CHAPTER 32

1 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Ano ng balita sa mga ginagawa mo, Luigi?"

"Death threats pa lang ang natatanggap nila, Loisa. At bakit ba nagmamadali kang pabagsakin iyang kapatid mo?" Tanong ko kay Loisa Ruiz Concepcion, ang kapatid ni Harry Ruiz.

"Dahil gusto ko na siyang pabagsakin! Siya yung may kasalanan kung bakit ako pinalayas ng mga magulang namin. Kung hindi niya ako sinumbong sa mama at papa, ay hindi ako mapapalayas at mahihirapan!" Galit na sabi ni Loisa.

What a poor woman.

"At hindi ba, ang magulang din namin at ang kuya ko ang bumili at nagpabagsak ng kompanya niyo? Bakit pabagal-bagal ka pa?" Tanong ni Loisa sa akin at sumimsim ng alak.

Ang totoo ay hindi pa bumabagsak ang kompanya, hawak pa din ito ng kuya Harry niya, at patuloy na tinutulungan ito.

"May oras para sa mga gusto mo, Loisa." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Boss, yung panganay at pangalawang anak ng mga Ruiz, naghahanap na sila ng impormasyon tungkol sa mga nagpapadala ng sulat at mensahe sa mga magulang niya." Report sa akin ng inuutusan kong magmatyag sa kilos ng mga Ruiz.

"Huwag kayong mabahala kay Aero at Yvaine. Walang silang malalaman sa atin." Singit naman ni Loisa.

"Wala kang alam sa mga pamangkin mo, Loisa" ngising sabi ko sa kanya. "Hindi mo alam kung anong mga kaya nilang gawin HAHAHA baka nga sa isang sampal lang sa'yo ng dalawang pamangkin mong iyon ay makatulog ka. Lalo na iyong bunso nila." Sabi ko kay Loisa. "What's her name again?"

"Amaris Chandra. What about her? I know that she is the weakest in their family."

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon