AMARIS CHANDRA'S POV
Tatlong buwan pa ang lumipas at opening na ng school na pagma-may-ari ko. Kaya naman ay pumunta kami ng Parañaque. Bibisita para sa first day of school at para sa orientation. Ang sabi kasi ni tita Marie, ay kailangan nandoon daw ako at ang buong family ko, so I excused myself to my professors.
By 9 am ay mag start ang orientation at gaganapin ito sa auditorium ng school. Naka standby pa kami dito sa office kasi may 30 minutes pa kaming aantayin bago mag-umpisa. Nakipagkwentuhan muna sila dad at mom kay tita Marie.
*knock* *knock* *knock*
Pagkatapos ng tatlong katok ay bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang isang teacher na lalaki.
"Good morning po, Ms. Soriano, pwede na po tayong mag-umpisa" ngiting sabi niya.
"Sige, susunod na kami" sabi ni tita Marie. Tumango sa kaniya ang guro at lumabas na.
"Ready na bunso?" tanong sa akin ni ate Yvaine.
"For what ate?" tanong ko naman.
"For your speech." Sagot ni kuya Aero.
Hala! Bakit maypa ganun? Need ba yun?
"Pinapakaba niyo ang kapatid niyo." suway sa kanila ni mom. Natawa naman sila dad at tita Marie.
"Let's go?" aya sa amin ni tita Marie.
Pumunta na kami ng auditorium at nag-uumpisa na ang Emcee sa stage. Ang ganda ng pagkakadisenyo nila kuya Aero.
Tinawag na ng emcee si tita Marie sa stage, pinakilala siya bilang principal nitong school. May mga sinabi pa si tita bago kami tinawag sa unahan.
"Let us welcome, Ruiz Family, owner of this school." umakyat kami ng stage at si mom ang unang nagpakilala.
"Hello students, I am Mrs. Jen Ruiz, hindi ako ang owner" biro ni mom, tumawa naman ang mga estudyante.
"I'm Mr. Harry Ruiz, tatay ako, hindi owner" pagbibiro din dad. Kaya lalong tumawa ang mga estudyante.
"I'm Aero Zeus Ruiz, architect of this school" hangin kuya.
"I'm Asta Yvaine Ruiz, engineer of this school" dagdag pa ate hahaha.
"Hello students, I am your ate Amaris Chandra Ruiz. Owner of this school." ngiting bati ko sa kanila.
Matapos magpakilala ay umupo na kami sa mga upuan na nakapuwesto dito sa stage. Nilatag na ni tita Marie ang rules and regulation ng school para maging maayos ito. Nakinig lang ako hanggang sa matapos na siya. Tinawag niya ulit ako para magbigay ng message.
"Hello again students, hindi ko alam ang masasabi ko, dahil this is the first school that I owned. But thank you for choosing our school. I hope you all enjoy this school year. May mga school supplies din dito lahat iyon libre. Free books din. Alam kong magiging masaya kayo dito dahil may mga activities din na mangyayari dito sa school na ito. I will visit this school again, para icheck ang mga needs niyo pa dito. God bless you all and study hard. Thank you." Mahabang sabi ko at nagpasalamat na. Binigay ko naman ang mic sa emcee.
"Thank you Ruiz family and Ms. Soriano. So, students, narinig naman nating lahat ang rules and regulation ng school, at ang message ni Ms. Amaris, right?" tanong ng emcee. Sabay-sabay naman ang mga bata na sumagot.
"Okay, anong masasabi niyo?" tanong ulit ng emcee.
"Thank you po Ruiz family!" sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante. Ang saya sa puso ko na nakikitang masaya ng mga estudyante.
![](https://img.wattpad.com/cover/263380528-288-k741447.jpg)
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.