CHAPTER 11

14 1 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

Good morning! Kasalukuyan akong kumakain ngayon kasama ang pamilya ko. 5:30 AM pa lang naman pero may meeting kasi sila mom and dad sa company namin at may pasok na kami ngayon nila ate at kuya.

"Oh bunso anong gagamiting sasakyan ngayon? Kotse o Motor?" Ngising tanong sa akin ni ate. Tumingin naman sa akin sila mom, dad, at kuya.

"Yung motor po, ate Yvaine." Sagot ko kay ate at ngumiti. Bumuntong-hininga si mom kaya napatingin ako sa kanya.

"Mga anak ko, gusto kong mag-ingat kayo sa pagmamaneho ninyo ha. Ayokong madisgrasya kayo." Paalala sa amin ni mom. Sabay-sabay naman kaming tumango.

"Ikaw son, ayaw mo pa bang mag motor?" Tanong naman ni dad kay kuya Aero. Ngumiti naman si kuya Aero kay daddy.

"Actually dad, malapit ko na mabili yung katulad ng motor ni Chandra, kulay gray nga lang po ang akin." Sagot naman ni kuya. Sa aming tatlo siya ang ayaw manghingi kay dad at mom.

"Bakit hindi ka na lang nagsabi sa amin, son?" Tanong ulit ni dad.

"It's okay dad, binigyan niyo na nga po ako ng kotse ei, this time po ako naman po ang bibili ng motor ko." Ngiting saad ni kuya. "Thank you dad and mom." Pahabol pa ni kuya.

Nginitian na lang siya nila mom and dad. Nang matapos na kami kumain ay kinuha na namin nila ate at kuya ang mga bag namin at sabay-sabay na kaming pumunta ng garahe. May bumusina naman mula sa labas.

Binuksan na ang gate para sa paglabas ng kotse nila mom and dad. Nakita ko na din na nakaabang na si Paul sa labas dala ang kanyang motor.

Sinuot ko na ang helmet ko na light blue din ang kulay. Sumakay na din ako sa motor ko. Nakasakay na din sila ate at kuya sa mga sasakyan nila. Unang nagpaandar si kuya Aero at inilabas niya na ito ng garahe.

Sabay naman kami ni ate Yvaine na nagstart ng motor. Nauna na siyang lumabas sa akin kaya sumunod na ako.

Nakasunod lang sa akin si Paul habang nakasunod naman ako kanila ate at kuya. Mabagal pa din ang takbo namin dahil nandito pa kami sa loob ng village.

Ilang minuto pa ay nakalabas na kami ng village, agad nagpatakbo ng mabilis si kuya Aero, sumunod naman si ate Yvaine, pinantayan naman ako ni Paul. Tumango lang siya kaya pinaharurot ko na din ang baby moon ko hahaha yun na yung pangalan ng motor ko. Sumunod din naman sa akin si Paul.

Mabilis kaming nakarating sa school. Sumalubong naman sa amin sila Luan, ate Alex, at Patrick. Wala naman si kuya Melvin, baka nauna na ito sa classroom nila ate.

"Hi Bab, ganda ng OOTD mo ngayon ah." Bati sa akin ni Luan bago siya lumapit at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

Ang soot ko kasi ngayon ay high-waisted na jeans, sando na makapal na pinatungan ko ng denim na jacket na faded na ang kulay, at yung black leather boots na binigay ni ate. Nakahalf lang din ang tali ng buhok ko at nakaladlad na ang kalahati dahil nga nagsusuot ako ng helmet.

"Magsipasok na tayo malapit ng magtime." Sabi naman ni kuya Aero, kaya naman lumakad na kami papasok ng school.

"Paul at Patrick, huwag niyo na kaming ihatid ni Luan, baka ma-late kayo sa klase niyo." Sabi ko sa magkapatid na sinang-ayunan naman ni Luan.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon