April 04
AMARIS CHANDRA'S POVBukas na ang 22nd Birthday ko, kasalukuyan kaming nandito sa Galaxium library, nagre-review para sa darating na exam sa Wednesday at Thursday.
Nagtalo pa kami ni Paul nung Friday. Hindi siya nakasama sa gun firing namin, naiintindihan ko naman ei, kaso nung pinuntahan ko siya sa office niya sa Company nila, naabutan ko silang dalawa ng pinsan ko, ate Coreen.
Unang-una kitang-kita ko kung paano hinawakan ni ate Coreen ang kamay ni Paul, pangalawa, hindi sinabi ni Paul sa akin na nandoon yung pinsan ko. Pangatlo, ang ugaling ipinakita sa akin ni ate Coreen.
Bwisit siya.
FLASHBACK...
Tumikhim ako ng makita kong hawak ni ate Coreen yung kamay ni Paul. Sabay silang lumingon sa akin at parehong nagulat, tinignan ko lang sila at hindi na ako nagsalita.
"L-love, hindi iyon tulad ng iniisip mo" sabi sa akin ni Paul.
Tinignan ko si ate Coreen mula sa peripheral view ko. Nakangisi siya sa akin ngayon na hindi ko ikinatuwa.
Hinarap ko siya at nginitian, nakita ko ang ID na nakasabit sa kanya. Really? Abogado na siya? Well, congrats, hindi na siya magtatagal.
"Anong ginagawa mo dito, ate Coreen? Tanong ko sa kanya.
" Yung isang board member kasi nila, kinailangan ako. First client ko." Sagot niya.
"Wow, congrats, pero hindi si Paul ang board member na kliyente mo, so ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng may halong sarkasmo.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Storie breviStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.