CHAPTER 57

3 0 0
                                    

PAUL ARIES' POV

Bago ako nakipagkita kay Aero kahapon at nagkwento, nag file muna ako ng kaso para sa ginawa ni Coreen. Abogado siya tapos ganoon yung gagawin niya.

Gusto ko siyang tanggalan ng lisensya. Bahala na siya sa buhay niya, sinisira niya yung relasyon namin ni Amaris.

FLASHBACK...

Agad kong chinat si Aero para makipagkita sa kanya. Inantay ko siya sa Munch Cafe para dito kami mag-usap.

Ilang minuto pa ay dumating siya. Umorder muna kami ng maiinom namin na kape.

"Anong problema, bro?" Kunot-noong tanong niya.

Kilalang-kilala niya talaga ako.

"Bro, I'm sorry nasaktan ko si Amaris" naluluhang sabi ko.

"What did you say?" He asked, halata sa boses niya ang pagka-inis. "What happened?" Tanong pa niya ulit.

"Wala akong kasalanan, bro, I swear. Hinalikan ako ni Coreen at yun ang naabutan ni Amaris. I pushed Coreen immediately when she kissed me. Nagulat na lang ako nang nasampal na ni Amaris si Coreen." Paliwanag ko.

"Abogado ba talaga yang Coreen na iyan?" Inis na tanong ni Aero.

"Alam kong galit ka sa akin, bro. Ayos lang kung sasapakin mo ako ngayon dahil sa nasaktan ko si Amaris, tatanggapin ko iyon." Sabi ko, nakahanda na ako sa pagsapak niya pero tinawanan niya lang ako.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon