CHAPTER 68

7 0 0
                                    

⚠WARNING: CONTAIN FOUL AND/OR PROFANE WORDS!

PAUL ARIES' POV

I was shocked when we saw the woman I love holding two guns na nakatutok kay Luigi Cruz at sa tita Loisa nila.

May tama na ng bala si Luigi Cruz sa braso niya.

"Ibaba mo ang mga baril mo, bunso" mahinahong pakiusap ni Yvaine.

Hindi pa din nakikinig si Amaris sa kanya.

"Amaris Chandra!" Sigaw ni Aero. Halatang galit na si Aero.

"Love, please, put down your guns, may mga pulis kaming kasama, ipaubaya mo na sila sa kanila" pakiusap ko.

"So, pumunta kayo dito para pigilan ako?..." Tanong ni Amaris sa amin saka siya tumawa na ikinagulat namin. Lumingon siya sa amin "...dapat di na lang kayo pumunta, dahil hindi ko kayo papakinggan"

Pagkasabi niya nun ay pinaputok niya ng dalawang beses ang baril niya, tinamaan sa dalawang binti si Luigi na papatakas na sana.

"Isang maling galaw mo diyan, tita Loisa, mapuputulan ka din ng mga paa" pagbabanta ni Amaris habang nakaharap pa din sa amin.

"Bunso, tama na please" pakiusap ulit ni Yvaine.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, ate Yvaine?" Tanong ni Amaris. "Alam mo naman 'di ba? Doon pa lang sa hospital, sinabi kong hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisya sina mom dad! Mahirap bang intindihin yun?! Bakit niyo ako pinipigilan ngayon?!"

"Tama na, Amaris Chandra! Hindi 'to magugustuhan nila mom at dad! Tumigil ka na!" Pagpapatigil ni Aero sa kanya.

*BANG*

Nagpakawala na naman siya ng isang bala at tinamaan sa binti ang tita Loisa nila.

Hinarap niya na ulit sina Luigi at tita Loisa.

"'Di ba sinabi ko sa'yo na isang maling galaw mo diyan, tatamaan ka." Inis na sabi ni Amaris kay tita Loisa. "At saka tita, payong kamag-anak, kung kukuha ka na lang ng magpapatumba sa akin, siguraduhin mong hindi ko sila kilala o yung pinaka-amo nila, hirap kasi akong magdesisyon kung patatakasin ko sila o bubugbugin ko na lang eh. Tinutulad mo sila sayo na nagiging traydor sa amo nila. Tss."

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon