AMARIS CHANDRA'S POV
It's been weeks now since Paul and I almost broke up because of my cousin's flirtation.
Hindi na ulit nagparamdam sa amin sila tita Loisa.
Jusmeyo, Amaris! Huwag mong sirain yung magandang araw na nasimulan mo!
Today is ate Yvaine's birthday.
Nagising ako ng maaga at nag-asikaso na, I did my morning routines before I left my room and went to the dining area to have breakfast with my family.
Gaya ng araw-araw kong naaabutan, ako na lang ang inaantay nila para makakain na.
"Good morning fam!" I greeted them warmly.
"Good morning, too" they greet back.
"Happy birthday, ate Yvaine" masayang bati ko kay ate.
Ate Yvaine is stunning in her red sheath dress, alam ko knee-length yung dress ni ate. Kahit ano namang isuot ni ate, lahat ay bagay sa kanya.
"Thank you, bunso. Kumain ka na, magsisimba tayo ngayon" sabi sa akin ni ate.
It's Sunday, May 1, 2022. Twenty-four na si ate Yvaine.
Nagpaalam ako kanila mom at dad na magmo-motor na lang ako, kasi may dadaanan pa ako pag-uwi namin.
Bibili ako ng gift kay ate Yvaine, wala kasi akong gift sa kanya nung graduation niya kaya ngayong birthday niya na lang.
Pero hindi ko alam yung ireregalo ko. Bahala na, mamaya ko na lang iisipin.
--------------
Sinuot ko na ang helmet ko saka ako sumakay ng motor ko nang makita ko na silang sumakay ng van, si kuya Aero ang nagda-drive tuwing nagsisimba kami, para makapag day off na din si kuya Lito.
Pinainit ko muna saglit ang motor ko bago kami tuluyang umalis ng bahay. Hindi ko na nagagamit yung kotse ko, gagamitin ko pa naman din yun ulit, pero hindi ko lang alam kung kailan.
Ilang minuto naming tinahak ang kalsada bago kami nakarating sa simbahan.
Nagpaunang pumasok sila mom at dad, nasa likod naman nila ako habang sina ate Yvaine at kuya Aero ay nasa likod ko, nakahanap agad ng mauupuan si dad, kaya sumunod kami sa kanya.
Nang mag start na ang simba ay tahimik na lang kaming nakikinig, ang buong atensyon namin ay nasa sinasabi lang pari.
Lumipas ang isang oras ng matapos na ang simba. Nakasanayan na nila mom at dad na kausapin muna yung pari bago umuwi kaya kami nila ate at kuya ay inaantay na lang sila sa pintuan ng simbahan.
Dumiretso kami sa mall para doon na kumain ng tanghalian, ganoon naman kami palagi.
This time sa Mang Inasal naman kami kakain kasi sabi ni kuya Aero padamihan daw ng makakain na kanin. Talo na kami doon, competitive siya doon ei.
Pagpasok pa lang namin. Si kuya Aero na agad ang nag-presentang umorder, inabot naman sa kanya ni dad ang pambayad bago siya dumiretso sa counter.
Bumalik siya na may bitbit na number, mag-antay daw kami ng 10 minutes. Marami kasing tao.
"Aero, gusto na namin ng apo" pagbibiro ni mom kay kuya.
"Wait lang po kayo ma, magpo-propose pa lang ako, this week na din po ang uwi ni Alexandra" masayang sabi ni kuya Aero.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.