"Sweetheart," tinig ni mom, inaantok pa ako, halos ayoko pang tumayo sa higaan ko. Nakakumot pa ako.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ko at yabag ni mom na papalapit sa akin.
"Sweetheart, 10 AM na, wake up na." Malambing na tugon ni mom. "Hindi ka na nakapagbreakfast." Dagdag niya pa.
"Hmm..." Ungot ko lang sa kanya, inaantok pa talaga ako ei.
Naramdaman ko ang paglakad niya papunta sa kurtina ng balkonahe ko. Tumama sa mukha ko ang sinag ng araw kaya naman napatalukbong ako ng kumot.
"Anong oras ka na ba nakauwi kagabi from Enchanted Kingdom?" Tanong ni mom.
"12 midnight" tipid kong sagot sa kanya.
"Okay dadalhan na lang kita ng breakfast dito." She said before she leave my room.
After 30 minutes siguro nagising na naman ako sa katok at pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Pinapakinggan ko lang ang yabag, narinig ko ang paglapag ng pagkain ko sa study table ko. Hindi pa din ako kumikilos.
"Uhm..." Tinig nung pumasok sa kwarto, teka hindi na ito si mom ah. "My moon, sabi ni tita ayaw mo daw bumaba, pinagluto pa naman kita ng shanghai na may gulay." Ay hala si Polaris ang aga pumunta. Nakakahiya.
Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot ko at siniguradong hindi ako nananaginip na si Polaris yung nasa tabi ko.
"Good morning, Amaris." Ngiting bati niya sa akin. Shocks! Hindi nga ako nananaginip! Nandito nga siya sa kwarto ko.
Napaupo ako bigla ng wala sa oras. Diretso akong pumasok sa banyo para magtoothbrush, kadiri ka self mamaya may laway ka pa. Nang matapos ako ay nakita ko siyang napangisi.
"G-good morning." Hiya kong tugon sa kanya. "Anong nginingisi mo dyan Polaris?" Tanong ko sa kanya para makabawi sa hiya na nararamdaman ko.
"Wala. Kumain ka na muna." Sabi ni Polaris at nagpigil ng kanyang ngiti. "By the way, anong oras kayo nakauwi?" Pahabol na tanong niya sa akin.
"12 midnight na, medyo nag-enjoy kami ei, marami nga kaming pictures nasa DSLR camera ko." sabi ko sa kanya. Nag-umpisa na akong kumain, nakaupo siya sa kama ko ngayon.
"Pwedeng patingin?" Paalam niya.
"Sige, nandyan yung camera sa sofa nakapatong." Pagkasabi ko nun ay tumayo siya at kinuha sa sofa ang camera bago bumalik ulit sa kama ko.
Binuksan niya na ito at tinignan lahat ng pictures namin ni Luan. Bahala siya dyan sobrang dami nun hahaha.
"Bakit nga pala ang aga mo, anong meron?" Tanong ko kay Polaris habang ngumunguya ako.
"Don't talk if your mouth is full." Ngising sabi niya. "Aayain sana kita sa mall ngayon, date tayo." Sabi niya pa ng hindi tumitingin sa akin.
"What time?" Tanong ko pa.
"3:30 PM pa naman kasi inanyayahan ako ng mom mo na dito na mag lunch." Sagot niya sakin.
"Hmm, okay." Sabi ko na lang. Tinapos ko na yung pagkain ko at binaba ko na ang pinagkainan ko.
Nang umakyat ako ay nandito pa din si Paul sa kwarto ko iniiscan ang laman ng camera ko.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Cerita PendekStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.