ARTHUR CRUZ'S POV
Pinagmamasdan ko lang si Amaris at Luan. Buti na lang ay mabilis umayos ang pakiramdam ni Amaris. Bakit kaya siya nagkasakit?
Matapos magring ng bell ay dumiretso na ako sa mga kapatid ko. Sinundo ko sila dahil idederetso ko na sila sa bahay ni tita Athena. Doon muna sila para hindi sila madamay sa gulo ni papa.
Nang makauwi ako sa bahay at pagbukas ko ng pinto ay si papa agad ang bumungad sa akin. Nilapag ko saglit ang gamit ko at hinarap ko siya.
"Saan ang mga kapatid mo? Saan mo dinala ang mga kapatid mo?" Mahinahong tanong ni papa.
"Doon muna sila kay tita Athena." Sagot ko.
"Bakit mo sila dinala doon?" Tanong pa niya.
"Ayaw mo nun, hindi nila makikita at malalaman yung mga masasamang plano at gagawin mo?" Sagot ko sa kanya habang ang tingin ko ay diretso sa mga mata niya.
Agad kong nabasa ang galit sa mga mata niya. Lagi ko ng inihahanda yung sarili ko sa mga sapak at sampal niya tuwing nandito ako sa bahay.
"Sinisira mo ang pamilya natin, Arthur. Sumusuway ka na sa akin. Sa mga kalaban ka pa kumakampi." Paninisi niya sa akin.
"Hindi ako yung sumisira ng pamilya natin, pa. Hindi din ang mga Ruiz. Ikaw, ikaw ang sumisira sa maayos nating pamilya." Pagkasabi ko nun ay bigla akong sinampal ni papa.
Napangisi pa ako dahil sa ginawa niya. Tinalikuran niya ako at maglalakad na sana siya ulit pabalik sa office room niya...
"Nga pala, pa, ingat na lang kayo sa mga pinaplano niyo. Kung ako sa inyo, titigilan ko na. Pinapahamak niyo lang yung sarili niyo. Hindi niyo kilala yung magkakapatid na Ruiz." Paalala ko sa kanya.
"Bakit, nilaglag mo na ba ang sarili mong ama?" Tanong sa akin ni papa.
"Ilaglag ko man kayo o hindi, mabilis nila kayong makikilala." Sagot ko. "At saka next next week na ang birthday nila Leslie at Margareth, baka nakakalimutan mo na dahil diyan sa mga walang kwenta niyong mga plano, doon sila kay tita Athena magcecelebrate ng birthday nila, bahala ka na kung pupunta ka o hindi." Dagdag ko pa bago ko bitbitin ang gamit ko at tuluyang lumabas ng bahay at sumakay ng kotse, pupunta ako kanila tita Athena ngayon, doon muna ako matutulog.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.