AMARIS CHANDRA'S POV
Panalo kami...
Mom, dad, nabigyan ko na kayo ng hustisya, I miss you both. Guide us always, okay? We will meet again, in the right time. I love you, mom and dad...
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko at nagpapahinga. Kanina pa kami nakauwi galing sa korte.
Hindi ko inaasahan na may witness na tatayo para sa akin at mas lalong hindi ko inaasahan ang pagtatakip sa akin nina Blade at Victor.
Blade at Victor, wag kayong mag-alala, tutuparin ko yung pangako ko sa inyo na magandang buhay ng pamilya niyo. Salamat at pasensya na...
3 PM na pero wala akong ganang kumain, hindi na din ako nag-lunch kaninang pagdating namin bagkus ay nagpadiretso na lang ako dito sa kwarto.
Dalawang buwan na lang, pasukan na naman. Graduating na ako, pero wala na sina mom at dad sa tabi ko.
Ang dami ng nangyari...
*KNOCK* *KNOCK* *KNOCK*
"Come in!" Sigaw ko.
Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Paul. May dalang pagkain.
"You need to eat, love" seryosong sabi ni Paul.
Inilapag niya sa table ko ang pagkain.
"But--" angal ko.
"No buts, kailangan mong kumain kasi magte-take ka ng meds mo"
"Fine..." Pagsuko ko.
Pinanood niya lang akong kumain. Namutawi ang katahimikan sa kwarto ko.
Ilang saglit pa ay natapos ko na ang pagkain ko. Lumapit si Paul sa akin, saka binigay sa akin ang gamot ko at tubig.
"Are you still mad at me?" Tanong ko nang mainom ko na ang gamot ko.
"No, I'm not mad at you anymore." Sagot ni Paul. "I just...I just love staring at your face. I missed you, love. Parang ang tagal mong nawala sa akin kahit palagi kitang nakikita. Parang ang layo-layo mo na sa akin."
Tinitigan ko lang siya ng diretso sa mga mata niya, at halata doon ang lungkot niya.
"I-I'm sorry, Polaris" mahinang sambit ko. "Lapit ka dito..." Sabi ko habang tinatapik ang kama ko.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.