AMARIS CHANDRA'S POV
Nandito ako ngayon sa Munch Cafe. Eleven in the morning pa lang. Inaantay ko si Ms. Cruz, kailangan ko na siyang makausap ngayon.
Habang nag-aantay ako kay Ms. Cruz ay inoobserbahan ko ang buong Munch cafe. Sa tagal naming tumatambay at kumakain dito ngayon lang ako nag-obserba.
Maganda ang ambiance ng dito sa loob. Kakulay ng kape ang pintura ng buong cafe at pagpasok pa lang ay maaamoy mo na talaga ang mga kape nila.
Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang mga tauhan ng Munch Cafe. Naagaw ng isang babae ang aking pansin.
Ang ganda ng ngiti niya.
Teka mali kayo ng iniisip. Nagagandahan lang ako sa ngiti niya. Nakakahawa.
Nagulat ako ng lumapit siya sa akin "Good morning ma'am. How are you po today?" She asked. Tinignan ko ang name plate niya. Her name is Blair. Barista slash server din pala.
"Good morning, Blair. I'm fine, thank you. Oorder na din pala ako." Bati ko pabalik sa kanya.
"Same order pa din po ba? Tulad ng dati? Caramel Macchiato Frappe and cheesecake?" Tanong niya. Siya siguro yung madalas kumukuha ng order ko.
"Yes, please, but make it two orders. Thank you, Blair." Sabi ko.
"Noted ma'am." Sabi ni Blair.
"Amaris. Just call me Amaris" ngiti kong sabi sa kanya at nginitian niya ako pabalik bago siya pumunta sa counter.
Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto ng Munch Cafe, si Ms. Cruz ang pumasok. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. Tumayo ako bilang pag-galang sa kanya.
"Good morning, Amaris. I'm sorry, na late ako. Inasikaso ko lang ang mga pamangkin ko. Oorder muna ako." Paliwanag ni Ms. Cruz.
"Ayos lang po Ms. Cruz. Huwag na po kayong umorder, nag-order na po ako para sa atin." Sagot ko. "What about po pala kanila Margareth at Leslie, ayos lang po ba sila?" Tanong ko.
"About them, doon muna sila tutuloy sa akin, dahil hindi sila maalagaan ng maayos ni kuya Luigi..." Sabi ni Ms. Cruz. Huli...hindi ko na kailangan itanong. "...madalas pang pumupunta
si Arthur sa bahay ng may pasa sa mukha tuwing sinusundo niya ako. Pag tinatanong ko naman hindi sumasagot, pero alam kong gawa yun ni kuya Luigi. Hindi ko lang mapagsabihan si kuya, dahil natatakot din ako sa kanya." Kwento pa ni Ms. Cruz. "Ang alam ko may company sila noon, nung muntik na yun mabankrupt, tinulungan pa ng lolo at lola mo sila kuya Luigi para hindi bumagsak ang kompanya." Dagdag pa ni Ms. Cruz.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Historia CortaStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.