CHAPTER 1

206 7 0
                                        

AMARIS CHANDRA'S POV:

"Good morning sunshine!" Sabi ko sa sarili ko habang nag-iinat, time check 6:20 AM.

Ginawa ko na ang daily routines ko, nag-ayos ng higaan, naligo, nag-toothbrush, at nag uniform na kasi may pasok ngayon. Second Year College na ako sa kursong BSBA-BE o Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics.

Hindi pa pala ako nagpapakilala. My name is Amaris Chandra Ruiz hahaha ganda ng name ko 'no? Ang meaning ng Amaris ko ay "gift from God" at ang Chandra naman ay "goddess of the Moon" perfect na perfect sa akin hahahaha kasi I'm a Selenophile, I love moon since I was a kid.

Napapangiti ako sa tuwing lumalabas ang buwan, mahal na mahal ko ang buwan.

Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ako sa dining, naabutan ko naman sila na kumakain na, as usual ako na naman ang huling bumaba hahaha.

"Good morning mom and dad," bati ko at sabay halik sa pisngi nila.

"Good morning, too, Sweetheart" sabay nilang sagot.

Swerte kaming magkakapatid kay mom and dad, kasi kahit maraming kailangang ayusin sa negosyo namin, hindi sila nawalan ng oras sa'ming magkakapatid. At pag ramdam nila na nawawalan sila ng oras sa amin, they will find a way to make time for us.

"Good morning, kuya Aero Zeus" bati ko naman kay kuya, ang ganda ng meaning ng name niya, Aero means "air" and Zeus means "thunder".

"Good morning din, Amaris" sabay ngiti niya, nasa last year na siya ng college ang course niya ay architecture kaya five year course siya. Huwag ka, gwapo 'yang kuya ko, daming naghahabol diyan pero may isang napupusuan, shhh hahaha.

Naupo ako sa tabi ni ate Yvaine.

"Good morning ate," sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

"Good morning, too, bunso" at ginantihan ako ng ngiti.

Her name is Asta Yvaine, ang ganda din 'no. Asta means "divine strength" and Yvaine means "evening star".

Ate Yvaine was in 3rd year college and she's taking civil engineering, malapit na din siyang grumaduate, four year course. May manliligaw na 'yan hahaha bawal ng landiin. Kaya boys distansya o ambulansya.

Habang kumakain kami, nagsalita si kuya Aero, "Mom, Dad, male-late po ako ng uwi mamaya, dadaan po kasi ako ng national bookstore, may bibilhin lang po anong mga gamit para sa plates ko po." Pagpapaalam ni kuya sa kanila.

"Kuya Aero, sasabay din ako, may kailangan kasi akong bilihin para sa projects ko", biglang tugon ni ate Yvaine.

"Sige iho at iha, basta mag-iingat kayo pag-uwi mamaya ha", paalala ni dad.

Sama na rin kaya ako? Hahaha bibili lang ako ng notebooks at sign pens para may extra ako. "Hmm, mom, dad, sasabay na lang din po ako kanila kuya at ate, may bibilhin din po ako", pagpapaalam ko.

"Kung ganoon, isang kotse na lang muna ang gagamitin niyo" sabi ni mommy. "Mga anak, I am going to call you before dinner, okay? Magdi-dinner tayo sa labas" dagdag pa ni mommy.

"Opo mom and dad, thank you po", sagot naming tatlo.

"By the way, may allowance pa ba kayo?" biglang tanong ni dad, at tinignan kaming tatlo.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon