Chapter 28

985 20 0
                                    

"It's been years, and she is still in my heart. Allysa Margareth Dizon was my fiancée when her parents forced her to marry a businessman in their place. Allysa broke up with me, and her marriage was pursued with Silvester Faustino Severino. Hindi ko siya naipaglaban dahil nagsisimula pa lang akong magtanim ng mga ubas dito noon. It was the most challenging day of my life, but everything changed when she visited me here almost thirty years ago, and she became pregnant after a month. But I felt awful when she left me again and stayed with her husband. Mula noon ay hindi na kami nagkita pati ang batang dinadala niya."

"Why are you telling me this story, Sir? Lahat ba ng mga nakakita sa painting na ito ay sinasabihan niyo?"

"Actually, yes! I want to tell everyone I love the woman who gave me pain and happiness. I feel pain because she left me, and I feel happiness because I know that we have  our greatest love, our daughter."

Iniwas niya ang tingin dito saka muling natuon sa malaking painting. Bakas sa mga mukha ni Juan Carlos ang kalungkutan at tila isang kasiyahan na nasabi nito sa kaniya ang kwentong hindi rin niya inaasahan. Kung ganoon, fixed marriage ang nangyari kay daddy at mommy noon?

"Miss Kreisha, can we taste your best pastry tonight?"

"Yes, Sir. I ask Mrs. Grim for help preparing the ingredients."

"By the way, you're the guests from my resthouse? Nasabi lang sa akin ni Elisa na may Pilipinong naroon sa La Casa."

"Yes, we are."

"Okay. See you tonight."

Tumango lang siya saka isang malalim na pagtitig ang ginawa nito sa kaniya bago ito tumalikod. Maya-maya pa ay naroon na si Trina sa tabi niya. Niyaya na niya itong lumabas sila ng mansion.

"How's your conversation with him? Naramdaman mo na ba ang lukso ng dugo? How is he as your blood-related?" Trina asked her.

"It's fine. Madami akong nalaman sa kaniya about my parents. Pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Sapat na iyong nakita ko siya at wala na akong balak magpakilala."

"Kung hindi ka magpapakilla, sino ang magmamana ng lupain ni Juan Carlos Muchelli?"

"Kung gusto mo ikaw na magmamana nito."

"No. I want to be the queen of Severino Food Group. Nakasaad na iyan sa guhit ng aking palad kasama ang aking King."

"Nangarap ka na naman. Bumalik na tayo sa resthouse at tanungin natin si Aling Elisa kung paano mamasyal dito."

"Mabuti pa nga."

SINALUBONG agad sila ni Aling Elisa sa entrance pa lang ng resthouse. Hinihingal pa itong tumatakbo patungo sa kanilang direksiyon at tila hinahabol ng kung ano.

"Bakit kayo tumatakbo, Aling Elisa? There's something happened?" bungad na tanong ni Trina rito.

"M-Mabuti at nandito na kayo! May dumating na limang kalalakihan dito kanina at hinahanap kayo. E akala ko kasi nasa farm kayo at namamasyal kaya sinabi ko na naroon kayo."

"Limang kalalakihan? Pogi ba sila, Aling Elisa?" muling tanong ni Trina.

"O-oo. Kaso mukhang masusungit at nagtatalo pa sila rito sa harapan kung saan sila pupunta. Mukhang mga kapatid niyo ata iyon dahil nabanggit kasi ang salitang kapatid."

"Naku, lagot na. Nasundan tayo ng mga lokong kapatid natin, Trina." Bumaling siya kay Aling Elisa. "Huwag niyo na lang sasabihin na nakita niyo kami, Aling Elisa. S-Salamat." Hinawakan niya ang braso ng kaibigan. "Tara na!"

"Teka..sandali! Where are we going, Kreisha?!"

"Basta!"

Patakbong lumayo sila sa resthouse habang naiwan nila si Aling Elisa na naguguluhan. Umabot sila sa isa pang bukirin na halos mga baka ang naroon at ilang mga tauhan. Hingal na hingal na rin silang dalawa nang huminto sila roon. May mga iilang guests din ang naroon at malayang naggagatas ng baka.

"M-Makihalubilo muna tayo sa kanila," hingal na hingal na wika ni Trina.

"M-Mabuti pa nga! S-Sana hindi nila tayo masundan dito dahil malamang pauuwiin tayo ng Pilipinas nang wala sa oras! I can't go back right now!"

"Oh, really?!"

Natigilan silang dalawa ni Trina sabay marahang napalingon sa kanilang likuran nang maulinigan ang pamilyar na boses sa kanila. Halos hindi sila makapagsalita nang naroon na sa harapan nila ang dalawang lalaking sakay ng mga kabayo. Bumaba ang mga ito sa kabayo habang nagsalubong pa rin ang kilay sa kanila.

"Kuya Kameron..."

"Tristan..."

"W-What are you doing here?!"

"Sinusundo namin ang dalawang lagalag na tupa! Hoy, Katrina! Hindi ko gusto ang pagtakas niyong dalawa patungo rito. Paano kung may nangyari sa inyo?" pangangaral ni Tristan sa kapatid.

Napanguso si Trina sa kapatid. "G-Gusto ko lang naman samahan si Kreisha."

"Malilintikan ka sa akin," banta ni Tristan kay Trina.

Umangkla ito sa braso ng kapatid. "Sarey na, Bradeeh! Huwag ka ng magalit at mawawala ang pagkapogi mo niyan."

"Nambola ka pa!"

Bahagya siyang natawa. Alam na agad ng kaibigan niya ang kahinaan ng kapatid nito. Isang lambing lang ni Trina ay nawawala na agad ang galit nito samantalang ang kapatid niya ay seryoso pa rin habang nakatitig sa kaniya.

"Let's go to La Casa," sambit ni Kameron.

"Wait! Akala ko sabi ni Aling Elisa, limang kalalakihan ang naghahanap sa amin. Where are the others?"

"Naghiwa-hiwalay kami para hanapin kayong dalawa," tugon ni Tristan sa kapatid.

"Sino ba ang mga kasama niyo?" tanong ulit ni Trina.

"You'll know later."

Tahimik lang siya habang si Trina na ang nagtatanong sa mga ito. Muli silang bumalik sa La Casa subalit naroon na sa isip niya na baka kasama si Raven. Ngunit imposible!

Pagbalik naman nila ng La Casa ay personal din siyang kinausap ng kaniyang kapatid sa garden.

"Nagkita na kayo?" tanong ni Kameron sa kaniya.

"Oo."

"He knows about you?"

Umiling siya. "Wala akong binanggit tungkol sa akin. I just only want to see him in person. Nothing else."

"But he knows I am here. I call him before we arrive."

"Mamayang gabi ay ipagluluto ko siya ng mga specialty ko dahil nagkataon na wala ang pastry chef nila para sa linggo."

"Okay. You know that Raven is here?"

"Huh?!" Napatitig siya sa kaniyang kapatid kasabay niyon ay ang mabilis na pagtahip ng kaba sa kaniyang dibdib. Raven is here? Tama ba ang narinig ko?

"Yes. Kasama namin siya pati sina Wigo at Kaiser. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang mga lokong iyon. Mag-usap kayong dalawa."

"K-Kuya...h-hindi ka na galit kay Raven?"

"If he did something to you that against my will, ipapalibing ko na siya nang buhay. Let's go inside and I'm starving. Ang haba ng biyahe namin papunta rito."

"Kung bakit pa kasi kayo sumunod. Uuwi naman ako!"

"Just ask that to Raven." Naglakad na sila papasok.

"Si Raven? Is this his plan?"

"Oo. Tanong mo sa unggoy na iyon!"

Hindi lang kaba ang naramdaman niya kung 'di pati excitement at ewan ba niya kung bakit niya nararamdaman iyon. Isama pa na magkasama ang kapatid niya at ang binatang minsan na rin naging dahilan ng kaniyang kahungkagan.

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon