CHAPTER 55

7 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

"Iho, ikaw pala, sabayan mo na kami kumain." Sabi ni dad habang nakatingin sa likuran namin nila ate Yvaine at kuya Aero.

Napalingon kami nila ate at kuya para tignan kung sino ang bisita.

Paul Aries.

"Good morning po tito at tita" bati ni Paul saka nagmano kanila mom at dad.

"Sabi ko mommy na lang itawag mo sa akin at daddy na lang sa asawa ko." Sabi ni mom kay Paul. Bumaling naman siya kay dad. "'Di ba hon?"

"Tama, doon na din naman ang punta nun" sabi ni dad saka siya tumawa.

Umupo naman sa tabi ko si Paul gaya ng kinagawian nag-move si ate Yvaine para pagtabihin na naman kami ni Paul.

"Bro, ang aga mo ata? Wala naman tayong pasok." Tanong ni kuya Aero.

"Morning bro, may pasok ako, isasama ko si Amaris." Sagot ni Paul.

Loko 'to, isasama pa ako sa company nila. Anong gagawin ko dun?

"Gagawin niyo dun?" Tanong ni ate Yvaine.

"Morning Asta, may mga ipapakita lang ako sa kanya." Sagot ni Paul kay ate.

"Kain ka na" simpleng sabi ko.

"Good morning love, tapos na ako kumain." Bulong niya.

"Good morning din. Coffee ka na lang" sabi ko sa kanya, sumang-ayon naman siya kaya naman ay tumayo ako para pag-timplahan siya ng kape.

Nang matapos akong magtimpla ay bumalik na ulit ako sa upuan na nasa tabi ni Paul at kuya Aero.

"Ano yung mga ipapakita mo, Polaris?" Tanong ko.

"Mga designs, my moon." Sagot niya saka humigop ng kape. "Thank you sa kape."

"You're always welcome" sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain.

Magpapalit na lang naman ako ng damit dahil nakaligo na ako bago kumain.

---------

"Good morning po sir at ma'am" bati nung guard ng company nila.

"Good morning din po" sabay na bati namin ni Paul.

Dumiretso na kaming dalawa sa elevator. Nasa third floor pa kasi yung office niya.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon