AMARIS CHANDRA'S POV
Katatapos lang namin kumain ng dinner at nagkukwentuhan na lang kami. Pumunta din pala sila tita Loisa at ang mga anak niya.
"Sweetheart, we have a gift for you" sabi ni dad.
"Dad, baka mahal na naman yan ha, sabi ko naman po sa inyo na masaya na po ako na kasama kayo ngayong birthday ko ei." Sabi ko kay daddy.
"Sweety, kalma" sabi ni mom, kaya naman ay natawa ang mga kasama namin. "Kuya Lito, please take him here. Thank you" utos ni mom kay kuya Lito.
Ilang saglit pa ay may dala ng Alpha Siberian Husky si kuya Lito. Agad akong lumapit sa aso at ni-pat ko ang ulo niya. Color Black, malaki siya. Parang crescent moon yung white niya sa noo. Lalaki siya.
Oh my! Ang cute!
Ano kayang pwedeng name.
"Siya yung napili naming gift for you, kasi may crescent moon sa noo niya. I hope nagustuhan mo" sabi ni mom.
"I love it, mom, thank you po sa inyo ni dad." Pasasalamat ko.
"What's his name?" Tanong ni kuya Aero.
"Prometheus, that's his name." Masayang sagot ko. "Prometheus, that is your name" baling ko sa aso at niyakap ito.
I will take care of you, Prometheus.
Isang oras pa ang lumipas ay nagsi-uwian na lahat ng bisita, ikinulong na muna si Prometheus dito sa may garden, papagawan ko siya ng dog house bukas.
Pumasok na din kaming pamilya sa loob ng bahay. Nauna ng umakyat sila mom, dad, ate Yvaine at kuya Aero. Nagpaiwan ako saglit dahil bubuhatin ko pa yung mga regalo na natanggap ko.
Dumiretso na din ako ng kwarto ko at inilapag sa kama ang mga regalo, hindi ko pa nabubuksan ang regalo nung mga kapatid ni Arthur.
Binuksan ko muna ang ilaw ko para maliwanag, nagpalit din muna ako ng pantulog ko bago nagsimulang buksan ang mga regalo na natanggap ko.
Una kong binuksan ang regalo ni Luan sa akin. Isang picture frame na may picture naming dalawa at isang maliit na cute na teddy bear na may naka embroid na I love you.
I love you, too, my best friend.
Sunod kong binuksan ang regalo ni Patrick na naka box din. Isang Rolex pearlmaster 39 everose gold. Ang ganda.
Ang swerte ng best friend ko sayo, pero mas swerte ako sa kuya mo HAHAHA.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.