AMARIS CHANDRA'S POV
NANDITO kami ngayon sa grocery sa kabilang kanto, kasama ko si Paul at si kuya Aero
"Chandra, huwag ka ng magtangkang kumuha ng chocolates, marami pang chocolates doon." Paalala sa akin ni kuya nang tumapat ako sa chocolates section ng grocery.
Nakasunod lang silang dalawa sa akin, si Paul ang may bitbit ng basket. Nagkwekwentuhan sila.
Kumuha ako ng wiggles na isang balot at inilagay iyon sa basket. Nakakuha na ako kanina ng tatlong malalaking chichirya.
"Kuya nandoon pa yung Rootbeer, 'di ba?" Tanong ko kay kuya Aero. Tumango naman siya sa akin.
Dumiretso naman ako sa biscuits, kumuha ako ng isang balot ng Cream-O na chocolate flavor.
Kumuha din ako ng isang garapong stick-O hahaha si kuya Aero naman ang magbabayad ei.
"Okay na yan kuya Aero, tara na sa counter para makapagbayad ka na." Ngisi kong sabi sa kanya. Napalingon naman siya sa akin kaya tinawanan ko siya.
"Naisahan mo ako dun ah, akala ko nagpapasama ka lang sa akin." Sabi sa akin ni kuya. Nagpipigil ng tawa naman si Paul.
Pina-scan na namin lahat ng kinuha ko at nagbayad na si kuya Aero.
Lumabas na kami ng grocery at naglalakad na kami pauwi.
"Doon ba sila magdidinner bro?" Tanong ni Paul kay kuya Aero at tinutukoy sila tita Loisa.
"Oo yata, bro. Baka sa kabilang dining tayong anim kakain ngayong dinner, hindi tayo kasya doon ei sampuan lang iyon. Ayaw naman naming hindi kayo ka sabay." Paliwanag ni kuya Aero. "Hindi ba, Chandra?" Baling sa akin ni kuya. Kailangan talaga ako isingit?
Tango at ngiti na lang ang sagot ko. Ilang saglit pa ay nakauwi na kami. Hindi namin nakita sila Luan at Patrick sa sala dahil nandoon sila mom at dad kasama ang pamilya Concepcion.
Lumabas naman galing kusina si ate Yvaine na may hawak na pangsapin sa mesa.
"Ate Yvaine" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon at pinasunod kami kung saan siya papunta.
Naabutan namin sila Patrick at Luan na masayang nag-uusap.
"Ehem!" Tikhim ko kaya sabay silang napalingon sa amin. Nginisihan naman namin yung nagliligawan.
Binaba na muna ni kuya Aero ang pinamili namin sa isang kahoy na upuan sa loob ng dining.
Isa-isa ng ipinatong ni ate Yvaine ang ang sampung table mat. Pumasok naman sila ate Cheska at ate Nina para iayos na ang mga plato, kubyertos, at mga baso.
Nang maayos na nila ay sumama na muna ako papuntang sala. Nandoon pa din sila, seryosong nagkwekwentuhan. Nagtago muna ako sa tabi dahil si Paul ang pinag-uusapan nila.
"Kuya Larry, Jen gusto ko ang panganay na Rodriguez para kay Coreen, hindi niyo ba pwedeng kausapin si Amaris? Malayo ang edad nila sa isa't isa." Pakiusap ni tita Loisa kanila mom at dad.
Bakit niya ba kasi pinipilit? Bakit niya ba kami pinapakialaman? Sisingit na sana ako sa usapan nila nang biglang nagsalita si ate Coreen kaya nanatili akong nakatago at nakikinig sa isang sulok.
![](https://img.wattpad.com/cover/263380528-288-k741447.jpg)
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.