Maaga akong gumising para magjogging muna dito sa loob ng village. Nagsuot lang ako ng jogging pants at sports bra at pinatungan ko ng jacket na black. Nagsuot lang din ako ng running shoes yung brooks levitate 4 ko na kulay black.
Binitbit ko na ang cellphone ko at kinonek ko na ito sa earpods ko pagkatapos ay nilagay ko na ang cellphone sa bulsa ng pants ko.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, 5am pa lang kasi baka tulog pa sila. Dahan-dahan din akong bumaba ng hagdan at pumunta muna sa kusina para uminom ng kape.
Kakagising lang ni nanay Meg at halatang nagulat pa sa akin.
"Good morning 'nay" masayang bati ko sa kanya.
"Good morning din 'nak" bati niya din sakin. "Maaga pa ah, maaga ba ang pasok mo?" Tanong ni nanay.
Humigop muna ako ng kape bago ako sumagot sa kanya. "Mamaya pa pong 1 pm ang pasok ko po 'nay, magdya-jogging lang po muna ako ngayong umaga." Sabi ko bago inubos ang kape ko.
"Oh sige, sasabihan ko na lang ang mommy at daddy mo" sabi niya pa at nag-umpisa na siyang magluto ng almusal.
"Dito na po ako 'nay, bye" paalam ko.
"Ingat ka" paalala niya.
Lumabas na ako ng bahay, nakita ko rin si ate Nina na pinagbuksan ako ng gate namin. Nginitian ko na lang siya.
Nagplay na ako ng music mula sa cellphone ko at ibinulsa ko na ulit ito bago nagsimulang magjogging.
Isang oras ang nakalipas, inikot ko lang ang buong subdivision at tumambay dito sa may parke. May nakita akong dalawang babae na alam kong mas bata sa akin na nagbabadminton.
Napansin ata nung isa na tumingin ako, agad niyang sinabihan ang kasama niya at lumingon din ito sa akin. Nagulat ako ng ngumiti sila kaya ngumiti na lang din ako.
Mas nagulat ako ng lumapit silang dalawa sa akin. "Hi po ate, ako nga po pala si Leslie, siya naman po ang kapatid kong si Margareth." Pagpapakilala niya sa akin. "Ano pong pangalan mo?" Tanong sa akin ni Leslie.
"Amaris Chandra, bahala na kayo kung anong gusto niyong itawag sa akin." Sabi ko sa kanila sabay ngiti.
"Ate Chandra, matagal na po kayo dito nakatira? Kami po kasi bago lang po dito, last month lang po." Tanong ni Margareth.
"Oo, dito na kami pinanganak ng ate at kuya ko." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
ContoStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.