AMARIS CHANDRA'S POV
Hinila namin ni ate Yvaine si ate Coreen papunta kahit saan para lang magawa ang plano namin. Dinadaldal ko lang si ate Coreen habang si ate Yvaine ay nasa likod namin at minimessage sila kuya Aero, kuya Melvin, Paul, at si Parker na kukuha ng phone ni tita Loisa, kapag tumawag kami.
"Ate Coreen, may load ka? Tawagan mo nga po sila mom at tita Loisa, kung anong gusto nilang food? Hindi kasi sumasagot si mom eh, nakasilent ata phone niya." Pakisuyo ko kay ate Coreen.
"Hindi ako nakapagpaload, Amaris" sagot ni ate Coreen. "Bigay ko na lang yung number ni mama tapos kayo na lang tumawag." Suhestyon ni ate Coreen na agad naman naming sinang-ayunan.
Binigay ni ate Coreen ang number ni tita Loisa sa akin. Kaya agad ko itong kinontak. Nakita ko naman na nagpipindot si ate Yvaine, marahil ay sinabihan niya si Parker.
Ilang sandali pa ay sinagot na ni tita Loisa ang tawag ko.
[Hello tita? Si Amaris po ito, ano pong gusto niyong food?] Tanong ko.
[Kayo na ang bahala, pamangkin] sagot ni tita Loisa.
[Sige po tita, sa may subway na lang po kami bibili.] Sabi ko pa.
Sasagot pa sana si tita Loisa ng marinig ko ang pagsigaw nila ni mom at narinig ko rin ang pagtakbo ng kumuha.
[Nakuha ko na, Amaris] boses ni Parker.
[Sige po, bye] sagot ko para hindi halata na hindi si tita Loisa ang kausap ko.
Binaba ko na ang cellphone ko ay sinenyasan si ate Yvaine na success ang plano.
Nagtitipa pa din si ate Yvaine sa cellphone niya at inaalam ang ganap sa mga kasamahan namin.
"Tara na mga ate, sa subway tayo bibili ng food." Aya ko kanila ate Yvaine at ate Coreen.
Nang makarating kami sa subway ay agad na kaming pumila para umorder ng kakainin namin.
"Ano sa inyo mga ate? Pati kay tita Loisa?" Tanong ko pa.
"Chicken slice yung akin, bunso. Thank you" sagot ni ate Yvaine.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.