Peace offering," anito. 

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya nang nasa harapan na niya ang pulang bulaklak na iniaabot nito. Ang buong akala niya ay trip lang ng binatang asarin siya at bigyan siya ng isang mainit na halik na labis niyang kinaiinisan. Sa kabilang banda, may kung anong damdamin siyang hindi niya mawari. She doesn't know if it was her feeling way back then or just a part of his bait.

"Aanhin ko iyan?" pagmamatigas niya. Kailangan niyang ipakita ritong hindi siya easy girl na bibigay na lang porkit malaki ang pagkakagusto niya rito noon. 

"I said, a peace offering. I apologize for what I did last time."

Napatitig siya sa bulaklak saka niya marahan itong kinuha sa binata. "Saan mo na naman pinulot ito e dagat ang nakapalibot sa buong paligid?"

"Namingwit."

"Huh? Ihambalos ko kaya ito sa'yo?"

Natawa lang ito.

Inilagay naman niya ang bulaklak sa bakanteng upuan malapit sa kaniya. 

"You change, Chubby. Halos hindi kita namukhaan noong una at pati ugali mo ngayon ay hindi ko na rin matantiya. Is that how you grow matured enough?" seryoso nitong sabi habang nakatitig lang sa kaniya. 

"Every people change, Raven. Alangan namang mananatili ako sa dati ko? Why should I?"

"Ganyan ba ang broken-hearted? Sa akin?"

"Matagal na iyon, Raven. Nakalimutan ko na ang mga bagay na hindi naman maganda ang idinulot sa akin. Life goes on." Kinuha niya ang basong may lamang tubig at uminom. Nakaramdam siya ng tense sa sarili dahil sa lahat ng ayaw niya ay pag-usapan ang tungkol doon at ang binata pa mismo ang nagbanggit. How could she forget those bad memories if he's the one to brought up and start that conversation? 

"Nate-tense ka. Don't worry. I'm an angel to others. Kaya lang ay nangangagat ako at nangangain ng buhay," wika nito sabay ngumiti. 

Napangiwi siya. "Hindi ako nate-tense." Magaling magbasa ng kilos ang tukmol na ito. Lawyer nga!

Ilang sandali lang ay nag-serve na ng pagkain sa direksiyon nila at laking gulat niya nang halos mapuno lahat ng kanilang mesa. The cruise ship's food is too expensive, and Raven ordered them to pay it more than she expected. 

"Eat well. Alam kong mahilig ka sa pagkain at hindi naman halata sa katawan."

"Nang-aasar ka na naman ba?"

"I'm just telling the truth. And also, it's  a part of my peace offering."

"Well, dahil libre mo ito, hindi ako mahihiyang kumain. At least hindi mababawasan ang kayamanan ko," taas-noo niyang wika.

"Malas talaga ang mapapangasawa mo. Kailangan niyang magbanat ng buto." Napapailing ito. 

Inirapan lang niya ang binata sabay nag-umpisa na siyang kumain. Wala na siyang pakialam dahil nang mga oras na iyon ay gutom na rin siya. Isa pa, natutuwa na naman siya sa harapan niyang punong-puno ng pagkain. 

"Here." 

Gulat siyang nilagyan ng crunchy lechon belly ang plato niya.

"Kumain ka lang at kung hindi natin mauubos ito ay pwede pa nating dalhin sa room."

Nagsimula na itong kumain habang siya naman ay nakatitig lang dito. Aba, nag-iba ata ang ihip ng hangin? 

"Don't stare at me, Chubby. Sige ka at uunahan kitang maubos ang mga ito."

"Hindi ikaw ang tinitingnan ko." Yumuko siya saka inatupag ang pagkain niya.

"Liar."

Sumubo na lamang siya nang sumubo. Bwisit talaga! Huwag mo ngang ituon iyang mga mata mo sa herodes na lalaking nasa harapan mo, Chubby! Pinagalitan niya ang sarili. Paanong hindi siya makatingin dito kung ang ugaling ipinapakita ni Raven ay hindi rin niya matantiya. Kahit ilang beses pa niyang pigilan ang sarili, kinilig pa rin siya sa bahagi ng puso niya sa ipinakita nito. Subalit hindi siya maaaring maging marupok at anytime ay baka bibigay siya. Magpigil ka, Chubby! Kaya mo siyang iwasan! Remember, he doesn't likes you. Huwag kang ambisyosa.

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon