AERO ZEUS' POV
Anong oras na din kami nakatulog kagabi, kasi dalawang movie din ang pinanood namin.
Pagtapos pa ng isang movie, nakipag kwentuhan at kulitan pa kami kanila mom at dad.
And today, ang plano namin ay pupunta kami ng company namin, may importante daw kasing sasabihin sila mom at dad sa lahat na nandoon at may party rin daw kaya sinabihan nila kami na mag formal attire.
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko, maaga akong nagising, sila Amaris at Yvaine naman ay nasa room pa nila mom at dad, natutulog pa.
Hapon pa naman daw ang party pero isasama daw nila kaming magkakapatid mamayang tanghali.
[Good morning, mahal] bati ko kay Alexandra nang sagutin niya ang tawag ko.
[Good morning, too. How are you?] Tanong niya.
[Ayos lang, magiging busy ako mamaya, pupunta kami ng buong family sa company, I will update you later. Ikaw kamusta ka na diyan?]
[I'm fine, mahal, just resting bago ako umuwi diyan sa Friday.]
[I can't wait to see you, I miss you so much] sabi ko.
[I miss you, too, Mahal. See you on Friday, okay?] Paalala niya. Susunduin ko kasi siya sa airport.
[Okay, see you. I love you]
[Mag prepare ka na diyan, update me later, I love you, too. Bye]
Binaba niya na ang tawag, excited na akong makita siya. Miss na miss ko na ang girlfriend ko.
Papasok na sana ako ng banyo para maligo nang biglang may tumawag sa cellphone ko, akala ko si Alexandra, nang tinignan ko kung sino ang caller si Paul pala. Kaya naman ay sinagot ko na agad 'to.
[Good morning, bro] panimula ni Paul.
[Good morning din, bro] bati ko pabalik.
[Nandyan ba si Amaris? Hindi kasi siya sumasagot sa calls and texts ko, simula kagabi eh.] Tanong niya.
[Tulog pa bro, nandoon kami natulog kanila mom at dad kagabi, nag family bonding. Baka naiwan niya yung phone niya sa kwarto niya. Sasabihan ko na lang siya mamaya.] Sagot ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.