⚠WARNING: CONTAIN FOUL AND/OR PROFANE WORDS!
AMARIS CHANDRA'S POV
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang mailibing sina mom at dad.
Hindi pa rin umaamin sina Blade at Victor, araw-araw ko silang pinupuntahan para paaminin pero matitibay talaga yung mga yun.
Kasalukuyan kaming nag-uumagahan nina ate Yvaine at kuya Aero, kasama sina nanay Meg, kuya Lito, ate Cheska, at ate Nina. Sila na ang madalas naming nakakasamang kumain.
Lagi din kaming binibisita ni tito Hanz kasama ang pamilya niya. Si tita Marie naman ay bihira lang dahil kailangan siya sa school.
Pumapasok na sina ate Yvaine at kuya Aero sa mga kompanyang iniwan sa kanila nina mom and dad. Tinutulungan sila ni tito Hanz at ni tita Vixcienne na patakbuhin ang dalawang kompanya.
Kaya madalas kong napupuntahan ang dalawang suspect.
Nang makaalis na sina ate Yvaine at kuya Aero, ay umakyat na agad ako sa kwarto ko para maligo at makapag-ayos na.
Pupuntahan ko ulit sina Blade at Victor, hinding-hindi ko sila titigilan hangga't hindi sila umaamin.
Pumasok na ako sa banyo at nagmadali na akong maligo, baka kasi biglang may bumisita, hindi na ako makakaalis.
Nang matapos ako ay nagbihis na agad ako saka ko pinatuyo ang buhok ko.
Pagbaba ko sa sala ay sinalubong ako ni nanay Meg. "Nandyan ang tita Loisa mo"
Agad na nangunot ang noo ko dahil sa pagbisita ni tita Loisa, "sige po nanay Meg, ako na po ang bahala"
Iniwan ako ni nanay Meg kaya dumiretso ako sa pintuan ng bahay para silipin si tita Loisa.
"Hello, bakit ka tumawag ngayon, nandito ako sa bahay ng mga pamangkin ko" rinig kong sabi ni tita Loisa sa kausap niya sa cellphone.
Hindi ko na sana uusisain kung sino ang kausap niya pero may parte sa akin na nagsasabing pakinggan ko lang si tita Loisa.
Wala sa sariling nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko at pinindot ang record button.
"Luigi, tumigil ka muna sa katatawag mo at baka may makarinig at mahalata nila akong may kinalaman ako sa pagkamatay ni kuya Harry at Jen. Yung dalawa mong bata, sinabihan mo ba na huwag magsusumbong? Kung patayin mo na lang rin kaya sila pati yung pamilya nila, para walang problema." dagdag nito.
Pinigilan ko ang sarili ko na wag sugurin si tita Loisa, may tamang oras para dyan.
"Kahit naman patayin natin ang mga pamangkin ko, ay hindi pa rin naman natin makukuha ang yaman nila." natatawang sabi ni tita Loisa sa kausap niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/263380528-288-k741447.jpg)
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.