AMARIS CHANDRA'S POV
Natatawa pa din ako kapag naaalala ko ang hitsura kahapon ni tita Loisa, galit na galit siya, nung sinabi ko sa kanya na alam na namin lahat.
FLASHBACK...
Napansin kong lumayo si tita Loisa at may tinawagan. Kanina ko pa siya napapansing type ng type sa cellphone niya.
Something Emergency huh?
Nung lumingon siya sa akin ay agad akong sumunod sa kanya. Pagkalapit ko ay agad niyang ibinaba ang cellphone niya.
"Oh tita, bakit parang takot na takot ka naman sa akin? ako lang ito, yung pamangkin mo." Sabi ko sa kanya.
"A-ah wala Amaris, may tinawagan lang akong tao sa bahay, tinatanong ko kasi kung nakauwi na ang mga bata." Palusot niya.
"Tita, hindi mo naman ng kailangan itago pa sa amin yan nila ate at kuya" mariing sabi ko.
"W-wala naman akong sikreto" pagtatago niya pa din.
Alam na namin lahat, magsisinungaling ka pa.
"Luigi Cruz" banggit ko sa pangalan ng tatay ni Arthur.
"W-who's that?" Tanong niya kaya napangisi naman ako.
"Subukan niyong galawin ulit ang pamilya ko, tita. It's either, sasabihin ko sa mga anak mo yung mga sikreto mong pagbabanta sa buhay namin o idadamay ko na lang ang mga anak mo." Pagbabanta ko sa kanya habang nakangiti. Tinalikuran na niya ako. "Choose wisely tita"

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.