AERO ZEUS' POV
"Son, are you busy today?" Tanong ni mom sa akin.
Kasalukuyan kaming nagtatanghalian dito sa bahay. Walang pasok ngayon sila mom at dad sa company kaya naman ay nandito lang din sila.
"Wala po akong pasok ngayon..." Sagot ko. "bakit po?"
"Pwede mo ba kaming samahan ng daddy mo mamaya? Aattend kami sa party nila Mr. and Mrs. Sy, nag-open sila ng panibagong branch ng company nila." Sabi ni mom.
"Okay po" simpleng sagot ko.
"Kayo mga iha, gusto niyo bang sumama?" Tanong ni dad kanila Yvaine at Amaris.
"Hindi na po, pupunta po ako ng mall. Ingat na lang po kayo mamaya" sagot ni Yvaine.
"Pupunta po ako mamaya kay Mr. Cloud" sabi naman ni Amaris.
"Anong gagawin mo dun?" Tanong ko kay Amaris.
"Magpa-practice, kuya" masiglang sagot niya.
"Mag-ingat kayong dalawa sa pupuntahan niyo, okay?" Paalala ni dad.
"Opo" sagot nung dalawa.
May sakit ngayon si kuya Lito at hindi niya kayang ipagmaneho sila mom at dad papunta sa party mamaya, kaya siguro ako na ang isasama nila.
Mamaya pa namang ala sais ng gabi ang party nina Mr. and Mrs. Sy, kaya may oras pa kaming mag family bonding.
Dumiretso na kami sa sala nang matapos kami sa pagkain ng tanghalian.
Naghanap agad si Yvaine ng panonoorin naming pamilya. Ipi-play na niya sana ang napiling movie nang biglang dumating si tita Loisa.
Si tita Loisa lang, wala si Coreen, mas okay na din yun kaysa magkagulo na naman sa pagitan ni Yvaine at Coreen.
Hindi pa nga ako makamove on sa pagsampal ni Yvaine kay Coreen noon eh.
"Good afternoon kuya Harry, Jen" bati ni tita Loisa.
"What do you need, Loisa?" Tanong ni dad kay tita na ikinagulat naming magkakapatid.
Hindi siya ganyan kay tita Loisa.
"Ilang linggo na ang nakalipas, kuya Harry, please, patawarin niyo na si Coreen." Pakiusap ni tita Loisa.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Krótkie OpowiadaniaStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.