Chapter 41

772 15 5
                                    

"Kreisha, kumain ka na. Hindi makabubuti sa iyo ang nakahiga lang dito at panay ang iyak. Look at yourself; it's not really healthy to skip your meal. Halos mag-iisang linggo ka ng ganyan," wika ni Trina na may halong labis na pag-aalala.

Lalo lang siyang nagtalukbong ng kumot habang nakahiga sa kama. Mag-iisang linggo na rin ang lumipas nang may nangyaring masama sa asawa niya kaya ngayon ay lugmok pa rin siya sa kalungkutan. Halos gabi-gabi siyang walang tulog, umiiyak at hindi masyadong nakakakain. She was helpless, drowned into grief and poured with resentment.

"Sobrang nag-aalala na si Kameron sa iyo sa kalagayan mo."

"Just leave me alone, Trina. Gusto ko lang mapag-isa," pagtataboy nito sa kaibigan.

"I understand your situation because it's not really easy to lose someone you loved. I mean...hindi pa naman siguradong wala na siya dahil wala namang natagpuang katawan ng asawa mo. Kreisha, kung magpapatauloy ka sa ganitong kalagayan, baka hindi kayanin ng katawan mo at bumagsak ito. Sorry, and I am worried about you."

Hindi na siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatalukbong habang muli na namang dumaloy ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi.

"I'll go outside, and if you need me, just call me right then."

Hindi pa rin siya tumugon saka lang niya pinakiramdaman ang kaibigan na kumilos na upang lumabas ng kwarto habang nanatili siyang muli sa ganoong posisyon. Napakasakit! Isa ito sa mga nararamdaman niya mula nang gabing hindi na niya nakapiling ang asawa at ang mas lalong nagpapiga sa kaniyang puso ay hindi na niya ito nakita pa. Saksi ang apat na sulok ng kwartong iyon sa bawat paghikbi niya at ang sobrang bigat sa pakiramdam. Losing someone she loved is the worst thing ever happened in her entire life.

SAMANTALA, nagkaroon ng isang masinsinang usapan sina Zack, Tristan at Kameron sa bahay ni Rendell upang pag-usapan ang tungkol kay Raven. Naroon sila sa study room ni Rendell habang seryosong nakikinig sa paliwanag nito tungkol sa naging imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring aksidente.

"Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na hindi aksidente ang nangyari kay Raven. His enemy in political and personal issues had planned to knock him off because of his job and his law firm. Alam mo rin ang bagay na iyan, Zack. Ayon sa nakuha naming investigation, kagagawan ito ng mga tauhan ni Uhmar Magat. Isang international criminal na nasa wanted list ng Interpol na pinakulong noon ni Raven at idiniin sa mga patong-patong nitong kaso.

"I warned Raven about him when some of you are in Vhino Verde. Humanap lang ng akmang pagkakataon si Uhmar Magat upang maisagawa ang plano niya subalit nasa under surveillance list na namin ito. Nang gabing may masamang nangyari kay Raven ay sinubaybayan na namin siya kahit pa noong bumalik kayo mula Portugal. We already know that anytime soon, Uhmar Magat would place his evil plan," Rendell said to them.

"Ang malaking katanungan ay kung nasaan ang katawan ni Raven na ayon sa lumabas na initial investigation ay hindi nila ito matagpuan. How about that?" Tristan asked.

Nagkatinginan sina Zack at Rendell.

"Is there something that we need to know?" tanong ni Kameron nang mapuna nito sina Zack at Rendell.

"Mukhang may hindi tayo alam sa nangyayari," sabat naman ni Tristan kay Kameron.

Napabuntong-hininga si Rendell habang napapailing. "Hindi ko pa maaaring sagutin ang tanong mo, Tristan. Masyadong magulo pa ang sitwasyon."

"Magulo? If you have something to tell us then say it!" Bahagyang nagtaas ng boses si Kameron. "May kutob akong may alam kayo kung nasaan si Raven."

"Hey! Just calm down, Kameron. Hindi natin mapag-uusapan nang maayos ito kung hindi ka kakalma," wika ni Zack na kalmado lang.

"How would I suppose to calm down if my sister is waiting for nothing? Hindi niyo ba naisip ang kalagayan ng kapatid ko sa pag-iisip kung ano na ang nangyari sa asawa niya?"

"Kameron! I understand your sister's situation, but please let me fix these things first, and then I will let you know!"

"So, you know?" asik ni Kameron.

Nagkatitigan nang matalim sina Kameron at Rendell. Maya-maya lang ay napaisip si Rendell habang napasuklay sa nakayungyong nitong buhok sa noo.

"Gusto mong malaman ang totoo, Kameron?" tanong ni Zack dito.

Lumingon si Kameron kay Zack. "I'm asking that earlier but no one would tell us if where is he. Hindi niyo dapat ilihim sa amin ang bagay na ito dahil may karapatan kaming malaman kung nasaan siya," mariing wika ni Kameron.

"Kung may mas karapatan dito, ako iyon!" Nagtaas na rin ng boses si Zack. "Raven is my brother but not by blood! Hindi namin maaaring sabihin sa inyo kung ano ang kalagayan niya dahil makakadagdag lang ito sa alalahanin ng kapatid mo!"

"Damn, Zack! Why don't you tell us directly if Raven still alive or not? Dahil kung wala na talaga siya ay kailangan na ng kapatid ko ang tanggapin ang lahat ng⸻"

"Raven is alive!" Putol ni Zack sa sasabihin pa ni Kameron.

Natigilan ang dalawang sina Tristan at Kameron sa narinig mula kay Zack.

"What?!" Halos hindi rin makapaniwala si Kameron sa rebelasyon ni Zack.

"He's alive and fighting for his life! Matindi ang tinamo niya sa nangyari kaya hindi pa siya nagigising hanggang ngayon. Kung magigising din siya ay walang kasiguruhan kung makikilala pa niya tayong lahat dahil nagkaroon siya ng brain damage. Alam kong hindi ito kakayanin ni Kreisha oras na malaman niya ang totoo. Isa pa, maaaring balikan siya ng grupo ni Uhmar Magat kung malaman nilang buhay pa si Raven. That's the main reason why we need to keep this in secret!"

"Paano nangyari nakaligtas si Raven sa pagsabog? Someone help him out of this chaos?"

"Yeah," tugon ni Rendell.

Muling napasulyap sina Kameron at Tristan kay Rendell.

"What do you mean?" Tristan asked him.

"I'm the one who helped him out of that damn car before it explodes. Kasama ko ang isang agent na nagligtas sa kaniya at dinala namin siya sa isang facility na pagmamay-ari ng secret organization. Isang tagong facility ito na hindi alam ng kahit sinong mga nasa militar at pulis maliban lang sa amin na member nito. Hayaan niyong maging maayos ang lahat bago natin iharap ang kapatid mo sa asawa niya. I know this is a hard thing for us but we need to accept and understand the situation," paliwanag ni Rendell.

"Hanggang kailan maghihintay ang kapatid ko kung sakali?" tanong ni Kameron.

"More or less, three months. It depends on the development we have from Raven."

"God!" Napahilot si Kameron sa sentido nito.

"Gentlemen, I need your support for both Raven and Kreisha. I will take the risk of finding that criminal and paying him for what he did."

"Just let him pays, Rendell. Handa akong magbayad ng malaking halaga mahuli lang ang kriminal na iyon!" Kuyom ang kamao ni Kameron sa pagpipigil ng galit nito.

"Isama niyo na ako riyan. Kung kailangang gamitan ko ng impluwensiya ang pagtugis kay Uhmar Magat, I will do it."

"I know you will support me, but..let my organization handle this case."

"Just let us know from time to time, Rendell. We want to see Raven as soon as possible."

Tumango si Rendell. "I will."

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon