AMARIS CHANDRA'S POV
Naiuwi na dito sa bahay ang bangkay nila mom at dad, sa likod ng bahay sila ibinurol sa may gazebo, dahil doon yung favorite place nilang dalawa.
Pinatayuan ng tent sa tapat ng gazebo para hindi mainitan ang mga taong bibisita kanila mom at dad.
Si kuya Aero naman ay nagkamalay na din kaninang madaling araw pero nanghihina pa din siya. Si ate Yvaine na ang nagpresintang magbantay kay kuya.
Kasalukuyan akong nandito sa banyo ng kwarto ko para makaligo at makapagpalit na ng damit.
Inilubog ko kaagad ang katawan ko sa bathtub at ipinikit ko ang mga mata ko. Sa pagpikit na ginawa ko, nakita ko ang ngiti nila mom at dad nung magkakasama lang kami kanina sa living area.
Mas pinili ko na lang pumikit dahil doon ko lang nakikita sila mom at dad na tumatawa.
*knock* *knock* *knock*
"'Nak, halika na kumain ka na, hindi ka na kumain kagabi, baka magkasakit ka" tinig ni nanay Meg mula sa pintuan ng banyo ko.
Minulat ko ang mga mata ko, di ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
"Ayoko po kumain, 'nay" sagot ko.
"Hindi magugustuhan ng mommy at daddy mo na hindi ka kumakain, 'nak. Tapusin mo na ang pagligo, sasabayan ka naming kumain." Litanya ni nanay.
"Susunod na po ako" sagot ko na lang dahil alam kong hindi niya ako titigilan hanggat hindi ako nakain.
"May bisita ka din, tatlo sila, dalawang babae at isang lalaki, nasa sala sila." sabi ni nanay Meg.
"Sige po" maikling tugon ko.
Narinig ko ang yabag ni nanay Meg na paalis na ng kwarto ko. Kaya naman ay minadali ko na ang pagligo ko at tuluyan ng nagbihis.
Itim na statement shirt at maong shorts lang ang sinuot ko. Lumabas na ako ng banyo at inayos na ang buhok ko.
Hindi na ako nag abala na mag dryer pa, pinunasan ko lang ito at hinayan ko na lang bumagsak ang buhok ko.
Dumiretso na ako sa sala, dahil nandoon daw ang bisita ko.
"Condolence Amaris, nasabi sa akin ni Luan ang nangyari." wika ni Arthur.
"Condolence, ate" sabay na sabi nina Margareth at Leslie.
Lumapit sina Margareth at Leslie sa akin saka nila ako niyakap ng mahigpit. Nung binitawan nila ako ay tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanila.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko.
"Tapos na kami, kumain ka na muna, doon muna kami sa likod" sagot ni Arthur.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.