⚠WARNING: CONTAIN FOUL AND/OR PROFANE WORDS!
ASTA YVAINE'S POV
"Kuya Aero, nakita niyo po ba si Amaris?" Tanong ko kay kuya.
"Hindi, Yvaine, kakalabas ko lang ng kwarto ko. Akala ko nga ay magkakasama kayo" sagot ni kuya Aero sa akin. "Hinanap mo na ba? Sa kwarto niya o kaya sa likod? Or try to ask Paul"
"Wala siya sa kwarto niya... Tinanong ko na din si Paul, pero hindi rin daw niya alam"
"Try to call her, Yvaine" nag-aalalang utos ni kuya Aero.
Agad kong kinuha ang phone ko mula sa bulsa ko at ni-dial ko ang number ni Amaris, pero out of coverage ito.
Umiling-iling ako kay kuya Aero na tanda ng hindi macontact ang bunso naming kapatid.
"Hi kuya Aero at ate Yvaine" tinig ng isang binatilyo.
Sabay kaming napalingon ni kuya Aero sa likod namin.
Si Migo.
"Hi Migo, nakita mo ba si ate Amaris mo?" Tanong ko.
"Umalis po siya, ate Yvaine" sagot nito.
"Saan siya pumunta?" Tanong ni kuya Aero kay Migo.
"Bibili daw po siya ng ice cream, kuya Aero" sagot ni Migo. Nakahinga kami ng maluwag ni kuya Aero dahil sa nalaman namin. "By the way, kuya Aero, how are you na po?"
"I'm fine...tara na punta na tayo sa likod" sagot ni kuya.
Sabay na kaming tatlo bumalik sa likod, dumadami ang bisita. Ngayon na kasi ang huling araw ng burol nila mom at dad.
"Yvaine, Aero, nahanap niyo na si Amaris?" Bungad na tanong ni Paul.
Bakas sa mukha ni Paul ang pag-aalala sa kapatid namin.
"Umalis, may binili lang daw" sagot ko.
Napahawak pa sa dibdib si Paul nang malaman niyang ayos lang si Amaris.
Habang inaantay namin na makauwi si Amaris ay tumulong na lang kami kay nanay Meg na mag-asikaso sa mga bisita.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.