Tatlong araw na maglalayag ang cruise ship nila sa Arabian Sea bago sila makarating sa Port Victoria. Nasa upper deck siya at nagpapahangin habang nakaupo sa beach chair. May mga mangilan-ngilang mga dayuhang couple sa paligid niya at nagpapahangin din. Makiki-sana all na lang muna ako sa mga dating couple rito. Maya-maya pa ay nahagip niya sa isang sulok ang pamilyar na mukha. It was Claude with a woman doing that intimate kiss in the corner. Aba't! Tumayo siya bigla. Nais niyang sugurin ang mga ito ngunit natigilan din siya. Anong karapatan kong sugurin si Claude? He's not my boyfriend. Pero ang lakas ng loob niyang papiliin ako kung sino sa kanilang dalawa at heto siya ngayon? Hindi siya ang tipong nanunugod lalo na at wala naman siyang karapatan ngunit nais na rin niyang putulin ang anumang ugnayan nila ni Claude.
Malalaki ang hakbang niyang tinungo ang kinaroroonan ng dalawa habang patuloy pa rin ang ginagawa ng mga ito sa sulok. Gusto lang niyang magkaroon sila ng closure ni Claude upang wala na rin siyang alalahanin pa at maputol na ang anumang ugnayan niya sa binata.
"Claude!"
"Kreisha?!"
Muntik pang mahulog ang babae sa inuupuan nila nang itulak ito ng binata habang gulat ito nang makita siya.
"Claude, what are you doing? And who is she?"
Napatitig siya sa babaeng halos kita na ang kaluluwa sa igsi ng short at luwa na rin halos ang dibdib nito. She's a foreigner, with blonde hair, blue eyes, and with sexy body. Malayong-malayo kung ikukumpara sa kaniya.
"She is my..."
Bahagya siyang ngumiti. "I'm her friend." Bumaling siya kay Claude. "Sorry kung naabala ko kayong dalawa pero wala naman akong balak manggulo. Mabuti nga at nakita kita para magkaroon tayo ng closure. Enjoy your night!" Saka siya tumalikod.
"Kreisha!"
"Claude! Why are you following that fatty jerk!"
Narinig niya iyon ngunit dire-diretso lang siya kahit na nasaktan siya sa sinabi ng babae. Oo na at mataba na ako, panget o ano pa! But I will restrain myself and still remain my dignity. Hindi pa ako nababaliw para patulan ka! Pagngingitngit niya sa sarili.
"Kreisha!" Pigil ni Claude sa kaniya.
"What?!" Hinarap niya ito habang hawak nito ang braso niya.
"Hey, it's not what you think. W-Wala lang iyon. I mean⸻siya ang lumapit sa akin1"
Binawi niya ang kamay dito. "You don't need to explain it to me, Claude. Hindi naman kita kaano-ano! I don't have the rights. At isa pa, simula nang gabing may pinainom ka sa akin, tapos na ang ugnayan nating dalawa."
"Tigilan na natin ito, Claude. It's not healthy for both of us. Magkakasakitan lang tayo. Thank you for everything!"
Muli niya itong tinalikuran at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nito hinabol. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makarating siya sa kanilang cabin. Sakto at pagdating naman niya sa loob ay tahimik ang kapaligiran. Umupo siya sa gilid ng kama at doon na tumulo ang mga luha niya. She's not affected but it's different when someone whom you want to be with was having an affair. Hindi niya dapat maramdaman iyon dahil sa part niya ay nagawa rin naman niyang magtaksil. Nangyari lang ang lahat dahil nagkalabuan sila ng lalaking nagkasundo sanang maging asawa niya. Why I am crying like this? Wala naman akong masyadong nararamdaman sa lalaking iyon. O dahil ba sa mas pipiliin talaga nila ang mas hihigit kaysa sa akin? Iyong seksi at kayang makipagsabayan sa maiinit na sandali? Is that the reason?
"Why are you crying?"
Mabilis siyang napapahid sa kaniyang mga luha. "I-Ikaw pala..."
" Iniyakan mo ang tukmol na iyon?" Tumabi ito sa kaniya.
"Hindi," pagsisinungaling niya.
"Liar. Nakita ko ang eksena niyo kanina ni Claude. He has no right to hurt your feelings."
"Hindi naman ako nasaktan dahil sa nakita ko silang naghahalikan," suminghot siya.
"Hindi? Then why are you crying?"
"I don't know."
"Liar again."
"Raven..." Humarap siya rito. "Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?"
Nakatitig ang binata sa kaniya at matagal bago ito nakasagot. Narinig lang niya ang mahinang buntong-hininga nito at naamoy niya ang alak. Uminom siya?
"Iyong totoo?"
"Oo, iyong totoo talaga."
"Kumita na ang pelikula na iyon. But the truth is...you're not ugly."
"Really? Hindi iyan biro?"
"Mataba ka nga lang. Mag-diet ka."
Napasimangot siya. "Sabi ko na nga ba."
"But it doesn't matter anymore. If they love you as you are, then you're the lucky ones. Hindi nasusukat ang pagmamahal ng isang tao kung pisikal lang din ang titingnan. Kung mahal mo, tanggap mo."
"You're right. Kaya hindi na ako mag-diet tulad ng sinabi mo."
"But you have to do it, Chubby. You can't be impregnated if you're still in your lifestyle."
"K-Kung hindi ay ayos lang, Raven. Hindi na rin naman ako umaasa⸻"
"Let's do it again and again."
"Raven, I don't want to force you by doing it again and again. As I said, it's okay. Wala na nga akong pag-asa."
"Sumusuko ka na agad? Mahinang nilalang. I am giving myself to you, ayaw mo pa."
"Choosy ako, bakit ba?"
Natawa ito. "Cetacea ka talaga."
"What's the meaning of cetacea? Noong isang araw ko pa naririnig iyan sa'yo."
"Whale."
"What?!" Hinampas niya ito nang malakas.
"Aw!" Napahawak ito sa braso at impit na dinama ang sakit ng paghampas.
"Maghanap ka ng kausap mo!"
"Hey!"
Hinila siya nito saka siya nawalan ng balanse at sumubsob sa binata. Napahiga tuloy sila sa kama at nadaganan na naman niya ang binata.
"Raven! Anong⸻"
"Sa lahat ng ayaw ko ay tinatalikuran ako."
"E kasi ikaw...puro ka na naman kalokohan."
"Kiss me, Kreisha."
"Huh?!"
"Just kiss me." Namumungay na ang mga mata nito.
"N-Nakainom ka lang, Raven."
"A little. I just want you to kiss me and feel that I am not alone. I am not alone in this lonely trip of mine."
She doesn't know why Raven said that unfathomable words to her and she's wondering. Nababanaag niya sa mga mata nito ang isang kalungkutang tila nakatago na nang matagal. She felt the formidable emotions that came from him and she wanted to do what he said to her. She wanted to kiss him with her uncertain feelings.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...