⚠WARNING: CONTAIN FOUL AND/OR PROFANE WORDS!
AMARIS CHANDRA'S POV
"Kuya Leon, nasaan sila?" Tanong ko sa tauhan ni kuya Alberto.
"Nasa third floor po, Ms. Chandra" sagot ni kuya Leon sa akin.
Tinanguan ko siya at nagpauna na siya sa pag akyat ng hagdan dito sa abandunadong building, nakasunod lang ako sa kanya.
Nang malapit na kmi sa ikatlong palapag ay nakarinig ako ng sigaw mula sa dalawang lalaki.
"Remo, Antony tama na muna yan, nandito na si Ms. Chandra" utos ni kuya Leon sa dalawang lalaki na nagpapahirap sa mga pumatay kanila mom at dad.
Tumigil si kuya Remo at kuya Antony sa paghagupit ng latigo sa likod nung dalawa.
"Anong pangalan nilang dalawa?" Tanong ko.
"Yung nasa kanan ay si Victor at ang nasa kaliwa ay si Blade." Sagot ni kuya Leon.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at hiningi ko ang isang latigo kay kuya Antony.
"Pakitanggalan ng piring 'tong dalawa" utos ko.
Agad naman na lumapit si kuya Remo sa dalawang suspect at tinanggalan niya na ito ng mga piring.
Inikot ko muna ang paningin ko, buti na lang at nandito ang ibang tauhan ni kuya Alberto, hindi sila matatakasan ng dalawang 'to.
Pumunta ako sa harap nung dalawa para makita nila ako at para mapagmasdan ko ng maayos ang mukha nila.
"Alam niyo ba kung anong kinuha niyo sa buhay ko?" Tanong ko sa dalawang suspect.
Nanatili pa ring tikom ang bibig nung dalawa at masama ang tingin sa akin. Bilang ganti ay nginitian ko sila habang winawasiwas ang latigong hawak ko.
Pumunta ako sa likuran nilang dalawa at inihahanda na ang latigo para sa paghampas na gagawin ko.
"Gusto niyo bang patayin ko rin yung pamilya niyo sa harap niyo mismo? Gaya ng pinaranas niyo sa kuya ko nung pinatay niyo ang mom at dad namin!" Inis na sabi ko pa saka ko sila pinaglalatigo sa likod nila.
Puro sigaw nina Blade at Victor ang bumalot sa ikatlong palapag ng abandonadong gusali na 'to, mabuti na lang at nasa liblib ito.
"Yung sakit na nararamdaman naming magkakapatid ngayon, titriplehin ko pagdating sa inyo!" Sigaw ko sa kanila.
Binigay ko ang latigo kay kuya Antony.
"Sinong nag-utos sa inyo?" Kalmadong tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/263380528-288-k741447.jpg)
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Cerita PendekStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.