AMARIS CHANDRA'S POV
Matapos ang nangyari kaninang umaga ay masaya akong pumasok ng school. Parang ayoko na ding ialis ang aking paningin sa diamond ring na nasa daliri ko.
Nasa last subject na kami ngayong araw. Pinaalala din sa amin kanina nina Leslie at Margareth ang tungkol sa dinner mamaya sa bahay ni Ms. Athena.
Muntik ko na din makalimutan iyon dahil para parin akong lumulutang sa sobrang saya. Kinikilig din si Luan habang kinukwento ko sa kanya ang mga ganap kanina.
Masaya na ako sa ganoong proposal niya, hindi man magarbo at napakasimple lang, ayos na ako doon, basta tapat yung pagmamahal niya sa akin.
Ilang minuto pa ay nagdismissed na kaya naman ay tinawagan ko na muna si kuya Aero bago kami lumabas ni Luan ng classroom.
Ilang segundong ring ay sinagot na din ni kuya Aero ang phone niya.
[What's up, bunso the future mrs. Rodriguez? HAHAHA] Bungad na panunukso ni kuya Aero.
[Nasa bahay ka na kuya?]
[Pauwi pa lang, pauwi na din ba kayo ng ate Yvaine mo?] Tanong ni kuya Aero.
[Kadi-dismissed lang po ng prof namin kuya Aero. Wait mo na lang kami sa bahay, magprepare kana po.] Paalala ko kay kuya.
[Oh sige. Ingat kayo pag-uwi, bunso ha]
[Opo kuya Aero. Bye]
Pagkapaalam ko ay agad niya ng binaba ang tawag kaya lumabas na kami ni Luan ng classroom. Paglabas namin ay nandoon na si Patrick at nag-aantay, sakto din na dumating sila ate Yvaine at kuya Melvin.
Nagpaalam na sa amin sina Luan at Patrick dahil magdedate pa daw sila, ganoon na din si kuya Melvin na didiretso sa company nila, kaya dalawa na lang kami ni ate Yvaine.
"Bunso" tawag sa akin ni ate Yvaine nang makasakay kaming pareho sa mga motor namin.
"Bakit po ate?" Tanong ko sa kanya.
"Race tayo pauwi? Maluwag ang kalsada ngayon" aya ni ate Yvaine sa akin.
"Sige po" nung sumang-ayon na ako ay agad na nag bilang si ate Yvaine.
"Three"
"Two"
"One!"
Nag-umpisa kaming magkarera ni ate Yvaine hanggang sa makauwi kami sa bahay.
"Sa susunod doon tayo mag-race sa Carmona Racing Circuit sa may Carmona, Cavite." Masayang sabi ni ate Yvaine.
Panalo siya sa first race namin. Inaamin ko medyo takot pa ako dahil may mga sasakyan pa din kahit na maluwag ang kalsada.
"Sige po ate" simple kong sagot.
Pumasok na kami sa bahay ng makapagpark na kami ng motor, naabutan na namin si kuya Aero na nagmemeryenda sa sala habang nanonood ng TV.
"Magbihis na kayo doon at magprepare, tapos meryenda muna kayo, bago tayo umalis, medyo maaga pa naman." Sabi sa amin ni kuya Aero.
"Malapit lang naman ang village kung saan nakatira si Ms. Athena dito, kuya. Sa kasunod ng village lang siya nila Paul. 'Di ba ang kanila Paul ay Brittany Executive Village, yung kanila Ms. Athena naman ay sa Geneva Gardens Village." Paliwanag ko kay kuya Aero.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.