CHAPTER 31

9 0 0
                                    

ASTA YVAINE'S POV

Kasalukuyan kaming nagja-jogging ni Amaris ngayon pero dito lang din sa loob ng subdivision namin. Iniisip ko pa din kung kaninong boses yung narinig ko kahapon sa cellphone.

Naabutan pa ako nila Amaris, Paul, at kuya Aero na gigil sa pagpapaputok ng baril.

Flashback...

Pagkatapos kong magpahinga ng ilang minuto ay kinuha ko ulit ang dalawang baril at nilagyan ko ulit ito ng mga bala bago kinasa at sunod sunod ulit na nagpaputok.

Nang maubos na ang bala ay inilapag ko na ang baril sa lamesa, paglingon ko sa likod ko ay nagulat ako dahil nandoon na sila kuya Aero, Paul, at Amaris.

"Kalma, Yvaine." Sabi ni kuya Aero habang nakangiti. Nakangiti yan pero gusto ng magtanong niyan. Kung wala siguro dito si Amaris malamang tinadtad na ako ng tanong ni kuya Aero.

"Kanina pa po kayo, kuya?" Tanong ko.

"Nung mag-start ka pa lang, nandito na kami."

"Ate Yvaine, turuan mo ako, gusto ko din itry yung dalawa ang hawak na baril, paano mo ginawa iyon? 'Di ba mabigat yung baril?" Singit ni Amaris.

"Sige, tuturuan kita, isuot mo na yung mga dapat isuot." Sabi ko sa kanya, agad naman siya pumunta sa may lamesa para magsuot ng protective gear.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon