LUAN VEGA'S POV
Hello guys, I'm Luan Vega Cortez, 21 years old, mula sa sinapupunan ng nanay ko hahaha at nagmula sa puso ni Patrick hahaha cHAROT. Mahilig akong magshopping, pero hindi naman sobra-sobra, nililimitahan ko din ang sarili ko. Ako lang naman ang nag-iisang best friend ng selenophile na si Amaris Chandra, kapatid ko na ito ei.
9 AM na, kasalukuyan kaming nandito sa classroom ni Amaris, at nagsasagot na kami ng pangatlong subject. Nasagutan na namin kanina yung Philippine History at yung PE namin.
Minsan ay sinusulyapan ko si Amaris.
Nakasalpak pa rin ang earphone niya mula kanina sa unang subject ng exam.Last day na ng exam namin today, makakapagpahinga na kami mamaya, next week naman ay clearance week namin, recognition naman namin sa April 23.
Running for highest honor si Amaris, at sunod naman ako sa kanya. Pero lahat kaming magkakaklase ay aakyat ng stage.
Kumuha ako ng kisses chocolate sa bag ko. Inabutan ko ng sampung piraso si Amaris, kaya nilingon niya ako. Naubos na kasi namin kanina yung M&M na binili nila kahapon hahaha.
"Thank you bab." Pabulong na sabi niya. Tinanguan ko na lang siya at pinagpatuloy ko ang pagsasagot ng exam. At dahil Behavioral Science ang sinasagutan namin ngayon ay mabilis lang akong natapos.
Sumulyap ulit ako kay Amaris at nakasandal na siya sa upuan niya. Nakatanggal na ang isa niyang earpiece. Kanina pa ba siya tapos? Napakabilis hahaha.
Tumayo si Mrs. Santiago at kinolekta na ang mga test papers namin. Isang subject na lang ang natitira at yun ay ang Pagbasa at Pagsulat ni Mrs.Orpiano. Nang makolekta na lahat ni Mrs. Santiago ang mga test paper namin ay bumalik na siya sa table niya at kinuha naman ang test paper sa Oral Business Communication para ipamigay na ito sa amin at masagutan.
Ano kayang magandang gawin mamayang uwian. Kahapon kasi ay kumain kami sa mall, nanood ng sine, nag shopping, at naglaro. Ginabi na nga kami ng uwi ei. Buti na lang at nagpaalam ako kanila mom at dad.
"Bab, tara sa bahay niyo mamaya, movie marathon." Bulong kong sabi kay Amaris. Tumango-tango naman siya habang nakangiti. Sinuot niya na ulit ang isa niyang earpiece, nang mabigyan na siya ng test paper.
Binigyan na ako ni Mrs. Santiago ng test paper sa Oral Business Communication. Ugali ko nang basahin muna ang mga tanong bago ako magsagot ng tuloy-tuloy. Para sa akin kasi mas mapapabilis pag ganoon. Sinalpak ko na ulit ang earphone ko sa tenga ko at pinatugtog ang playlist ng December Avenue.
Nag-umpisa na ako sa pagsasagot ng exam namin. Tinignan ko naman si Amaris, tinitignan niya pa ang test paper niya. Nag-focus na ako sa test paper ko.
Hanggang 11:30 AM lang ang pasok namin ngayon dahil tatlong exam lang naman. Doon na kami magla-lunch kanila Amaris mamaya. Diretso uwian na kasi pagkatapos ng exam namin na ito.
Dumaan ang 30 minutes ay nasa pang number 50 na ako. Nahinto lang ako dahil essay ito.
Iniksian ko na lang ang sagot ko para mabilis kong matapos ang exam, over 100 kaya ito. Nag proceed na ako iba pang questions.
Ilang minuto pa ay natapos na ako. Nakangiti akong tumingin kay Amaris, pero nakayuko na siya at wala na ang papel niya sa kanya. Nakapagpasa na siya? Anong oras na naman kaya ito gumising kaninang umaga para magreview? Ako naman kasi dito na ako nagrereview sa school ei.
Tumayo na ako at pinasa ang huling exam ko. Pagbalik ko sa upuan ko ay yumuko na din ako. Naka-earphone pa din ako at nakikinig ng music. Ipinikit ko muna ang mga mata ko. May 25 minutes pa para matulog. Ilang saglit pa ay nakuha ko na ang tulog ko.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Historia CortaStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.